SCHOOL 48

490 22 21
                                    

JASMINE

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng makita ang kalmadong mukha ni Dylan. Hindi man lang siya nagulat ng makita ako. Para bang nakalimutan na niya ako kaya wala na siyang pakialam.

"What are you doing here?" napalunok ako ng marinig ang kaniyang baritonong boses.

Sobrang laki na ng pagbabago sa kaniya. Mula sa mukha, pangangatawan at maging ang kaniyang boses. Ang dating malalim niyang boses ay lalo pa yatang lumalim. Lalo siyang gumwapo at medyo lumaki ang katawan.

"N-nag iikot ikot lang." nauutal kong sagot. "I-ikaw?"

"I own this place." parang balewala niyang sagot na kabaliktaran sa aking pagkagulat.

"Talaga? Ikaw yung pinsan ni Ate Lauren?" gulat kong tanong.

"Yes." maikli niyang sagot.

Magsasalita pa sana ako pero natigilan ako ng makita ang kakaibang pagtitig niya sa akin na para bang ipinapaalala na may kasalanan ako sa kaniya. Napalunok ako at nag iwas ng tingin.

"What are you doing here? Kamag anak mo ba yung mapapangasawa ni Ate Lauren?" tanong niya dahilan para muli akong mapatingin sa kaniya.

"Sila yung nakasama ko for the past five years."

"Oh. So, sila pala ang pinuntahan mo noong umalis ka sa bahay?"

"Dylan."

"Just go." natigilan ako ng marinig iyon. "Let's just pretend that we didn't know each other."

Nahigit ko ang aking hininga ng dumaan siya sa aking gilid at tuluyan akong lampasan. Ilang minuto pa akong natulala bago ko siya lingunin. Kitang kita ko mula dito ang pagpasok niya sa pinakamalaking villa at ang paghagis niya ng kaniyang travelling bag sa itim na sofa.

Umalis na ako doon ng hindi ko na siya matanaw pa. Suplado na noon pa si Dylan pero lalo siyang naging suplado ngayon. Para tuloy bumalik ako sa high school days namin kung saan palagi niya akong sinusungitan.

Habang naglalakad pabalik sa aming villa ay nakasalubong ko si Dwayne.

"Where did you go?" tanong niya at agad akong nilapitan.

"Naglakad lakad lang. Ikaw? Saan ka pupunta?" kunot noo kong tanong.

"I got so worried. I thought you're missing." sagot niya na ikinatawa ko.

"Wala akong magawa kanina kaya naisipan kong lumabas."

"Don't ever do that again." seryosong sabi niya.

"Oo na. Hindi na mauulit."

Nang sumapit ang alas siete ay nagsimula na din kaming mag ayos. Si Tita Marie ang pumili ng aking isusuot. Napanguso ako habang tinitignan ang sarili sa salamin.

"Okay lang ba Tita? Hindi ba parang revealing dito?" tanong ko at bahagyang tinakpan ang dibdib.

"You're so beautiful hija. Be confident." nakangiting sagot niya.

Huminga ako ng malalim at napangiti na din. Muli kong tinignan ang sarili sa salamin. Bahagya pa akong tumalikod para makita ang aking kabuuan. Tita Marie chose a white dress. Mahaba ito pero ang panloob na palda ay hanggang tuhod lamang.

Isinuot ko na din ang aking flat sandals na kulay puti din at naglagay lang ako ng kaunting pulbo sa mukha at lipgloss para naman hindi ako magmukhang maputla

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isinuot ko na din ang aking flat sandals na kulay puti din at naglagay lang ako ng kaunting pulbo sa mukha at lipgloss para naman hindi ako magmukhang maputla. Inayos ko ang aking nakalugay na buhok bago sumunod kay Tita na kanina pa lumabas sa aming silid.

Kanina ay narinig kong dumating na din ang ilan sa mga kamag anak ni Ate Lauren. Nahinto ako sa pagbaba sa hagdan ng maisip na kung nandito si Dylan ay hindi malabong nandito din sila Tita Adeleine at Tito Armand.

"Hija? Halika na. Nasa labas na silang lahat." pagtawag sa akin ni Tita Marie.

"Susunod na lang po ako Tita. May kukunin lang po ako saglit." pagsisinungaling ko.

"Okay sige. Sumunod ka agad ha."

Tumango ako at ngumiti. Napapikit ako ng tuluyan na siyang umalis at iwan akong mag isa dito. Naglakad ako palapit sa bintana at sinilip kung nandoon na ba si Dylan.

Napatakip ako sa aking bibig ng makita sila Tita Adeleine at Tito Armand. Marami nga silang nandoon. Nakita ko din si Dylan na prenteng nakaupo at may kausap ding ibang mga lalaki na mga pinsan niyang nakilala ko na din noon. Namukhaan ko pa si Raven na sobrang laki na din ngayon. Binatang binata na ang dating.

Nasaan ba si Ate Lauren noong mga panahong kami pa ni Dylan at ipinakilala ako sa kaniyang mga pinsan? Edi sana nagawan ko ng paraan kung alam kong magkamag anak pala sila.

Agad akong napalayo sa bintana ng makitang sumulyap si Dylan dito. Nakapa ko ang aking dibdib at parang lalabas na naman ang aking puso dahil sa malakas na pagkalabog noon.

Ano nang gagawin ko ngayon? Kaya ko bang lumabas at humarap kina Tita na parang walang nangyari?

"Nandyan ka lang pala. Halika na sa baba." napatingin ako kay Ate Lauren ng hawakan niya ang aking kamay.

"Hmm. Ate, maya maya na lang po. Pwede?"

"Why? The celebration will start soon. Dapat nandoon ka. Hindi pwedeng mawala ang pinakamagandang guest namin." nakangiting sabi niya.

Wala na akong nagawa pa ng hilain na niya ako palabas.

Oh God! What am I going to do?!

---------------

~ Additional Characters:

• Bianca Torres - GFriend Sowon
• Dwayne Tuazon - Cha Eunwoo
• Daniel Tuazon - 2pm Nickhun
• Lauren Dela Cruz - GG Tiffany

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now