SCHOOL 19

535 29 6
                                    

JASMINE

"Wag mo na akong ihatid sa classroom. Okay lang ako."

Hinawakan niya ang aking kamay at nauna na sa paglalakad.

"Ihahatid na muna kita." final niyang sabi.

Napatingin ako sa mga nakakasalubong namin na nanlalaki ang mga mata at nagulat dahil hawak hawak ni Dylan ang aking kamay.

"Akala ko ba binasted na siya ni Dylan?"

"Omg! Sila na? For real?"

"Ang swerte niya! Nakuha na niya yung lalaking matagal na niyang gusto."

Ilan lang iyon sa mga naririnig kong usapan nila. Tinignan ko si Dylan na diretso lamang sa harapan ang tingin at hindi pinapansin ang sinasabi ng iba.

"Salamat sa paghatid ah."

"Masanay ka na dahil palagi ko ng gagawin yun." nginitian niya ako at kinurot ang aking pisngi. "Mamaya na lang ulit."

Tumango ako at nginitian din siya. Umalis na siya kaya naman pumasok na din ako sa room namin.

"Totoo ba talaga yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Sabrina. "Kayo na?!"

"Oo." nangingiting sagot ko.

"Bakit? Paano? Kailan?"

"Kagabi lang. Nagpunta siya sa bahay." sagot ko at napahagikgik.

"Wow." natawa ako ng magslow clap pa siya. "Ikaw na! Sayo na ang korona."

Naging mabilis ang paglipas ng mga araw. Christmas vacation na kaya naman nagfull time muna ako sa pagtatrabaho sa restaurant. Dylan and I are going strong. Palagi niya akong hinahatid at sinusundo sa trabaho. He never failed to make me happy at hanggang ngayon ay wala pa naman kaming matinding away.

Nakilala ko na din si Elizabeth na kinakapatid niya. Mabait naman siya at masaya ding kasama.

Si Simon naman ay hindi na muling nagparamdam simula noong huli naming pagkikita. Ano na kayang nangyari doon? Okay lang ba yun? Nag aalala ako sa kaniya kaso wala naman akong ibang mapagtanungan kung nasaan na siya. Hindi na din kasi nagpupunta yung mga kaibigan niya sa restaurant. Siya na lang din naman ang pabalik balik doon simula noong malaman niyang nagtatrabaho ako doon.

Noong sumapit ang new year ay pormal na akong ipinakilala ni Dylan sa parents niya. Mabait sila sa akin at tinanggap ako ng buong puso.

"Papa!" agad ko siyang niyakap ng makitang nakakatayo na siya at sinusubukan ng humakbang.

"A-anak." halos maiyak ako ng marinig muli ang kaniyang boses.

Nastroke si Papa noong bumalik siya dito pagkatapos ng kaniyang kontrata sa Saudi. Nagkaroon din siya ng komplikasyon sa puso kaya naman nag bed rest siya ng ilang buwan. Hindi din siya makapagsalita ng maayos noon.

"Talaga? Nakakalakad na ulit ang Papa mo?" tanong ni Dylan ng magkita kami kinabukasan.

Nandito kami ngayon sa isang resort kasama ang kaniyang pamilya. Birthday kasi ng kapatid niyang si Raven at dito siya nagparty.

"Oo. Tsaka kaya na niya kahit walang umaakay sa kaniya." masayang pagkukwento ko.

"Mabuti naman." nakangiting sabi niya. Pinunasan niya ang gilid ng aking labi na ikinangiti ko. "Ang kalat mo talagang kumain."

Natigilan ako at naalala si Simon. Unti unting nabura ang ngiti sa aking labi.

"Why? Okay ka lang?" nag aalalang tanong niya.

Tumango ako at muling ngumiti. Hindi ko pwedeng sabihin na naalala ko si Simon dahil alam kong hindi niya iyon magugustuhan. Isa pa, hindi ko naman na talaga kailangan pang sabihin iyon. Boyfriend ko siya at hindi magandang pakinggan kapag sinabi kong may iniisip akong ibang lalaki habang kasama siya.

"Dylan! Jasmine! Let's swim!" nilingon namin si Elizabeth na kinakawayan kami.

Nginitian ko siya at kinawayan din.

"Mamaya na lang." sigaw ko pabalik.

"Are you sure you're okay?" nabalik ang aking tingin kay Dylan ng muli niya akong tanungin.

"Naalala ko lang si Papa. Sana tuluyan na siyang gumaling." sagot ko na lang para hindi na siya mag alala.

"Happy Valentines babe." napangiti ako ng makita ang bulaklak at mga chocolate sa back seat ng sasakyan nila Dylan.

Nilingon ko siya sa aking likod na nakangiti din habang nakatingin sa akin.

"Thank you! Happy Valentines din." niyakap ko siya at naramdaman kong hinalikan niya ang gilid ng aking ulo.

"I love you." bulong niya.

"I love you too."

Nang makarating sa school ay punung puno ng design na hugis puso ang aming classroom. Napapangiti na lang ako habang tinitignan ang mga kaklase kong gumagawa ng sulat para sa mga lalaking gusto nila.

"Beshy! Happy Valentines!" nakangiting bati ni Sabrina at niyakap pa ako.

"Happy Valentines din!"

"Hay. Ang bilis ng panahon. February na. Sa susunod na pasukan grade 10 na tayo."

"Oo nga eh." naupo ako at inilagay ang aking bag sa likod.

"Saan ka mag aaral ng grade 11? May naiisip ka ng university?" tanong niya at naupo sa aking tabi.

"Wala pa. May isang taon pa naman para pag isipan iyon."

Napatingin kami sa labas ng biglang maghiyawan ang mga estudyante.

"Anong mayroon?" kunot noong tanong ko.

"Jasmine!" pumasok ang isa naming kaklase at tumakbo palapit sa akin. "Tignan mo yun dali! Para sayo!" kinikilig niyang sabi.

May surprise na naman ba si Dylan?

Napangiti ako at biglang naexcite na lumabas pero unti unting nabura ang aking ngiti ng makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now