14

171 14 2
                                    

First-day ng exam, aaminin ko kinakabahan ako. may tatlo kaming e-exam ngayon at madidissmiss kami ng 12:00.

kinuha ko ang small bag ko at tinignan kong completo na ang mga gamit ko, Usually kapag exam namin ng barkada hindi na kami bumaba for Break nagdadala nalang kami ng chocolates or crackers para sa taas na kumain. Para makatipid na rin.

I was fixing my hair when my mom entered the room, I smiled at her and said my good morning

"Anak"

"Bakit Mommy?"

"Dadalhin mo ba yung Kotse?" 

Tumingin ako sakanya ng nagtataka at nginitian, I was about to call Alvaro when My mom stop me and smiled.

"Try niyo kayang mag-commute during exams Anak? Gaya ng dati mong ginagawa" 

Half day kami kapag may exams, hindi ko dinadala ang kotse ko at hinahayaan ko ang sarili ko na mag commute. 

"Great Idea Mommy, sasabihin ko Kay Alvaro,"

She just chuckled at lumabas na ng kwarto ko, kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Alavro 

To Ali:
   Commute tayo ngayon, G?

I sent the message at kinuha na ang mga gamit ko para bumaba na. Nagpaalam na ako sa mga magulang ko at lumabas na ng Bahay, binuksan ko ang Payong ko at hinintay si Alvaro sa Labas ng bahay. makalipas ang isang minuto ay lumabas na rin si Alvaro sa bahay Nila na nakajacket.

Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti at nakisilong sa payong ko.

"Mag co-commute tayo?" 

tumango ako sakanya at saka nagsimula ng maglakad, 

"Okay, lang sayo?"

"Oo, naman" 

Naglakad na kami papuntang highway para maghintay ng jeep o bus na masasakyan, hindi naging mahirap para saamin ni Alvaro ang maghintay ng sasakyan dahil maaga kaming lumabas ng Bahay. Sumakay kami sa Isang jeep.

Hindi pa kami nakakalayo ng lumilihis na ang palda ko at pansin kong tumitingin ang lalaki na nasa harap namin.

Ano ba, sana nag bus nalang kami.

Inaayos ko ang palda ko ng biglang linagay ni Alvaro ang Jacket niya sa legs ko upang takpan ito, liningon ko siya at nginitian, linagay niya ang kanyang kamay sa aking balikat at nginitian rin ako. 

"Salamat"

He smiled at me and caressed my hair.

Ng malapit na kami sa babaan na malapit sa school ay pumara na ako at nagbayad, sumakay kami sa isang tricycle.

Mga 6:40 na ng makarating kami ni Alvaro sa School.

"Ako na ang magbabayad" saad nito at nagbayad na.

Pumasok na kami ng school.

"Hindi ka pa tataas?" Tanong nito saakin.

"Hindi pa, hihintayin ko sila dito" sambit ko at tinuro amg bench na palagi kong pinaghihintayan sa mga kaibigan ko.

"Sige samahan na kita dito"

Linabas ko ang reviewer ko at binasa ito, binabasa ko lang ang reviewer ko ng mapansin kong nakatitig lang saakin si Alvaro.

"Bakit?" 

He just chuckled so I raised my eyebrows at him, I gulped when I saw him looking at my eyes.  Iniwas ko ang aking tingin at inayos ang aking sarili. 

The sight of Love (LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon