SCHOOL 61

602 23 3
                                    

JASMINE

Nagising ako ng maramdamang may humahalik sa aking pisngi at labi. Pagmulat ng aking mga mata ay si Dylan ang bumungad sa akin. Ngiting ngiti habang titig na titig sa akin.

"Good morning wife." nakangiting sabi niya at hinalikan akong muli.

Napangiti ako at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Good morning din." tumingin ako sa aking tabi at nakitang wala na doon si Ryzen. "Nasaan si Ryzen?"

"Sinama ni Mommy. Mamamasyal daw sila sa amusement park." tumango tango ako at naningkit ang mga mata ng makita ang kaniyang kakaibang ngiti.

"What's with that smile?" naghihinala kong tanong.

"We're alone here." agad namula ang aking pisngi ng mapunto ang kaniyang sinasabi. "You're blushing." natatawang sabi niya na ikinasimangot ko. "Sundan na natin si Ryzen?" tanong niya na ikinalaki ng aking mga mata.

"Dylan!" tumawa siya at umayos ng higa sa aking tabi. Niyakap niya ako at hinalik halikan ang aking balikat.

Napangiti ako at napapikit sa sobrang saya na nararamdaman. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na kami na ulit at maayos na. Noon akala ko ay hindi na ito mangyayari. Yung mayakap ko siya, mahalikan at makasama habang buhay. Akala ko ay hindi na niya ako tatanggapin pa dahil sa ginawa ko noon. I want to thank him for loving me so much.

"Let's just cuddle for today. Magkulong lang tayo dito maghapon." dinig kong sabi niya.

"Baka hanapin ako nila Tita Marie."

"Umalis silang lahat. Ayaw ngang sumama nung Dwayne dahil nandito ka pero pinilit siya ni Tita Marie kaya wala din siyang nagawa. Is that guy likes you?" inis niyang tanong na ikinatawa ko.

"He's just like that. Nasanay lang siguro na palagi kaming magkasama noong nasa London kami. Dapat pala ginising mo ako para nakasama tayo sa kanila."

"I want to cuddle with you for the whole day."

"Fine."

"At kung magbabago pa ang isip mo sabihin mo lang sa akin." lalo siyang lumapit sa akin at may ibinulong. "Limang taon ako nag ipon ng energy para sayo."

"Dylan!" hiyang hiya kong sabi at pinagpapalo ang kaniyang braso dahilan para tumawa siya ng malakas.

Nag stay nga kami maghapon sa loob ng kaniyang kwarto. We watched movies on netflix. Lumabas lang siya kanina para kumuha ng mga pagkain namin. Nag video call si Tita Adeleine para ipakita si Ryzen na tuwang tuwa sa pinuntahan nilang amusement park. Sobrang laki ng ngiti sa mga labi ni Ryzen habang nakasakay sa carousel. Napangiti din ako at pakiramdam ko ay nanikip ang aking dibdib sa sobrang saya.

"Sobrang cute ni Ryzen. Talagang nag eenjoy siya dito." masayang sabi ni Tita. "Nag eenjoy din siyang hilain sa kung saan si Raven."

"Thanks for bringing him there, Mom." nakangiting sabi ni Dylan. "Mag ingat kayo."

"Hay naku! Wala iyon no. Ang tagal na din simula noong makapag alaga ako ng bata. Wag niyo kaming intindihin dito at gumawa na kayo dyan ng kapatid ni Ryzen ha! Bye!"

Bago pa ako makapagsalita ay pinatay na ni Tita ang tawag. Napailing na lang ako. Mag Nanay nga sila.

"Narinig mo iyon? Even Mom wants Ryzen to have his siblings."

"And?"

"Let's make a sibling for him." natawa ako at napailing na lang.

"Tingin mo ba, magiging mabuting parents tayo kay Ryzen?" bigla kong naitanong. "Tama lang kaya na inampon natin siya?"

Hinawakan niya ang aking kamay at nginitian ako.

"We will. Ituturing natin siyang atin and you will be a good mother. Kakayanin natin siyang palakihin ng maayos. Ibibigay natin ang masayang pamilya na maagang kinuha sa kaniya. We can do it."

Napangiti ako at hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay. Ayaw na iyong bitawan kahit anong mangyari. I will hold him tight and I want to stay with him forever.

"Thank you, Dylan. Thank you for accepting us in your life and you will be a good father too."

"And thank you for coming back."

Napalunok ako at napatingin sa kamay naming magkahawak.

"Dylan, about the reason why I have to leave you five years ago.." natigilan ako ng may maramdamang kakaiba.

"Are you okay?" nag aalalang tanong niya ng mapansin ang pagtahimik ko. "Hey, Jasmine. What's happening?"

Niyakap ko siya para maitago ang sakit na nararamdaman. Napapikit ako at pinilit na indahin ang paninikip ng dibdib. Biglang bumalik ang takot na naramdaman ko noon. Ang takot na akala ko ay hindi ko na muling mararamdaman pa.

"It hurts." bulong ko sa kaniya bago mawalan ng malay.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now