SCHOOL 14

582 36 8
                                    

JASMINE

"Ang kalat mong kumain." naiiling na sabi ni Simon at pinunasan pa ang gilid ng aking labi.

Sanay na ako kapag ginagawa niya iyon. Para bang automatic na agad na iyon ang gagawin niya kapag kumakain kami. Nginitian ko siya at muling kumain ng cake.

"Ang sarap!"

Nandito kami sa isang kainan na puro dessert lang ang itinitinda. Kumakain ako ng ube cake habang siya naman ay kumakain ng rocky road flavor na ice cream.

"Kailan mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ko.

"Kanina lang. Naghanap ako ng pwedeng kainan. Para maiba naman." sagot niya na ikinatango ko.

"Buti naman. Malapit na akong magsawa sa mga pagkain sa mall eh. Mas okay din dito kasi maaliwalas ang ambiance."

"May gusto ka pa ba?"

"Yung graham cake." ngiting ngiti kong sagot na ikinailing niya.

"Oorder lang ako." nginitian ko siya at tinanguan.

"Salamat!"

Tumayo na siya at nagpunta sa counter para umorder. Marami ang babaeng napapatingin sa kaniya. Well, hindi ko naman sila masisisi dahil gwapo naman talaga siya. Tindig pa lang eh talagang lilingunin mo na siya. Manghihinayang ka na lang kapag pinalampas mo ang pagkakataon na makita siya. Siguro kung walang Dylan baka nagustuhan ko pa siya. Bukod kasi sa mayabang siya, hindi ko naman maitatanggi na talagang mabait din siya at maalaga. Swerte ang magiging girlfriend nitong lalaking ito.

"Ihahatid na lang daw nila." sabi niya ng makabalik siya.

"Thanks!" ngiting ngiti kong sabi at kumain na ulit.

"Dahan dahan. Wala kang kaagaw." saway niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. "Nakita ko yung nambasted sayo ah. Sino yung babaeng kasama niya?"

"Ewan. Baka girlfriend niya? Tsaka may pangalan siya no. Si Dylan yun." bumagsak ang aking balikat at naalala na naman ang nangyari kanina. "Alam mo sabi ni Elijah, palagi daw akong tinitignan ni Dylan kapag dumadaan ako sa classroom nila." bahagya ko siyang nginitian. "Tapos kapag nakikita daw niya akong nakangiti, ngumingiti din siya. Yung feeling na umasa talaga ako. Naisip ko kanina, baka ito na yun. Baka ito na yung matagal ko ng hinihintay. Buong buo na yung loob ko na kausapin siya ulit at itanong kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na yun pero.. mukhang may iba pala talaga siyang gusto kaya hindi niya ako makita. Kaya hindi niya ako magawang magustuhan."

"Edi hihinto ka na?" saglit akong natigilan ng marinig ang kaniyang tanong.

Napaisip tuloy ako. Titigil na ba ako? Hanggang dito na lang ba talaga? Nang walang makuhang sagot ay nagkibit balikat na lang ako.

"Ewan. Darating naman siguro ako sa puntong iyon. Hihintayin ko na lang na mamanhid ako hanggang sa tuluyang mawala yung nararamdaman ko para sa kaniya." pagdadrama ko.

Tumango tango siya at nginitian ako.

"Let's pray for that."

Natawa ako at muling inenjoy ang pagkain. Ilang saglit lang din ay dumating na ang graham cake kaya lalo akong natuwa.

"Para kang bata." naiiling niyang sabi pero nakangiti naman sa akin.

"Wala ka bang girlfriend?" naisipan kong itanong.

"Tingin mo ba kung mayroon magkasama tayo ngayon? Tsaka ang tagal na nating magkasama hindi mo ba nahahalata?"

"Malay ko ba, baka may itinatago kang dyowa. O kaya LQ kayo kaya ako ang pinepeste mo. Eh bakit ba wala kang girlfriend? Pihikan ka ba sa babae? Ano ba ang tipo mo?" sunod sunod kong tanong.

Binitawan niya ang kutsarang hawak at tinitigan ako ng mabuti. Pinaningkitan pa niya ako ng mata kaya naman pinasingkit ko din ang akin.

"Bakit may balak kang mag apply?" tanong niya na ikinatawa ko.

"Sira! Nagtatanong lang ako no! Napaka feelingero mo talaga!" natatawa pa ding sagot ko.

"Gusto ko yung babaeng lalong gumaganda kapag tumatawa." nahinto ako sa pagtawa ng makita kung gaano kaseryoso ang kaniyang mukha habang nakatitig sa akin. "Gusto ko yung babaeng matakaw. Yung babaeng walang kaarte arte sa katawan. Yung babaeng kayang tanggapin kung ano ako at kung anong mayroon ako. Gusto ko yung babaeng akin lang. Yung ako lang ang mahal because I hate sharing. I really really hate sharing." pagdidiin niya pa.

Napalunok ako at nag iwas ng tingin. Tinignan ko ang graham cake sa aking harapan.

Natigilan ako ng maramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Bakit? Bakit nagkakaganito ako?

Nakagat ko ang aking labi bago siya tignan muli at bahagyang nginitian.

"Ganoon ba? Infairness, maganda naman pala ang tipo mo sa babae. Akala ko kahit sino na lang basta babae eh." awkward akong tumawa.

"I may look like a playboy but I'm not. Seryoso akong magmahal, Jasmine."

High School Love (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant