SCHOOL 20

556 31 0
                                    

JASMINE

"Simon."

Seryoso siyang naglakad palapit sa akin. Bumaba ang aking tingin sa hawak hawak niyang bulaklak bago ibinalik sa kaniyang mukha ang atensyon.

"Happy Valentines." nakangiting sabi niya at inabot sa akin ang bulaklak.

"Simon, anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ko. "Tsaka bakit ngayon ka na lang ulit nagpakita?"

"Kinailangan kong magpunta sa States dahil nagkasakit si Mama. Hindi kita natext o natawagan kasi nawala ang cellphone ko." niyakap niya ako na ikinagulat ko. "I missed you. Namiss kita ng sobra."

"Simon."

"What's happening here?" agad akong lumayo kay Simon ng marinig ang boses ni Dylan.

"D-dylan."

Nagulat ako ng bigla akong hilain ni Dylan palapit sa kaniya. Tinignan ko si Simon na napangisi pero alam kong hindi siya natutuwa sa ginawa ni Dylan.

"Dylan, please. Ako na lang ang magpapaliwanag sayo mamaya." hinarap ko siya pero nanatili ang kaniyang masamang tingin kay Simon.

"Bakit yakap yakap mo ang girlfriend ko?"

"Girlfriend mo?" kunot noong tanong ni Simon at tinignan ako. "Jasmine?"

"Simon, I'm sorry. Tinatawagan kita para sabihin na.. na kami na kaso hindi kita macontact."

"Bullshit." bulong niya. Tumawa siya ng mahina at tinitigan ako ng mga mata niyang punung puno ng sakit, panghihinayang at pagkabigo. "So, I'm already late."

Umiling iling siya bago ako tinalikuran at naglakad na paalis.

"Simon!" susundan ko sana siya kaso pinigilan naman ako ni Dylan. "Dylan, please. Kailangan ko siyang kausapin." naiiyak kong pakiusap sa kaniya.

"No. You're staying here."

Lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang tanawin na lang si Simon.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Dylan.

Nandito na kami sa cafeteria para sa lunch break namin. Kasama namin sila Elijah at Sabrina na nauna ng bumili ng pagkain.

"Spaghetti na lang siguro." wala sa sarili kong sagot.

"Spaghetti for lunch?" kunot noong tanong niya.

"Medyo busog pa kasi ako. Kumain ako ng chocolate na bigay mo." sagot ko at nginitian siya.

"Okay. Bibili muna ako." tumango ako bilang sagot.

Bumagsak ang aking mga balikat at muling naalala si Simon. I hope he's okay. Hindi ko na alam ngayon kung paano ko siya makakausap. Tulad nga ng sinabi niya kanina ay nawala ang phone niya. Hindi ko alam kung saan siya nakatira. Wala akong kilala na kaibigan niya. Gustung gusto ko siyang makausap pero hindi ko alam kung paano.

"Beshy!" napatingin ako kay Sabrina ng umupo siya sa aking tapat. "Ang tagal kang iwan ni Dylan. Kanina pa kita gustong makausap eh."

Nilingon ko saglit si Dylan na bumibili pa din kasama si Elijah bago muling tinignan si Sabrina sa aking harapan.

"Bakit?" kunot noo kong tanong. May inabot siyang maliit na papel sa akin na agad kong kinuha. "Ano ito?"

"Nahulog yan doon sa bulaklak na binigay ni Simon. Pinulot ko."

Napaayos ako ng upo at babasahin na sana iyon pero pinigilan ako ni Sabrina.

"Mamaya mo na basahin. Pabalik na sila Dylan."

Agad kong itinago ang papel sa aking bulsa at nginitian si Dylan ng umupo siya sa aking tabi.

"Binilhan na din kita ng sandwich."

"Thanks." nakangiting sabi ko.

Pinanood ko siyang inaayos ang mga pagkaing binili niya para sa akin. Bigla akong naguilty dahil alam kong may itinatago ako sa kaniya.

"Class, malapit na ang final exam ninyo kaya mag aral kayo ng mabuti. Iwas iwas muna sa mga mobile games at social media." sabi ng adviser namin na si Mrs. Gamboa.

"Yes Ma'am."

After class ay inaya ako ni Dylan na magdate. Nagpunta kami sa mall at nanood ng movie. Doon na din kami kumain ng dinner.

"Buti wala kang duty ngayon?" sabi ni Dylan habang kumakain kami ng dinner sa isang restaurant.

"Nagpaalam ako na hindi muna ako papasok."

"Why? Dahil ba alam mong magdidate tayo?" nangingiting tanong niya.

Napangiti din ako at tumango bilang sagot.

"Thanks for today. Mag ingat ka." nandito na kami sa tapat ng aming bahay. Alas siete na din ng gabi.

Hinalikan niya ako sa noo na ikinapikit ko.

"Uuwi na ako. I love you. See you tomorrow." nakangiting sabi niya.

"I love you too."

Nang tuluyan siyang makaalis ay agad na din akong pumasok. Nagbihis na ako at ilalagay na sana sa labahan ang aking palda ng bigla kong maalala ang sulat ni Simon na inabot ni Sabrina kanina. Kinuha ko iyon at naupo sa aking kama para doon basahin.

Happy Valentines Day, Jasmine!
I'm sorry kung hindi ako nakapagparamdam ng ilang buwan. Hihintayin kita mamaya sa playground kung saan tayo huling nagkita. I'll wait you there. Sana makapunta ka. I have something to tell you.

Simon.

High School Love (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя