02

514 24 12
                                    

pagkauwi ko galing sa school agad akong pumasok sa kwarto ko and search his name on Facebook, Twitter and Instagram pero literal na wala akong nakitang ganun na pangalan. So I stopped sa paghahanap and focus sa mga dapat ayusin bago pumasok ng paaralan.

Days passed like a blur and bukas is the first day of school. I set my alarm at 5:30, check my things if okay na lahat ng gagamitin ko tomorrow and kung full charge power bank ko and I went to bed.

Pagkagising ko agad akong bumangon pumunta ako sa Harap ng closet ko para tignan kung anong magandang susuotin for the first day of classes, of course, you need to wear something nice para maganda first impression sayo ng mga schoolmates mo and your teachers.

After looking at my closet, I choose to wear High waist ripped jeans and for my top is short-sleeve off shoulder and a pair of 2 inches heels.

I went to take a bath and did my morning routine. I put my clothes, fixed my hair and put a little bit of powder and lip gloss, Put some pieces of jewelry on, checked my bag and went downstairs to eat my breakfast.

"Good morning, anak" bungad ni Mommy, I went to her place and said my good morning.

"Good morning, Dad," I said and went to my chair

"Good morning, can you call your Kuya?" He said and looked at me.

"Kuya's home?" I exclaimed and was about to go to his room when we heard a voice coming upstairs.

"Yes, I'm home," he said, I went to his place and hug him.

"Okay, let's eat," Dad said with a smile, finally complete na talaga kami. we talked about so many things. Kuya talked about kung gaano kasaya yung vacation niya dun sa America with his friends. I wish I can do that with my friends also.

Pagkatapos namin kumain, nag-ayos kami ng kaunti at lumabas na ng bahay. They will go to work and I will go to school. Dad and Kuya Rad are Engineers, while my Mom is a Internal Medicine Doctor. We bid our goodbyes and went our separate ways.

Pagdating ko sa Parking lot agad kung nakita sina Hadley, Issa at Adel. Nasan kaya yung dalawa.

"Oh, bat tayo lang, Nasan si Kaarina at Kaia?" Tanong ko sakanila.

Agad naman silang tumingin sa 711, kaya napatingin rin ako. Nakita ko si Kaia at Kaarina na may dala dalang Mga kape at Tinapay. routine ack!

"Yey! Where's mine?" Tanong ko sakanila, kaya nakasimangot silang tumingin sakin.

"Ikaw nahuli kaya wala sayo" sagot naman ni Kaia, ano ba yan! Iniinis ulit ako.

"Sige" sagot ko sakanila at mauuna na sanang papasok sa campus ng sumigaw sila

"JOKE!"

Di rin naman ako matiis.

Nag hair flip ako at saka bumalik sa pwesto namin, kinain namin yun at nagkwentuhan. Pagkatapos naming kumain ay agad naming kinuha ang mga bag namin saka pumasok na sa loob ng campus. Ang hirap palang maglakad ng naka heels, super bad idea. sa second floor kaming Grade 9, sa first-floor naman ang grades 7&8 habang ang Grades 10-12 ay sa Third Floor.

Pagtaas namin sa 2nd floor agad kaming pumuntang Section namin at naghanap ng upuan kung saan magkakatabi lang kami, kailangan pang makiusap ni Kaia sa isang classmate namin dati kung pwede ay doon siya. Nag oo naman agad.

Magkatabi kami ni Issa, habang magkatabi naman si, Adel, at Kaia then si Hadley at Kaarina. Pagkatapos naming mag-ayos sa mga upuan namin ag agad-agad kaming pumuntang Corridor namin.

"may pasok nanaman" sabi ni Kaia habang nakatingin sa gitna ng campus grounds namin at sa mga floors. Andaming nag uusap sa mga corridors, ang ingay ng campus.

The sight of Love (LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon