SCHOOL 10

578 37 2
                                    

JASMINE

"Ano bang gagawin natin dito?" tanong ni Dylan ng makarating kami sa mall.

"Gagala?" patanong kong sagot. "Isa pa, sabado naman bukas."

"May nakalimutan ka bang bilhin? Nandito naman tayo kaha.."

Agad kong tinakpan ang bibig ni Sabrina bago pa niya matapos ang sasabihin. Sinenyasan ko siyang wag maingay na ikinatango niya.

Nakatingin lang ako sa likod ni Dylan. Nauuna kasi silang maglakad ni Elijah.

"Bakit hindi mo pa sinasabi sa kaniya na nakita natin siyang may kasamang ibang babae kahapon?" bulong ni Sabrina.

"Ayaw ko. Ayaw kong marinig ang magiging sagot niya." malungkot kong sagot.

"Quantum tayo?" excited na tanong ni Elijah.

"Sige!" masayang sagot ni Sabrina.

Habang naglalakad papunta sa quantum ay nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin.

"Ay kalabaw na unggoy!"

"Yan ka na naman. Kalabaw na, unggoy pa?" ngiting ngiti na sabi ni Simon noong lingunin ko siya.

"Simon?" kunot noong tanong ni Elijah.

"Hey!"

Tinignan ko si Dylan at nakita kung paano niya sundan ng tingin ang kamay ni Simon na nakaakbay sa akin. Nagseselos na ba siya?

Nanonood lang kami ni Sabrina sa kanilang tatlo habang nagbabasketball.

"Magaling pala si Dylan magbasketball no?"

"Oo naman no. The best kaya yan!" kinikilig kong sabi.

"Jasmine!" napatingin ako kay Simon ng tawagin niya ako. "Come here!"

"Bakit?" tanong ko ng makalapit sa kaniya.

Nagulat ako ng bigla niyang ipahawak sa akin ang bola at inilagay niya ako sa kaniyang harapan. Para tuloy siyang nakayakap sa akin.

"You shoot this." bulong niya sa akin. "Stay still, nakatingin siya sa atin." lilingon sana ako pero pinigilan niya ako. "Wag ka ng lumingon. Mahahalata tayo."

Wala ako sa katinuan noong hawakan niya ang aking kamay at igiya para mashoot ang bola.

"Wow! Ang galing mo!" natatawang sabi niya.

"I didn't know you two are this close." sabi ni Elijah noong nasa MCDO na kami para kumain.

"Ah oo. We're quite close." sagot ni Simon at inakbayan pa ako. "Nalaman ko kasing nagtatrabaho siya doon sa restaurant na madalas naming pagkainan ng mga kaibigan ko. Simula noon, palagi ko na siyang pinupuntahan at inihahatid pauwi." pagyayabang niya.

"Talaga?" naghihinalang tanong ni Elijah at tinignan ako. "Hindi namin alam na nagtatrabaho ka pala Jas."

Awkward kong nginitian si Elijah.

"Hindi niyo naman na kailangan pang malaman yun. Isa pa, part time ko lang naman yun."

"Pinabaunan pa nga niya ako ng niluto niyang menudo noon eh." ngiting ngiti na sabi ni Simon. "At may kasama pang kanin ha!" dugtong niya at tumawa pa.

Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mga mata. Siraulong 'to! Baka kung ano pa ang isipin ni Dylan! Baka isipin niya hindi ako loyal sa kaniya at two timer pa.

"What? You don't have to be shy about it." sabi niya at kinurot pa ang aking pisngi. "You're so cute."

Napatingin ako kay Dylan ng bigla niyang ibinaba ang kaniyang kutsara't tinidor.

"Uuwi na ako." sabi niya at tumayo na. Kinuha lang ang kaniyang bag sa sahig bago naglakad paalis.

"What? Wait lang dude! Sabay na tayo." susundan na sana siya ni Elijah pero agad ko siyang pinigilan.

"Ako na."

Tumakbo ako para habulin si Dylan.

"Pakisundo na po ako. Sa mall. Yeah. Sa parking lot ako maghihintay." narinig kong sabi niya sa kaniyang kausap sa cellphone.

"Wag ka ng magpasundo. Ihahatid na lang kita." hinihingal kong sabi ng makatabi sa kaniya.

"Bumalik ka na doon." masungit niyang sabi.

Sinundan ko siya ng sumakay siya sa elevator.

"Umalis ka na eh. Bakit pa ako babalik? Ikaw lang naman ang dahilan kaya nag aya akong mag mall."

"Balikan mo yung lalaki mo doon."

Pinigilan ko ang mapangiti dahil sa narinig. Nagseselos na ba siya? Effective ba ang plano ni Simon? May ibang tao na pumasok kaya naman tumahimik na muna ako. Nang makalabas sa elevator ay nagpatuloy ako sa pagsunod sa kaniya.

"Nagseselos ka ba?" lakas loob kong tanong dahilan para huminto siya sa paglalakad at harapin ako.

Huminto din ako at huminga ng malalim. Naghihintay sa magiging sagot niya.

"You know what, just stop." natigilan ako dahil sa narinig. "Binabasted na kita kaya tigilan mo na ako. Palagi mong sinasabi na gustong gusto mo ako pero yun pala may ibang lalaki na palaging mong kasama? Hinahatid mo ako pauwi pero may iba din pa lang naghahatid sayo?" huminga siya ng malalim at tinitigan ako ng maigi. "Layuan mo na ako at kung pwede ayaw na kitang makita."

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now