07

215 17 0
                                    


Lumipas ang mga araw na iniisip ko kung tama bang pumayag ako sa plano ng ate ni Alvaro, magsasabay ang birthday celebration namin ni Alvaro, gusto ko sanang theme is white kaso yung Gusto ni Alvaro black. nag-away nga kami kaya sa huli ang desisyon ay black and white ang theme.

Diba?! Kainis!!

I was scrolling through my phone when a message popped in my notifications.

Al Salvador sent you a message.

I rolled my eyes and open the message.

Al Salvador: Ba't gising ka pa?

Kaelen Dela Fuerte: pake mo?

Sino namang hindi maiinis dito? Eh, usap-usapan na kami sa school tapos Hindi ko na alam,  basta naiinis na ako. Pero mabait parin naman ako sakanya and duh crush ko parin yan noh!

Al Salvador: you're being grumpy, you should sleep. Party na natin bukas.

Kaelen Dela Fuerte: its mamaya, 12 o'clock na oh!

Al Salvador: whatever, just sleep. See u later!

Hindi ko na rineplyan at binaba na ang cellphone ko, I pulled my blanket and went to sleep.

Gumising ako mga bandang 11:30 ng umaga, agad akong bumangon at naligo na. Its still June 10 pero gaya ng plano mamaya na yung party. dito sa bahay namin kami magaayos ni Alvaro at ng mga pamilya namin samantalang sa bahay nina alvaro naman ang Venue.

agad agad akong bumaba pagkatapos kong maligo. Pagkababa ko agad akong pumunta sa Garden para mag relax ng kaunti. umupo ako sa gilid ng pool namin at linublub ang mga paa ko don. I'm turning 16 habang si Alvaro 17. ano kayang mangyayari mamaya noh? Maganda ba o may masamang mangyayari?

"Hey"

Agad akong napatingin sa likod ko at nakita si Alvaro doon nakatayo habang nakangiti.

"Oh, anong ginagawa mo dito?"

Agad naman siyang lumapit sakin at linublub rin ang paa sa pool. tinignan ko siya pero agad ding nag-iwas ng tingin ng biglang siyang napatingin sakin.

"Do you want me to be your escort later or si Jael nalang?" 

tumingin ako sakanya at nakita itong nakayuko habang nakayukong nakatingin sa mga paa namin nakalublub sa pool. sinilip ko ang mga mukha niyang nakatingin sa mga paa namin. Agad naman niya akong kinunotan ng noon, I chuckled.

"Of couse Ikaw ang gusto kong escort ko!" 

I look at him and smiled and he smiled back.

"Kae! Al! halina kayo, kakain na" 

Agad akong napatingin kay Mommy at tumayo hindi parin siya tumatayo kaya linahad ko ang aking kamay sakanya, nagpabalik balik ang kanyang tingin sa aking at sa kamay ko pero sa huli ay tinanggap niya rin ito. Hinila ni Alvaro ang aking upuan kaya naman napatingin ako sakanya, I smiled at him at umupo na umupo naman siya sa tabi ko.

I look at him and whispered.

"Si Kuya Rad diyan, magbabangayan sila ng ate mo kapag magkatabi sila"

"Hayaan mo, hindi sila umaamin kong meron silang past eh" sagot niya kaya naman napatawa ako.

Agad kaming napatingin kay ate Alex ng makita namin siyang nakakunot ang noong bumaba sa stairs namin, tumingin kaming lahat sakanya at napatawa ng makitang stress siya dahil kay kuya. 

The sight of Love (LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon