SCHOOL 49

496 23 23
                                    

JASMINE

Nang makalabas kami ay biglang tumahimik. Lahat ng kanilang atensyon ay nasa amin.. o nasa akin? Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nila Tito Armand, Tita Adeleine, Raven at maging sa ibang pinsan ni Dylan na nakakakilala sa akin. Sunod akong napatingin kay Dylan pero agad din akong nag iwas ng tingin ng makita kung gaano kalalim ang kaniyang pagtitig sa akin.

"Everyone meet my daughter Jasmine." nakangiting pagpapakilala ni Tita Marie sa akin.

"Daughter?" kunot noong tanong ni Raven.

Tumayo si Dwayne at naglakad palapit sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan.

"Daughter in law. She's my girlfriend." gulat kong nilingon si Dwayne na seryoso ding nakatingin sa akin.

"Hmm. Good evening po. Let's just focus to Ate Lauren and Kuya Daniel's upcoming wedding na lang." sabi ko at awkward na napangiti.

Palihim kong siniko si Dwayne dahilan para matanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. Agad na akong umupo sa tabi ni Tita Marie. Tinignan ko siya at inilingan. Ngumiti siya at hinawakan ang aking kamay.

"I don't mind if you're dating my son." nakangiting bulong niya at kinindatan pa ako.

"Tita, hindi po." bulong ko din at umiling iling pa.

Nagsimula na silang mag usap usap para sa mga plano sa darating na kasal nila Kuya Daniel. Nanatili lamang akong tahimik at pinapakiramdaman ang buong paligid. Pansin kong kanina pa ako gustong kausapin ng mga taong nakakakilala sa akin dito pero hindi sila makahanap ng tyempo na ipinagpasalamat ko. I don't know what to say if they asked what happened to me!

Nag enjoy na lang ako sa mga pagkaing nakahain sa aming harapan at tatawa kapag tumawa na sila. Gusto ko na lang magkulong sa kwarto pero ayaw ko namang bigla na lang umalis dito.

"Are you okay?" bulong ni Dwayne na nasa aking tabi.

Nilingon ko siya at sinimangutan. Ngumiti naman siya at hindi nagtagal ay mahina ding tumawa. Napailing na lang ako at inirapan siya.

"You're so cute." ngiting ngiti niyang sabi.

"I hope you enjoy you're stay here para naman bago kayo bumalik sa London ay masulit ninyo ang bakasyon niyo." nakangiting sabi ng Mommy ni Ate Lauren.

Inabot ko ang juice na nasa aking harapan at uminom.

"By the way, you're really pretty hija." habang umiinom ay tinignan ko ang Mommy ni Ate Lauren na sa akin pala nakatingin. "Sayang lang at taken ka na pala. Irereto ko pa naman itong pamangkin kong si Dylan."

Bigla akong nasamid sa iniinom at napaubo pa. Agad akong inabutan ni Dwayne ng tissue na ipinamunas ko sa aking bibig.

"Careful." sabi niya.

Pagkatapos ng dinner ay napagpasyahan ng mga lalaki na uminom muna ng wine habang kaming mga babae naman ay nasa ibang table at kumakain ng dessert.

Tinignan ko ang gawi ni Dylan at agad din namang nag iwas ng tingin. Takot na baka mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

"Jasmine." napatingin ako kay Tita Adeleine ng marinig ang kaniyang boses.

"Tita."

"Can we talk for a while?"

Tinignan ko si Tita Marie na abala sa pakikipag usap sa kaniyang balae at kay Ate Lauren. Muli kong nilingon si Tita Adeleine at nginitian.

"Sure po."

Tumayo na kami pareho at naglakad papunta sa baybayin.

"I'm sorry." panimula niya ng medyo makalayo na kami sa mga kasama.

"Ako po dapat ang nagsosorry sa inyo. Pagkatapos niyo akong tulungan ay bigla akong umalis ng walang paalam." nahihiyang sabi ko.

"No. It's my fault. Pinagbintangan kita sa bagay na hindi mo naman ginawa." malungkot na sabi ni Tita. "I hope you can forgive me."

"Tita, kahit kailan hindi ako nagalit sa inyo." sabi ko at nginitian siya. "I just have my own reasons kaya po umalis din ako pero wala po kayong kasalanan doon. Even me, kung ako po ang nasa posisyon niyo noong mga oras na iyon ay ganoon din po ang magiging reaksyon ko."

Ngumiti siya at hinaplos ang aking buhok.

"You're still the Jasmine that I know." nakangiting sabi niya at niyakap ako.

Napangiti ako at niyakap din si Tita Adeleine.

"Dylan got depressed when you leave." humiwalay si Tita sa akin at pinakatitigan ako ng mabuti. "Sinisi niya ang kaniyang sarili. I always hear his cries." malungkot siyang ngumiti at tumingin sa dagat. "As a mother, I got hurt too. Aaminin kong nagtampo ako sayo dahil iniwan mo ang anak ko. I saw that side of Dylan that I wouldn't want to see again."

Kinagat ko ang pang ibabang labi at agad pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi.

"I'm sorry Tita." naluluha kong sambit.

Muli niya akong tinignan at nginitian.

"Gusto kong hilingin na bumalik ka sa anak ko pero ayaw kong gawin dahil ayaw ko ng makita ang nangyari sa kaniya kapag iniwan mo siya ulit."

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now