30

162 11 0
                                    

5:00 na ako gumising para iwas late, ayoko ng maulit yung kahapon tsk, baka pwede pa akong makipagpalit ng upuan, kahit sa likod nalang ni Hadley.

"Goodmorning" agad akong napatingin sa pintuan ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Binaba ko ang bag ko at tinaasan siya ng kilay,

"Bababa na ako, magbabantay pa ako sa gate 4" paalam ko sa mga kaibigan ko, tinanguan lang nila ako habang hinahabol ang tingin sa labas ng classroom namin

Dumaan ako sa isang door, agad naman siyang sumunod don. "Flowers for you" nakangiting sambit nito, linagpasan ko na siya at tinignan ang bawat classroom. Ramdam kong nakasunod parin siya ang ibang mga tao sa corridor ay tinutukso na kami pero hindi ko parin siya tinitignan.

"For you?" Ulit nito ng nasa harapan ko na.

"Allergic ako"

I tried moving at his left side to avoid him pero hinarangan niya lang ulit ito, Tinignan ko siya ng masama at nagmove ulit para makaraan pero hinarangan niya ulit ako.

"Uhm, flowers?"

"I said I'm allergic"

Taka siyang tumingin saakin at sa bulaklak na hawak niya, "sigurado ka ba,eh—"

Hindi ko siya pinatapos at naglakad na, tumingin ako sakanya at saka ngumisi, "allergic ako sa mga taong manloloko"

Rinig ko ang pang-aasar sakanya ng kanyang barkada at ilang bulungan na nagloko siya sa loob ng relasyon namin. How can he be so chill? Diba, we broke up because he cheated and he has the guts to give me flowers?!

salubong ang kilay kong bumababa para pumunta sa gate 4, pinapaikot ikot ko ang ballpen ko sa mga daliri ko. Nginitian ko lang ang mga kasama kong Governors at tumayo na sa harap ng gate.

May bagong batas na pinatupad ang SSO, kapag late ka na hindi ka na makakapag parking sa loob ng school. Dahil nga 2nd day of classes palang, dagsa  ang Students sa Gate 4, lalong lalo na ang Grade 10.

bagsak ang balikat ko habang pabalik sa Room , pagod ako ang hirap humarang ng students sa gate 4, may leadership training bukas sa mga officers at yun nga second day of classes e may officers na per classroom, ang problema ko ay yung laro ko rin bukas, walang papalit saakin kasi dalawa lang kaming middle spikers. Huminga ako ng malalim at pumasok sa room.

Saktong pagpasok ko ay pagpasok ng Adviser namin, umupo na ako sa Likod ni Hadley, kukunin ko na sana ang mga gamit ko sa bag ng mapapitlag ako sa lakas ng hampas sa Table.

Napatingin ako don at magkasalubong ang kilay ni Ms. Hernandez habang nakatingin saakin,

"Who told you to seat there?!" Sigaw nito saakin hindi ko siya sinagot at nakatingin lang sa floor.

"I told you to seat inf ront with this boy! You are the governor pero simpleng rules lang ay hindi mo pa masunod pano mo pamumunuan ang iyong pangkat?!"

Parang sirang plaka na paulit ulit sa isip ko ang sinabi niya, huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa harapan para umupo sa tabi ni Alvaro.

"Starting this Quarter hanggang sa matapos ang School year na ito ay magkatabi kayo!"

Nanlaki ang mata ko at magproprotesta sana ng hawakan ni Alvaro ang braso ko para pigilan, I look at him intently pero sa ginawa kong iyon ay mas lalo niya lang ako hinigpitan para hindi na ako makaangal. Wala na akong nagawa kong hindi umupo at bumuntong hininga, what if magselos si Bambi? Hindi ba siya aware na may Girlfriend siyang selosa?

The class ended well, padabog kong kinuha ang aking bag at lumabas na ng room namin. Inis pa rin ako sa I'm stuck with Alvaro this whole school year! How can I fcking move on?!

The sight of Love (LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon