SCHOOL 32

419 21 5
                                    

JASMINE

Ngayong araw ang simula ng aking klase. Hinatid ako ni Dylan dahil wala pa naman siyang pasok. Nauna kasi ng isang linggo ang klase namin kaysa sa kanila.

"Hihintayin kita mamaya sa gate." tumango ako at hinalikan siya ng mabilis sa labi.

"Ingat ka sa pag uwi. I love you."

"I love you too. Tumawag ka kapag may lalaking umaaligid sayo." paalala niya na ikinatawa ko.

"Oo na. Sige na. Papasok na ako." tumango siya at hinalikan ako ulit sa labi.

Napangiti ako at bumaba na sa kaniyang sasakyan. Kumaway pa ako bago tuluyang isarado ang pintuan.

Agad kong sinagot ang tawag ni Sabrina ng magring ang aking cellphone.

"Hello. Nandito na ako."

"Beshy! Magugulat ka kung sino ang magiging kaklase natin!" excited niyang sabi. "Dalian mo na ha. Nandito na ako sa room."

"Okay. Sige."

Napakunot ang aking noo. Sino naman kaya ang tinutukoy niya? Nang makarating sa classroom namin ay marami na din ang nandoon. Hinanap ko si Sabrina at nakitang nakaupo siya sa bandang likod. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kung sino ang kaniyang katabi.

"Hi Jas!" nakangiting bati niya ng makalapit ako sa kanila.

"Simon?" gulat kong sabi pero napangiti din. "Akala ko ba sa America ka na mag aaral?" tanong ko at naupo sa kaniyang tabi.

"Nagulat nga din ako eh." sabi ni Sabrina. "Ang aga niya kaya."

"Well, dapat nga sa America ako mag aaral pero dumating na kasi yung step brother ko at dito din siya mag aaral kaya hindi na ako umalis."

Napatango tango ako.

"Si Dylan? Dito din mag aaral?" tanong niya.

"Hindi eh. Nakapasa siya sa Priston University." tumango siya at nginitian ako.

Nang dumating ang aming professor ay nagpakilala kaming lahat sa harapan. Huminga pa ng malalim si Sabrina ng siya na ang magpapakilala sa harapan.

"Hi. Ako si Sabrina Javier." nahihiyang sabi niya. "Sana maging friends ko kayo."

Nang si Simon na ang tumayo ay nagtilian pa ang mga babae. Nagkatinginan kami ni Sabrina at parehong natawa.

"Hi guys. I'm Simon Rivera. Nice meeting you all." nakangiting pagpapakilala niya.

Nang makabalik si Simon sa upuan ay ako naman ang tumayo at naglakad papunta sa harapan.

"Hello sa inyo. Ako si Jasmine Rodriguez." nakangiting pagpapakilala ko.

"Hi miss! Single ka ba?" sigaw noong isang lalaki na ikinatawa ng buong klase.

Natawa din ako ng mahina bago bumalik sa aking upuan.

"Mukhang sikat ka agad sa mga boys ah." sabi ni Sabrina ng makaupo ako.

"Nangtitrip lang ang mga yan."

Nilingon ko si Simon na tahimik lang at masama ang tingin sa kung saan. Sinundan ko ng tingin ang kaniyang tinitignan at nakitang nasa lalaking sumigaw kanina ang kaniyang atensyon. Napatingin ako sa kaniyang kamay na unti unting sumasarado. Parang manununtok na anumang oras.

"Simon?" pagtawag ko sa kaniyang atensyon. Agad niya akong nilingon at dahan dahang kumalma ang kaniyang ekspresyon. "Okay ka lang?"

"Yeah." sagot niya at bahagya akong nginitian. "Wag mo akong intindihin."

Nakinig ako ng mabuti sa klase. Minsan ay naiilang ako sa paglingon lingon sa akin noong lalaking sumigaw kanina pero hindi ko na lang din pinagtutuunan ng pansin.

Tss. Isumbong ko kaya siya kay Dylan?

Nang matapos ang unang klase ay nanatili kami sa aming room para hintayin ang susunod na professor. Ang iba ay nagkukwentuhan, nagreretouch at kung anu ano pa. Si Simon ay lumabas para mag cr. Kami naman ni Sabrina ay nag usap tungkol sa nangyari sa kaniya noong bakasyon.

"Sa susunod sumama kayo ni Dylan sa probinsya namin. Ipapasyal ko kayo." nakangiting sabi niya.

"Sige. Sasabihin ko sa kaniya." excited kong sabi.

Natigil kami sa pag uusap ng biglang lumapit sa amin yung lalaki kanina kasama ang tatlo niya pang mga kaibigan.

"Hi. You're Jasmine, right?" nakangiting tanong niya.

Tumango ako at bahagya siyang nginitian. Biglang nailang sa paninitig niya sa akin.

"By the way, I'm Hiro." inabot niya ang kaniyang kamay para makipagshakehands.

Nilingon ko si Sabrina na nakatingin din sa akin. Bahagya siyang umiling at kunwari ay inayos ang kaniyang buhok. Aabutin ko sana ang kaniyang kamay para makipagshakehands pero bago ko pa magawa iyon ay biglang may nagbaba na noon. Gulat kong tinignan si Simon na masama ang tingin sa lalaki.

"Back off." seryosong sabi niya doon sa lalaki.

Bigla akong kinabahan ng makita ang ekspresyon ni Simon. Para kasing malapit na siyang sumabog at manununtok na lang bigla.

"Chill dude! I thought she's single." sabi ni Hiro at itinaas pa ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now