04

278 20 0
                                    


"Shorten Period tayo ngayon, so pwede na kayong umuwi"

tunganga ako boung orientation ni Ms. Valencia, as in! gulat parin akong lumalabas sa room ng HCM. sino namang hindi kung ganun yung ginawa niya. Is this it?

magkaka love of my life na ba ako, Lord?

"Para kang tanga" sambit ni Easton na naghihintay sa labas ng room namin na HCM.

nauna nang bumaba sina Adel. Hindi kasi ako sasabay sakanila, kasi sasama sakin si Easton pauwi.  Sasagot na sana ako sa sinabi ni Easton ng biglang may tumawag sakanya.

"Easton"

Ba't parang close sila? Agad kong tinignan si Easton ng may pagtataka. Plastic tong si Easton, mukhang mag bestfriend sila.

"Close kayo?" Tanong ko sakanya

"Pasabay ako Pauwi" sambit nito kay Easton, eh diba may kotse kanina to?

Agad akong tumingin sakanya ng may pagtataka

"Diba may kotse ka kanina?" Tanong ko dito, eh tama naman ako ah.

"Hiniram kasi ni Ate yung kotse ko kasi nasiraan siya kanina"

palagi nalang siya nakangiti saakin, type ba ako neto?

"Ano, Easton Pwede?" tanong ulit ni Alvaro, agad naman tumingin sakin si Easton na nakangisi. Pagtritripan ako neto.

Agad akong bumaba kaya naman sumunod kaagad si Easton at Alvaro. Pagkarating namin sa Parking Lot andun si Kaia at Nadine, ahh ihahatid ko nga pala sila, magiging driver pa ata ako ngayong araw na to.

"Napakatagal mo" sambit ni Nadine Kaya naman binuksan ko na kaagad ang Kotse ko.

Bubuksan na Sana ni Easton yung door sa Passenger seat ng pigilan ko siya.

"Sa likod ka" sambit ko dito ng nakangisi. kaya naman agad niya akong kinunotan ng noo.

"Trip mo?"

"Wala, gusto ko si Alvaro sa Harap, Sige na sa likod ka na" sambit ko sakanya at tinulak tulak siya

"Okay lang bang sumabay ako?" Tanong ni Alvaro sakin, agad ko siyang liningon at ngumiti.

"O-oo... oo naman" sambit ko at pupunta na sanang Driver's seat ng magsalita ulit ito.

"Pwede bang ako nalang ang magdrive?"

"Si...sigurado ka?" I asked and he just nodded But before taking the keys he leaned and whispered

"Why are you always stuttering when you're talking to me?" Sambit nito sakin ng nakangisi at agad siyang pumasok sa Driver's seat.

Naiwan akong tulala sa labas, hindi parin makagalaw dahil sa Ginawa niya.

Linapit niya yung mukha niya sakin!! Ang bango niya. Bat ganun! hahawakan ko na sana yung pisngi kung saan niya linapit yung mukha niya ng mapatalon ako sa gulat dahil sa busina ng kotse ko.

Agad ko silang kinunutan ng noo at pumasok na sa sasakyan.

"Mag dadaydream pa eh" nakangising sambit ni Easton kaya agad ko siyang tinignan ng nakakunot ang aking noo.

"Pasalamat ka nga matagal ako sa labas kasi mas matagal mong makakasama si Na—" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla niyang e-cover yung bibig ko gamit ang kanyang mga kamay.

Tawa lang ako ng tawa ng makitang pulang pula si Easton sa ginawa ko.

"Sino unang ihahatid natin?" Tanong ni Alvaro kaya napabaling ang atensyon ko sakanya pero nong tinignan niya ako ng nakangiti agad kong iniwas ang aking tingin sakanya.

The sight of Love (LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon