36

145 7 0
                                    

Hawak hawak ko ang singsing na binigay ni Jael saakin non, itinago ko ito. I admit na gusto ko ulit siyang suotin dahil mahal ko parin siya, but the fact that he cheated twice, its not worth it.

Huminga ako ng malalim bago lumapit sa mga team mates ko, Last day na ng unit meet sa oras na to at talo na ang mga boys namin, kami ay may championship game pa, next game.  wala pa kaming talo na girls kaya deretso kami for Championship at pagkatapos ng championship ay saka ko na ibabalik.  pagka upo ko sa tabi ni Adel at Kuya sanchoo ay narinig ko ang tikhim ng mga lalaki, napabuntong hininga nalang ako atsaka binaba ang bag ko.

"Okay ka lang?" tumingin ako kay Adel at tumingin sa mga lalaki, I showed them a small smile pero ang sinukli lang nila ay isang matalim na tingin, nakita kong inismiran sila ni Easton at lumapit saaming puwesto.

napabuntong hininga ako at saka tumingin sa mga lalaki, nakita kung kinakausap sila ni Kuya Sanchoo, they hate me because Jael had a bad game, wala siyang matino na palo, kahit sa service o depensa ay wala, may isang game silang nanalo at yun yong last game nila, yun rin yung time kong kailan nag-cheer ako para ganahan siya. That's when they realize we're not together anymore.

"Ate Kae, wag ka sanang papaapekto sa mga boys" ngumiti ako kay Celine, siya ang captain ball namin, tumango nalang ako sakanya at nagsimula ng sinuot ang aking Knee pads at sapatos.

pinahilot ko ang aking kamay kay Easton at nagpalagay ng muscle tape sa paa at sa balikat ko, Nagpalagay rin ako Mueller tape saaking Middle Finger.

nagsimula na kaming mag warm up, matinding jogging at drills ang ginawa namin para maganahan kaming mag laro, pagkatapos ng warm up ay naisipan ni Kuya Sanchoo na meditate na kami.

ilang minuto kaming tahimik sa pagmemeditate ay tumayo na rin kami at pumunta sa court, we huddled and started a prayer, pagkatapos non ay pumunta na kami sa side ng court para maipakilala ang mga players.

"Jersey #12, The Captain! Celine"

"Jersey #5, The Setter!  Adel Dabney"

"and Jersey #11, The Middle Blocker standing 5'6 Tall! Kaelen Dela Fuerte"

agad kaming pumwesto sa court side namin at nag huddle, binilin ni Celina ang mga nasa back row na dumepensa at kapag difficult yung set ay may back row attack.

Agad na kaming nag-ayos para sa first set, naging madali para saamin ang kunin ang first set dahil sa pagiging nerbyoso ng kabilang team, wala sila sa palo at nawawala ang depensa nila kaya doon kami nakakapuntos, pero nakukulangan ako sa service ko, sa isang service ko ay hindi pumasok at yung isa eh outside, sa second set ay parang nababasa na kami ng aming mga kalaban lahat ng palo namin ni Celine at mga Hulog ni Adel ay nadedepensahan nila, nakakaiwas na rin sila sa mga blocks namin pero sa huli ay mas ginalingan namin ang depensa namin, mas nakakalamang kami sa depensa sama mo na rin ang opensa kaya naman nakuha pa rin namin ang second set.

humihingal ako habang naka time-out ang kabilang team pagkatapos ang mahabang rally sa third set, nagsasalita si Coach at si Kuya Sanchoo tungkol sa game plan namin ng mapatingin ako sa tubig na nasa harapan ko, tumingin ako sa nagbigay at saka ngumiti.

"Salamat, Jael"

rinig ko ang pang-aasar ng mga lalaki saamin ni Jael kaya ngumiti nalang ako sakanila, bumalik na kami sa loob ng court at saka huminga ng malalim. pagbalik namin ay medyo nakahabol sila, napa iling ako at saka ngumuso, lumapit ako sa mga Ka team mate ko para sa huddle.

"Ate Kae, Block tayo. Depensa Bago opensa ha?"

"isang magandang receive lang" sambit ni Adel kaya sabay sabay kami tumango sakanya.

The sight of Love (LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon