28

152 13 0
                                    

Tahimik ako pagkasakay sa Private Yatch ng mga Salvador, kaninang umaga ko nga lang nalaman na sakanila yon. May bumabagabag parin saakin, sa mga sinabi ni Ate Alex pero paulit ulit ko ring naalala ang mga sinabi ni Kaia.

Should I try pursuing him, again?

Pero may girlfriend na siya at kita sa mga mata ni na mahal nila ang isa't-isa. Wala sa bokabularyo ko ang pang-aagaw kay Alvaro, sa mga gumugulo sa isip ko napagdesisyonan ko na pag-usapan kasama ang mga kaibigan ko. Pagkaupo ko sa dating upuan ko sa Coaster ay Linabas ko ang cellphone ko at nagchat sa gc namin kung saan meron si Easton, Nadine at Sabrine.

"Hey" pagtawag ko ng pansin sa gc namin.

Sa hindi inaasahan ang sabay sabay na nag-"ting" ang cellphone nila sa sound ng messenger. Napatingin sila saakin at kinunotan ng noo.

"An sama sama ng tingin niyo saakin" nakalabing sambit ko habang masama rin ang tingin sakanila

"Magkakasama na nga tayo magchachat ka pa,ulol"

Inambahan ko ng suntok si Easton at tinaasan ng kilay napabalik ako sa cellphone ko at nagtype ulit.

Kaelen: @baklangeaston tumahimik ka ulol. Punta kayo mamaya sa kwarto may sasabihin ako.

Ang iba ay sumagot ng sige at si Easton naman ay kinuntra ang sinabi ko at hindi daw sasama, hindi ko nalang sinagot at nagmake face sakanya.

"Hindi man lang ako susuyuin" rinig kong bulong nito.

I used my knees to seat in the chair and look at Nadine at the back, I raised my eyebrows teasing her when she just smirked at me.

"Usto daw ng lambing"

"Lambingin niya tubig niya"

Puno kami ng tawa sa likod ng biglang prumeno si Kuya Driver at natamaan ko ang inuupuan ni Alvaro at nahulog sa Upuan ko.

"Are you okay?" Alalang tanong nito saakin habang nakatingin at ginaya ang ginawa ko kanina para makita ako.

Agad akong nag-ayos ng postura at umupo sa tabi ni Hadley na pinipigilan ang pagtawa kasama ng iba kong Kaibigan.

"Yeah, I'm fine"

"Are you sure?"

Inis na lumingon si Bambi at inismiran ako, gulat ako sa pinakita niyang attitude pati narin ang mga kasamahan ko.

"Baby she said she's okay, ba't ba paulit ulit ka?"  Sabay ang paglingkis niya sa nga braso ni Alvaro at sapilitang pinaupo.

Pero bago pa siya makaupo tulad ni Alvaro ay binigyan niya ako ng masamang tingin, at binuka ang bibig.

"Flirt"

Basang-basa ko ang sinabi niya, ngumisi siya at tuloyan ng umupo. Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong halos naka-igting ang mga ng mga Kaibigan ko, sama mo na rin si Easton at ang nakikichismis na si Parissa dahil hindi nakita ang mga binigkas ni Bambi.

"Aba, lakas ng loob magsalita wala namang kasama dito" sambit ni Kaia at napatingin naman si Bambi saamin, at tinaasan siya ng Kilay.

The sight of Love (LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon