SCHOOL 18

582 31 6
                                    

JASMINE

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Bumangon ako at tinignan ang aking sarili sa salamin at napangiti.

Inlove na inlove ang dating ah!

Kinuha ko ang aking cellphone para itext si Dylan.

To: Dylan 💜
Good morning. See you later.

Hindi ko pa nabibitawan ang aking cellphone ng bigla naman iyong nagring. Nataranta na naman ako ng makitang si Dylan ang tumatawag.

Kailan kaya ako masasanay na palagi na siyang tatawag sa akin?

Umubo ubo muna ako at inayos ang timbre ng aking boses bago sagutin ang kaniyang tawag.

"Good morning." napangiti ako ng marinig ang boses niya.

"Good morning din." nakangiting bati ko pabalik.

"Did you sleep well last night?"

"Medyo. Late na kasi akong nakatulog kaya medyo inaantok pa ako."

"Pareho pala tayo. Kung alam ko lang na hindi ka din makatulog sana pala tinawagan kita ulit. Gusto ko pa namang marinig ulit ang boses mo kagabi."

Natakpan ko ang aking bibig bago tumili ng walang boses.

Grabe naman itong si Dylan! Ang aga aga eh!

"Ikaw? Kamusta ang tulog mo?" nakangiti kong tanong.

"Kagabi na yata ang pinakamasayang tulog ko."

"Ha? Bakit naman?"

"Dahil alam kong paggising ko kinabukasan ikaw ang makakasama ko."

Hindi ko na napigilan ang aking tawa dahil sa kaniyang sinabi. Narinig ko din ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Ang aga mo namang bumanat!" tinignan ko ang aking mukha sa salamin at nakita ang pamumula noon. "Hindi ko akalain na marunong ka pa lang bumanat ng ganyan."

"Masanay ka na dahil araw araw akong babanat para mapasaya kita." kinagat ko ang aking pang ibabang labi at kinikilig na sumuntok sa hangin.

"Mamaya na lang ulit. Maliligo na muna ako baka hindi tayo makapasok at mag usap na lang dito maghapon."

"Okay. See you later."

Habang naliligo ay kumakanta kanta pa ako. Sobrang saya ko at mukhang hindi na yata mabubura ang ngiti sa aking mukha. Kahit hindi sanay ay naglagay ako ng lipgloss pagkatapos kong magpulbo.

"Ito na yun, Jasmine. Totoo na talaga ito."

Nang magtext si Dylan na nasa labas na siya ay lumabas na din ako. Excited ng makita siya.

"Ma! Aalis na po ako!"

"Oh mukhang masaya ka ah?" tanong niya at napangiti din.

"Inspired lang Ma!" natatawa kong sagot at niyakap siya. "Papasok na po ako."

"Oh sige. Mag ingat ka."

Lumabas na ako ng bahay at nagulat ng makita doon si Dylan.

"Oh! Nandyan ka pala. Bakit hindi ka pumasok?"

"Medyo kadarating ko lang." sagot niya at sumilip pa sa loob. "Nandyan ang Mama mo?"

"Oo. Nasa loob. Alis na tayo?"

"I want to talk to her first."

"Ha? Bakit?"

"To tell her that I'm your boyfriend." namula ang aking mukha at lalong lumawak ang pagkakangiti.

"Ikaw yung nagpunta dito kagabi di ba?" tanong ni Mama ng pumasok na kami sa loob.

"Yes po."

Tumango si Mama at tinignan ako.

"May sasabihin ba kayo?"

Tinignan ako ni Dylan at hinawakan ang aking kamay. Nginitian niya muna ako bago muling tignan si Mama.

"Gusto ko pong ipakilala ang sarili ko. I'm Dylan Evangelista. Boyfriend po ni Jasmine." nanlaki ang mga mata ni Mama bago ako tinignan. Nginitian ko naman siya ng alanganin.

"Ikaw yung niligawan niya? Teka, akala ko ba binasted ka na anak?" naguguluhang tanong ni Mama.

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Dylan kaya natahimik ako.

"I realized that I like her." humigpit ang pagkakahawak ni Dylan sa aking kamay kaya napatingin ako doon. "Hindi ko po pala kayang makita siya na may kasamang iba."

"Do you think she'll like me?" tanong ni Dylan.

Nakasakay na kami sa kanilang sasakyan at papunta na sa school.

"Oo naman. Ang mahalaga naman kay Mama ay yung mapunta ako sa taong mahal talaga ako at syempre mahal ko din."

Nakahinga siya ng maluwag at tinignan ako.

"Sorry for hurting you." seryosong sabi niya. "I'm sorry for being a jerk. Noong iniwasan mo na ako, narealize kong gusto din pala kita at ayaw kong mawala ka sa akin. Masyado akong nakampante na ako lang ang gusto mo kaya noong nakita kong may ibang lalaki na napapalapit sayo, I got jealous. Hindi ko nakontrol ang sarili ko at nasaktan kita."

"Dylan."

"And thank you for still accepting me." nginitian niya ako at hinalikan ang kamay kong kanina niya pa hawak hawak. "I will do my best to make you happy. Hinding hindi ako gagawa ng bagay na magiging dahilan para pagsisihan mo kung ano ang mayroon tayo ngayon."

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now