34

135 10 0
                                    

Monday came, I cried, a lot. Nong Linggo ay si Alvaro lang ang kasama ko at naging sandalan ko. kahit nakatingin lang ako sa kawalan ay basta basta nalang ako maiiyak, misan na rin ako tinawanan ni Alvaro dahil sa pagiging emosyonal ko.

Lumabas na ako ng bahay at hinintay si Alvaro, ang alam ko ay sabay kaming papasok, pero dadaanan muna namin si Bambi at ihahatid sa paaralan niya. lumabas ang kotse ni Alvaro, he stopped in front of me, bubuksan ko na sana ang back seat ng ibaba niya ang Bintana nito.

"Gagawin mo ba akong Driver?"

"Medyo" natatawang ani ko at sumakay na sa front seat,

nang nasa bahay na kami ni Bambi ay lumabas na ako at pumuntang backseat. pumasok si Bambi at ngumiti saakin.

"Hi, Kaelen"

"Hello!" I greeted as I wave my hand

"I heard what Jael did" napatahimik ako sa kanyang sinabi "wag mo siyang gawing rason para masira ang buhay mo, Better days will come" she said and smiled, I smiled back.

nang maihatid namin si Bambi ay agad rin akong umupo sa harap. Buti nalang at maaga kaming nakaluwas ni Alvaro kung hindi ay baka nalate pa kami, nauna na siyang tumaas at kinuha rin ang bag ko upang mailagay sa upuan ko, nanatili ako sa Gate 4 para bantayan ang mga pumapasok na o ko habang hindi pa nag-ring ang bell.

Nang mag ring na ang bell ay pumunta ako sa gate na pinapasukan ng students na may kotse or motor, I told the guard to close at saktong yung kotse na ni Jael ang papasok, his windshield is not tinted kaya kitang kita ko kung paano niya ako tinaasan ng kilay, sinalubong ko ang kanyang mga tingin hanggang sa napasulyap ako sa babaeng katabi niya, really. That fast. playboy.

"Kuya, papasukin niyo nalang sila pero samahan niyo po silang pumirma sa station namin" sambit ko sa guard at nauna ng pumunta

agad akong pumunta sa station namin at inasikaso na ang mga grade 10 na nalate.

"please, secure your tardy slip" paalala ko habang nakangiti sakanila, tumango lang sila bago sumagot at pumasok na sa campus.

I was busy checking the notebook ng makarinig ako ng hagikgik ng isang babaeng malandi, tsk. pinulot ulit ang basurang tinapon, recycle. how pathetic. nang makalapit na sila saakin ay agad kong ibnigay ang notebook kasama ang ballpen, Hannah smiled at Jael, while holding each other's hand. napaiwas nalang ako ng tingin at naki-usap sa mga co-governors na nasa tabi.

"hey, playgirl"

magkasalubong ang Kilay ko ng tawagin ako ni Jael, he just smirked and gave me the notebook, as soon as they turned their back he draped his arms around her shoulder. may gana pa talaga siyang tawagin akong playgirl, kung siya naman talaga ang nagloko. thats why he acted weird infront of me when Sheena came.

"did he just called you playgirl?"

"Sab?!"

"anong nakakagulat sa pagiging late ko, Kaelen?"

napatawa nalang ako sa sinagot niya at binigay ang notebook "sasabihin ko sakanila ang sinabi niya" biglang saad nito

"don't , please don't tell them"

"Ikaw na nga ang linoko pero ikaw pa ang promuprotekta sakanya, Kaelen. wag kang bobo" magaspang na saad nito

napahinga nalang ako na malalim at tumingin kay Sabrine na naka-alis na, I guess she's right. ang bobo ko pagdating sa pag-ibig o pinapabobo tayo ng pag-ibig. I just shrugged the thought off and started fixing the station and went upstairs. salubong ang kilay ko nang mapatingin ako sa labas ng room ni Jael, he was talking to Hannah while Laughing.

The sight of Love (LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon