SCHOOL 40

410 18 0
                                    

JASMINE

Habang naliligo ay kinuskos ko ng mabuti ang aking katawan. Alam ko naman sa sarili ko na walang ibang nangyari pero nandidiri pa din ako sa aking sarili.

Sobra akong nasaktan ng iwan akong mag isa doon ni Dylan. Akala ko makakapagsumbong ako sa kaniya. Akala ko madadamayan niya ako pero hindi pala.

Hindi na ako lumabas ulit ng aking silid sa buong gabing iyon. Nakahiga lang ako sa aking kama at umiyak magdamag.

Pagbaba ko kinabukasan ay naabutan kong nag aalmusal na sila Tita, Tito, Raven at Nanay Delia.

"Good morning." nakangiting bati nila sa akin.

"Good morning din po." bati ko pabalik at naupo na.

Tinignan ko ang upuan sa aking tabi na pwesto ni Dylan.

"Maagang umalis si Dylan." nabalik ang aking tingin kay Tita ng muli siyang magsalita. "Namamaga ang mga mata mo. Are you okay?" nag aalalang tanong niya.

Naguilty ako ng makita ang kaniyang nag aalalang mukha. She doesn't know. They didn't know what happened to me and Dylan.

"May pinanood lang po akong drama kagabi." pagsisinungaling ko.

"Ganoon ba?" nakangiting tanong niya. "Wala kang pasok ngayon di ba? May gagawin ka ba?"

"Baka lumabas po ako mamayang hapon."

"Okay. Mag ingat ka sa pupuntahan mo."

"Opo."

Buong umaga ay muli lang akong nagkulong sa aking kwarto. Nakahiga lang at nakatulala. Mamaya ay balak kong puntahan si Dylan sa school nila. Gusto kong mag usap kami ng maayos. Gusto kong ipaliwanag sa kaniyang ang buong nangyari.

"Aalis ka na?" tanong ni Nanay Delia ng makita ko siyang nagdidilig sa labas.

"Opo."

"Mag ingat ka."

"Thank you Nay."

Nang makasakay sa taxi ay agad akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung pakikinggan niya ba ako. Hindi ko alam kung paniniwalaan niya ako. Saktong alas kwatro ng hapon ako nakarating sa kanilang paaralan. Nakagat ko ang aking pang ibabang labi habang hinihintay siyang lumabas. Napaayos ako ng tayo ng makita ang kaniyang sasakyan. Magpapakita na sana ako kaso nakita kong nakasakay doon si Bianca. Natigilan ako at napaatras. Bigla akong tumalikod ng dumaan sila sa aking harapan.

Naglakad lang ako pauwi sa bahay. Wala akong ibang dala kundi ang aking wallet. Iniwan ko sa kwarto yung cellphone ko. Hindi ko tuloy alam kung ilang oras akong naglakad hanggang sa makauwi.

Nang malapit na ako sa bahay ay napahinto ako sa paglalakad ng makita sa labas si Dylan. Pabalik balik siya sa paglalakad at parang naiinis sa kung ano. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang pumatak ang aking luha. Yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Yung mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Nang sa wakas ay mapansin niya ang pagdating ko ay parang nakahinga siya ng maluwag. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba iyon. Hindi ko alam kung sapat na ba iyon para mawala ang sakit na nararamdaman ko.

"Where did you go?" tanong niya at naglakad na palapit sa akin.

Napayuko ako ng lalong bumuhos ang aking mga luha. Sa sobrang bigat ng aking nararamdaman ay gusto ko na lang umalis. Gusto kong pumunta sa lugar kung saan makakahinga ako ng maluwag. Yung malayo sa sakit. Yung malayo sa kaniya.

"I'm asking you, saan ka nagpunta?"

Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang pagkatigil niya ng makita ang luhaan kong mukha. Pinunasan ko ang aking mga luha at bahagya siyang nginitian.

"Yung picture kagabi, hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa lugar na iyon. Basta ang alam ko lang may kumuhang lalaki sa akin tapos paggising ko nandoon na ako." napatingala ako ng muling bumuhos ang aking mga luha. Nakagat ko ang pang ibabang labi ng muli siyang tignan. "Akala ko makakapagsumbong ako sayo pero hinusgahan mo ako agad. Hindi mo man lang pinakinggan yung paliwanag ko. Ganoon ba ang tingin mo sa akin? Tingin mo ba, magagawa ko iyon sayo?"

"Baby, calm down. I'm sorry, okay?" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako ng mabuti. "I'm sorry. I just.. I just get really mad last night."

"Alam mong mahal na mahal kita di ba?" umiiyak kong tanong.

"I know. I'm sorry." agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa kaniyang pisngi.

"And I'm sorry too. I'm so sorry for disappointing you. I'm so sorry for not being the girlfriend that you want."

"Baby, no. You're the best girlfriend that I'll ever have. Please, just stop saying sorry. Ako dapat ang magsorry." niyakap niya ako ng mahigpit na lalong ikinabuhos ng aking luha. "I'm sorry baby. I love you. I'm sorry for judging you. Sorry kung pinairal ko yung galit ko kagabi. I'm sorry for hurting you."

Napapikit ako at hinayaang bumuhos ang lahat ng aking luha. Hinayaan ko ang sarili kong maramdaman na may natitira pa akong karamay sa mundong ito.

High School Love (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu