SCHOOL 27

494 27 0
                                    

JASMINE

Pagdating ko sa aming kanto ay nagulat ako dahil may police mobile na nandoon. Nasa labas din ang iba naming kapitbahay. Nanlaki ang mga mata ni Ate Fe ng makita ako. Agad siyang tumakbo palapit sa akin.

"Nako! Jasmine, hija! Kanina pa kita tinatawagan ang Mama at Papa mo!" umiiyak niyang sabi.

Biglang kumabog ng mabilis ang aking puso. Tumakbo ako papunta sa aming bahay at parang nadurog ang aking puso dahil sa nasaksihan.

Unti unti akong napaupo sa aming sahig. Sa nanlalabong mga mata ay tinignan ko ang katawan ng mga magulang ko na ngayon ay wala ng buhay. Parang namanhid ang aking buong katawan. Wala na akong maramdaman.

"Ayon sa mga kapitbahay niyo, dumating daw ang Ninong Andres mo na lasing at mukhang nakadrugs. Narinig din nila ang pagsigaw ng Mama mo kaso nakalock ang pintuan kaya hindi sila nakapasok. Mukhang tinangka ng Ninong mo na gahasain ang Mama mo pero nanlaban kaya sinaksak siya. Narinig ng Papa mo ang pag iyak at pagsigaw ng asawa niya kaya lumabas siya ng kwarto. May anim na saksak ang Papa mo sa buong katawan habang ang Mama mo ay may saksak sa tagiliran at inuntog ang ulo sa sahig dahilan ng pagkamatay niya. Ang suspek naman ay nasa kulungan na."

Parang bigla akong nabingi at hindi na narinig pa ang mga sinasabi ng pulis. Kanina ay may dumating ng ambulansya dito at kinuha sila Mama. Ang sabi ay idederetso na sila sa morgue at ihahatid din agad dito bukas ng umaga ang kanilang mga katawan.

"Jasmine hija." nilapitan ako ni Ate Fe at niyakap.

Nakatulala na lang ako. Wala ng maibuhos pa na luha dahil naubos na.
Gusto kong puntahan ang lalaking iyon at itanong kung bakit niya ito ginawa sa amin pero wala na akong lakas para doon. Hindi ko din alam kung kaya ko pa siyang harapin.

Kung umuwi ba ako agad, mangyayari kaya ito? Kung umuwi ako agad at hindi inuna ang lovelife ko maililigtas ko kaya sila?

Napapikit ako at pilit na tinatagan ang sarili.

Kinabukasan ay hindi ako pumasok sa klase. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa dalawang kabaong na nasa aking harapan. Ang mga kapitbahay namin ang nagtulong tulong para sa pag aayos ng kanilang lamay. Sila din ang mga nag aasikaso sa mga bisitang dumarating.

Ma, Pa. Bakit ang bilis naman? Bakit niyo naman ako iniwan agad? Paano na ako ngayon? Saan ako pupunta? Sinong makakasama ko? Ano ng gagawin ko ngayong wala na kayo?

"Jasmine, kumain ka na muna. Kagabi ka pa walang kinakain." nag aalalang sabi ni Ate Fe ng umupo siya sa aking tabi.

"Mamaya na lang po. Hindi pa ako gutom."

Nang sumapit ang hapon ay dumami ang mga nakikiramay. May mga inaabot sila sa akin na sobre na ilalagay ko lang agad sa aking bag at magpapasalamat sa kanila.

Wala pa akong kinakain simula kagabi pero hindi ko maramdaman ang gutom. Nag ring ang cellphone ko at nakitang si Simon ang tumatawag. Hindi ko iyon sinagot at hinayaan lang hanggang sa mawala. Wala pa akong ibang sinasabihan tungkol dito. Kahit si Sabrina ay hindi ko man lang magawang tawagan.

"Jasmine, nandito ang boyfriend mo." natigilan ako ng marinig ang sinabing iyon ni Ate Fe ng muli siyang lumapit sa akin.

Agad kong naamoy ang pabango ni Dylan ng umupo siya sa aking tabi. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong siya iyon. Medyo nakampante ako ng malamang nandiyan na siya. Pakiramdam ko ay safe na ako.

"Why didn't you tell me?" bakas sa kaniyang boses ang labis na pag aalala.

"Bakit nandito ka?" tanong ko imbes sagutin ang kaniyang tanong.

"Hindi ka pumasok kaya nag alala ako. A-anong nangyari? Sinong gumawa nito sa kanila?"

"May nakadate ka na ba kaya nandito ka ngayon? Hindi mo ba siya nagustuhan? Iniisip mo ba ako kapag siya ang kasama mo? Mas gusto mo ba akong kasama kaysa sa kaniya?" wala sa sariling tanong ko at nasa harap pa din ang tingin.

"Baby, please." hinatak niya ako palapit sa kaniya. Nang maramdaman ang kaniyang yakap ay nagsimula na naman akong maiyak. "I'm sorry. I'm sorry for not being here when you needed me the most." hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo at lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin. "Hindi ko na kailangang makipagdate sa iba para lang malaman ang sagot. I love you. Mahal kita hindi dahil nasanay akong nandyan ka. Mahal kita kasi mahal kita. No more explanation."

Napapikit ako at parang nakahinga ng maluwag dahil kahit papaano.. may naiwan sa akin. May naiwan para mahalin ako.

High School Love (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt