31

179 13 6
                                    

Lumipas ang mga araw na ang kasama ko lang ay mga kaibigan ko sa SSO at team mates ko sa townhigh, hindi ko nga alam kung nakakasama ko pa mga Kaibigan ko, parang bigla silang pumunta sa pinakababa sa listahan na kailangan kung asikasuhin, napabuntong hininga ako kasabay ng pag-upo ko sa Table naming magkakaibigan,

"Ang tagal mo anong oras na oh" komento ni Parissa habang binibigay ang aking lunchbag.

"Kailangan kong magbantay sa Canteen eh"

Tumaas ang kilay ni Adel at inismiran ako "Bakit ikaw ba nagtitinda?"

"Hindi! Kailangan ko lang talaga tignan kong walang sumisingit at inaayos ang pagdispose ng pinagkainan nila."

Susubo na sana ako ng biglang magring ang bell, I sighed and smiled at them. tumayo na ako, sumimangot sila saakin habang inaayos ko ang lunchbag kong hindi man lang nagalaw ang pagkain.

"Kaelen" pagtawag ng pansin saakin ni Adel, tinanguan ko lang sila at ngumiti

"Im fine, Kailangan ko pang e-check yung tables kung malinis ba, mauna na kayo. iinom nalang ako at tataas na rin"

"Kumain ka" sambit ni Hadley saakin

"Malalate ako kapag kumain pa ako, kayo rin kaya mauna na kayo"

Nag alinlangan pa silang tumaas pero binigyan ko lang sila ng isang matamis na ngiti, umalis na sila pero magkasalubong ang mga kilay na nakatingin saakin.

I shrugged my head with a smile, hindi pa rin nila ako pinapabayaan kahit hindi ko na sila masyadong nakakasama dahil sa mga responsibilidad na kailangan kong panindigan.

habang pagod ako ay puro sila pag-aalaga saamin nila Easton at Adel dahil nga sasali kami sa Varsity ay palagi kaming nag-aattend ng Training kapag Monday at Wednesday, 6:30 nagstastart at 8:00 natatapos, kaya halos pagod na rin kami kapag kakasimula palang ng Klase. sa saturday at sunday naman ay laban namin sa Townhigh, sumali rin sa Townhigh si Adel sa kanila at sila ata ang huli naming Kalaban.

Wala pa kaming talo kaya naman papasok kami sa quarters na walang talo kaya naman nasa Rank 1 kami ng Boung Division 1.

Pagkatapos kung e-check ang PTE kung nasaan kumakain ang mga kapwa ko estyudante ay pumunta ako sa Canteen upang bumili ng softdrink, binuksan ko ito at iinom na sana ng may pumigil saakin.

"May tubig ka sa lunchbag mo ba't hindi yun ang inumin mo, Kae?"

"Walang lasa" simple kong sagot at iinom ulit sana ng kunin niya ito saakin at ibinuhos sa lupa.

Nanlaki ang mata ko at padabog na naglakad, sumunod naman siya agad saakin.

"I told you to fix what you broke not to meddle with my drinks"

"Tsk. Then I'll fix your eating habit"

Kumatok siya sa pintuan ng room namin at dahil kapapasok palang daw ng Guro namin ay pinapasok na rin kami. I sat beside him and got my lunchbag from Hadley, binuksan ko ito at linabas ang bottle ko na wala ng laman, I mentally face palmed and ngayon ko lang narealize na unti-unti ko pala iyon naubos kaninang nagbabantay ako sa canteen.

I put in back and look at Hadley and Kaarina,

"May tubig ka pa?"

"Wala na" sagot ni Hadley

Tinignan ko si Kaarina at Tinuro ito tinaas niya lang ang Hydro niya na at binigay saakin, pagbukas ko at wala na itong laman, inis kong binalik kay Kaarina habang ngumingisi pa siya. 

humarap na ako sa aking guro ng biglang may ibinaba si Alvaro na Hydro sa armchair ko, tinignan ko lang siya pero ang focus niya ay nasa aming guro. ngumuso ako habang binubuksan ko ang hydro niya, tinungga ko na ito ng naramdaman kong tumingin siya saakin, tumingin ako sakanya at ngumisi siya saakin.

The sight of Love (LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon