SCHOOL 51

591 30 21
                                    

JASMINE

"Hindi naman na mahalaga kung ano ang nangyari noon. Deserve ko naman ang galit mo, ang galit ng Kuya mo pati nila Tito at Tita. Hindi ako magrereklamo. Hindi ako masasaktan."

Ngumisi siya at nag iwas ng tingin.

"Kapag tinatanong ko si Kuya kung bakit ka niya nagustuhan, ang sasabihin lang niya ay dahil ikaw si Jasmine." napayuko ako ng marinig iyon. "I really liked you back then. Not for me but for my Kuya." napangiti ako dahil doon. "Please talk to him. Hindi niya man sinasabi pero alam kong hinihintay lang niya ang paliwanag mo. I guess he deserve that."

Umaga na pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Raven kanina. Hindi ko alam kung magpapaliwanag pa ba ako kay Dylan o hahayaan na lang iyon. Limang taon na din naman ang lumipas. Siguro nga ay nakamove on na siya. Maybe Bianca helped him to forget me.

"Good morning hija." napatingin ako kay Tita Marie ng pumasok siya sa aming silid.

"Good morning din po. Saan ka galing, Tita?" tanong ko at bumangon na.

"Tumulong akong maghanda ng almusal. Doon daw tayo kakain sa villa ni Dylan."

Natigilan ako sa pagtayo at nanatiling nakaupo na lang sa aking kama.

"Hmm. Hindi pa po ako gutom, Tita eh. Mamayang lunch na lang po siguro ako kakain." pagsisinungaling ko.

"Halika na. Hinahanap ka din ni Adeleine. Sige na, maghilamos ka muna at sumunod ka na doon ah."

"Okay po."

Nginitian ako ni Tita Marie bago tuluyang lumabas. Napapikit ako at muling humiga. Anong gagawin ko?

"Jas!" boses iyon ni Dwayne at kumakatok na sa pintuan. Maya maya ay tuluyan na siyang pumasok. "Sabi ni Mama isabay kita papunta sa kabilang villa." sabi niya at naupo din sa aking kama.

"Ayaw ko." sabi ko at umiling iling pa.

"So, anong gusto mo? Ipahalata sa kanila na hindi ka pa nakakamove on? Bumangon ka na dyan." napasimangot ako ng sapilitan akong binangon ni Dwayne.

Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami papunta sa villa ni Dylan. Nakita ko na mula sa labas ang loob ng villa niya pero noong makapasok kami ay hindi ko mapigilan ang sariling hindi mamangha sa sobrang ganda noon. Mukhang mamahalin nga ang lahat ng gamit at sobrang linis pa. Nasa sala pa lang kami ay naririnig ko na ang kanilang mga boses.

"Oh nandyan na pala kayong dalawa. Kain na." nakangiting sabi ni Kuya Daniel.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Bianca ng makita ako. Si Dylan naman ay abala sa kaniyang cellphone.

"Good morning Jasmine." nakangiting sabi ni Tita Adeleine.

"Good morning din po." bati ko pabalik.

Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Tita Marie habang si Dwayne ay naupo sa aking tabi. Malaki ang lamesa at punung puno ng mga pagkain.

Kukuha na sana ako ng fried rice ngunit naunahan na ako ni Dwayne kaya napahinto ako. Pinanood ko na lang ang paglalagay niya ng kanin at ulam sa aking plato.

"Is that enough?" tanong niya.

Tumango ako at nginitian siya.

"Salamat."

"Kayo na ba talaga?" napunta ang aking atensyon kay Kuya Daniel ng tanungin niya iyon.

"Mind your own business Kuya. / Hindi po." magkaibang sagot namin ni Dwayne.

Nagkatinginan kami. Sinimangutan ko siya pero nginisihan naman niya ako.

"Is that really you, Jasmine?" napatingin ako kay Bianca ng magsalita siya.

Tipid ko lang siyang nginitian bilang sagot.

"I heard you're now a nurse hija?" tanong ni Tito Armand.

"Yes po, Tito."

"Good to know. We're glad that you're okay." nakangiting sabi niya.

"Thank you po."

Napatingin ako kay Dylan ng bigla siyang tumayo.

"I just have to take this call." paalam niya sa aming mga kasama.

"Go ahead anak." sabi ni Tita Adeleine.

"I'm on leave." sabi ni Dylan sa kaniyang kausap sa cellphone. "Nasa Batangas ako ngayon."

Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sinasabi dahil nakalabas na siya ng dining area.

"You're son must be really busy." sabi ni Tita Marie.

"Oo. May mga case pa kasi silang iniimbestigahan ngayon kaya kahit naka leave eh tinatawagan pa din siya." sagot ni Tita Adeleine.

Nagsimula na akong kumain habang pinapakinggan ang mga plano nila para sa nalalapit na kasal nila Ate Lauren at Kuya Daniel.

Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na si Dylan. Mukhang namomroblema sa kung ano.

"Are you okay?" dinig kong tanong ni Bianca.

"Yeah." maikling sagot ni Dylan.

Tumingin ako sa kanilang gawi at nagulat ng makitang nakatingin din sa akin si Dylan. Ako na ang naunang mag iwas ng tingin. Kinuha ko ang baso sa aking harapan at ininom ang juice na laman noon.

"Jasmine." bigla akong nasamid ng tawagin ako ni Dylan.

"Are you okay? Sabi ko sayo hinay hinay lang." bulong ni Dwayne at hinimas himas ang aking likod.

Nagtakip ako ng bibig at umubo ubo bago tignan si Dylan.

"Ha?"

"Nurse ka di ba? I need you to come with me later."

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now