SCHOOL 38

483 24 5
                                    

BIANCA

Ako ang nagsabi sa mga kagrupo namin na sa bahay nila Dylan kami mag over night. Tuwang tuwa ako ng pumayag sila.

First day pa lang ng klase ay crush ko na siya agad. Sobrang gwapo kasi. Sobra pang talino. Halos lahat nga kaming mga babae sa classroom ay nagkakagusto sa kaniya.

"May girlfriend na daw pala si Dylan." natigil ako sa pagsusulat ng marinig ang sinabi ng kaibigan ko.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"May nakakita daw sa kaniya na hinatid niya yung girlfriend niya sa school."

"Sigurado ka bang girlfriend yun? Baka naman kapatid o kaya pinsan." sabi ko. Ayaw paniwalaan ang nalaman.

"Girl, hinalikan daw ni Dylan sa labi." bulong niya.

Nabitawan ko ang hawak na ballpen at agad lumabas ng classroom para hanapin si Dylan. Gusto kong sa kaniya mismo iyon manggaling. Tatanungin ko siya. Lalakasan ko ang loob ko. Gusto kong malaman kung wala na ba talaga akong pag asa sa kaniya.

Nang makita siya na kalalabas lang sa boys CR ay tatawagin ko na sana siya kaso bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone.

"Hi baby." nakangiting bati niya ng sagutin ang tawag. "I miss you. Lumayo ka sa mga lalaki dyan ha." para lang akong hangin na nilampasan niya habang abala siya sa pakikipag usap. "Oo naman. I love you."

Napasandal ako sa pader ng marinig iyon. Gusto ko ng tigilan ang pagkagusto ko sa kaniya pero hindi ko magawa. Sa tuwing naaalala ko yung pagngiti niya at pagiging sweet niya habang kausap yung girlfriend niya ay isa lang ang naisip ko.

Gusto ko ding maranasan yun. Gusto kong malaman kung ano ang pakiramdam na maging girlfriend niya..

"Dito nakatira yung girlfriend mo di ba?" tanong ni Wendy ng makapasok kami sa bahay nila Dylan.

"Yup. Maya maya, nandito na din siya." nakangiting sagot ni Dylan.

Napangiti ako ng makapasok sa kanilang bahay.

"Uy Bianca! Iba ang ngiti mo ha." nang aasar na sabi ni Mel. "Sayang may girlfriend na si Dylan."

"Bakit? May gusto ka sa kaniya?" natatawang tanong ni Raymond.

Ngumiti ako at tumingin muna kay Dylan na may hinahanap na kung ano sa kaniyang bag.

"Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kaniya?" lakas loob kong pag amin dahilan para asarin nila kami sa isa't isa.

Dumikit ako ng dumikit kay Dylan. Pasulyap sulyap ako sa kaniya pero agad ding mag iiwas ng tingin at mapapangiti na lang.

Nang dumating ang girlfriend niya ay nainggit ako ng makita kung paano siya sinalubong ng ngiti at halik ni Dylan pati na din kung paano niya asikasuhin si Jasmine noong naghapunan kami. Natigil ako sa pag iisip ng tumayo siya. Agad akong napatingin sa kaniya.

"Kukuha lang ako ng tubig." paalam niya sa mga kasama namin.

"Sige dude." sabi ni Ryan na abala sa pagtatype sa kaniyang laptop.

"Mag ccr lang ako saglit." paalam ko din at agad ng tumayo para sundan siya.

"Oh. May kailangan ka?" tanong niya ng makitang sumunod ako sa kaniya.

"Iinom lang din." nakangiting sagot ko.

"Dadalhin ko naman ito doon. Bumalik ka na." sabi niya habang nilalagyan ng tube ice ang pitsel.

Hindi ako nakinig sa kaniya at pinanood siya sa kaniyang ginagawa.

"Mukhang inlove na inlove sayo si Jasmine." sabi ko.

"Nope. Sa aming dalawa, ako ang mas inlove." natigilan ako dahil sa kaniyang naging sagot. "Kahit iwan niya pa ako, hahanapin at hahabulin ko pa din siya para mas magtagal pa kami."

"What do you like so much about her?"

Natigil siya sa ginagawa at napangiti.

"She's different. Ibang iba siya sa mga babaeng nakilala ko and I like her before she even notice me."

"Talaga?" nakagat ko ang pang ibabang labi at saglit na natahimik. "Can you already see your future with her?"

"Yup." nakangiting sagot niya.

Kinabukasan ay sabay sabay kaming nag almusal. Kasama ang parents at kapatid ni Dylan pati si Jasmine.

"Susunduin kita mamaya. 3pm naman ang dismissal namin." sabi ni Dylan habang nilalagyan ng kanin ang plato ni Jasmine.

"Okay. Hihintayin kita." nakangiting sagot niya.

"Aww. Ang sweet niyo talaga!" kinikilig na sabi ni Wendy.

"Naku! Sanay na kami sa dalawang yan. Araw araw ba naman." natatawang sabi ng Mommy ni Dylan.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong wag silang tignan. Nakaramdam ako ng inggit ng makita kung gaano kasweet si Dylan sa kaniya. Gusto ko ding maranasan iyon. Gusto kong maging boyfriend si Dylan. Gusto ko siya. Gustong gusto.

Napatingin ako kay Isaiah na nasa aking harapan. Natigilan ako ng makitang nakatitig siya kay Jasmine.

Buong oras ng klase ay malalim ang naiisip ko. Nilingon ko si Isaiah at desidido na sa plano.

"Isaiah." kunot noo niya akong nilingon ng tawagin ko siya.

Nandito na kami sa school at katatapos lang ng aming klase.

"Bakit?"

Tumingin tingin muna ako sa paligid bago ako tuluyang lumapit sa kaniya.

"May gusto ka ba kay Jasmine?" seryoso kong tanong.

Saglit siyang natigilan pero napangisi din at napailing iling.

"Why?"

"Help me. Magtulungan tayong dalawa. Gusto ko si Dylan. I want him for me then.. then you can have Jasmine."

Unti unting nabura ang ngisi sa kaniyang mukha at tinitigan ako ng mabuti. Akala ko ay hindi na siya magsasalita kaya nagulat ako ng marinig ang kaniyang sagot.

"Okay."

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now