05

248 17 6
                                    

mabilis lumapis ang mga araw, second week narin ng classes namin at malapit na yung birthday namin ni, Alvaro. naglalakad ako pabalik sa Laboratory dahil kinuha ko ang Lab gown ko sa kotse ko. 

Last na usap na namin ni Alvaro nung sumabay siya sa akin pauwi. Hindi sa hindi na kami nagkikita pero nakakahiya naman kung makikipag-FC ako sakanya, parang distansya na rin kasi parang may something sila ni Yara. 

nang makapasok na lahat sa Dry Lab ay agad agad kaming naghugas ng kamay at ginawa ang tamang way na pagsout ng gloves. Naglakad na kami sa designated tables namin, ang alam lang namin ay magdidissect kami ngayon pero hindi namin alam kung ano yung ididissect namin.

"Okay class, so for Today we will be dissecting— a Frog!" Ms. Salazar exclaimed kaya agad akong napatingin sa hawak hawak ng Teacher Incharge habang pumapasok sa Lab. 

napatingin ako sa transparent box na hawak hawak niya at may mga palaka, Shit! yung skin ng palaka parang skin ng snake, I hate snakes and I'm seeing the exact skin in the frog.

Agad akong napasandal sa counter na malapit sa amin, Unti unti akong napa upo at hinawakan ang dibdib ko.

"Kaelen" sigaw ng mga kaibigan ko at agad agad dumalo sakin. Tatanggalin na sana nila yung mga gloves nila when I told them not to, Wala na silang gagamitin pagtinanggal nila.

Agad dumalo si Ms. Salazar sakin at dinala sa labas.

"takot ka ba sa palaka?" 

"baka po? kasi pagkakita ko po sa skin ng palaka parang skin po siya ng snake and may ophidiophobia ako" sagot ko kay Ms. Salazar.

"do you want to join the activity? or gawan nalang kita ng paperwork?" Agad akong napatingin sakanya. kung hindi ko gagawin tong activity na to for sure mas mababa yung score ko.

"Magkaparehas po ba ng score yung Paperwork and activity?" Tanong ko sakanya.

"No, if I will make the scoring that way it would be unfair para sakanila na gagawa sa activity" Sagot saakin ni Ms. Salazar i sighed and decided to go with the activity.

"I'll join the Activity Miss" sagot ko sakanya, agad siyang napatingin sakin with wide eyes.

"But your phobia—" pinutol ko ang sasabihin niya.

"I'll be fine Miss, basta po ma open na nila yung frog at hindi ko makikita yung skin." sambit ko sakanya at ngumiti.

Agad pumasok si Ms. Salazar at sinabi sa mga kasama ko na sila na ang unang mag-oopen sa frog.
Agad akong dumalo sa mga kasama ko at ako na ang gumawa sa mga sinasabi ng Teacher namin sa kung anong gagawin namin sa palaka habang yung mga kasama ko naman ay tumutulong parin.

ng matapos na namin yung pag-dissect sa Frog agad akong nakahinga.

"Ipasa mo na, write our names ah" sambit ko sakanya at lumabas sa lab at pumuntang cr

Tinaggal ko na ang gloves at mask at linagay sa basurahan tapos ay naghugas ng kamay. Paglabas ko sa Cr ay agad akong dinaluhan ni Kaia at Adel.

"Okay, ka lang?" Tanong ni Kaia

"Hindi naman umatake yung asthma mo diba?" Agad na tanong ni Adel sakin, I smiled at them saka ko sila sinagot.

The sight of Love (LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon