Chapter 12

720 23 1
                                    

Savage

Chapter 12

Naiwan akong tulala . Hindi ko na naramdamang tumulo yung luha ko. Kanina pa sila umalis . He's holding her wrist while walking out and the worst part is HE CLAIM HER !

In front of that guy , in front of many people. Ang sakit isipin na iniwan niya naman ako . Yung feeling na ikaw yung nauna pero hindi na ikaw yung priority niya.


Napaupo ako at tiningnan ang nagkalat na pagkain at ang basag na pinggan sa sahig. Naiwan rin ang dugo niya doon kasama ako.

Nagsibalikan na yung mga estudyanting nanunuod saamin kanina sa kanilang mga ginagawa. Pero may ilan- ilan pang tumitingin sa gawi ko . Alam ko may kanya- kanya silang chismis para dun at panigurado ako sa lahat ng usapan ako ang kawawa.

Dumating ang staff na nagtatrabaho sa cafeteria.

" Okay lang po ba kayo mam ?" tanong niya ng mapansing tulala akong nakatingin sa pagkain. Tumango lang ako sa kanya pero sa sahig parin nakatingin.


" Pasensya na kuya , babayaran ko na lang yung mga nabasag." kinuha ko yung wallet ko at naglagay ng limang libo sa lamesa tsaka wala sa sariling tumayo . Binitbit ko yung bag ko at umalis.


" Mam ! Sobra po ito mam !" rinig kong sigaw niya pa pero tuluyan na akong nakalabas.



Nakasalubong ko pa si danvis sa hallway pero tiningnan niya lang ako at nilagpasan. Mas lalong bumigat yung dibdib ko . Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa dinaraanan niya pero tuluyan na siyang lumayo nang hindi manlang lumilingon.


Patuloy ako sa paglakad may naramdaman akong may naglalakad sa likod ko pero hindi ko yun pinansin .


The memory seeing him laughing with another girl flashed on my mind parang sirang plaka na paulit- ulit na bumabalik sa isip ko . Masaya ako para sa kanya . Alam ko sa sarili ko na masaya ako , masayang masaya.


I should be happy and proud of him dahil nagawa niyang ibaling sa iba yung attensyon niya . Not like me na paulit-ulit na iniiwan. Pero bakit ko iisipin yun ? Bakit ganito yung nararadaman ko ?

Maybe i'm just jealous 'cause he moving on so fast while me still waiting for the time . The time when someone i love will notice me. Darating pa ba yung araw na yun ?



" Woahh ! Kilig ako ng bonggang-bongga besh !" rinig kong tili ng pamilyar na boses.


Napatingin ako sa harap ko at tama nga ang hinala . Ito yung dalawang bakla na laging kasama ng babaeng yun. Sa lahat ng pagkakataon dito pa talaga ?

Tumili rin yung isang bakla.

" Yeah ! Ang hot ni papa crissy magselos !" rinig sa buong hallway ang boses nila kaya lahat ng estudyanting daraan ay napapatingin sa kanila.


Napabuntong hininga ako.


" Si tammara lang naman yung epal sa lovestory nila eh ."


Mag iiba na sana ako ng daanan nung marinig ko yung pangalan ko. Napakunot ako ng noo at patuloy lang na sundan sila.


" Si Tamara De Epal ! Bagay nga sakanya ! Nakita mo ang reaction niya kanina ng iwan siya ni cristan para kay Sherlyn ? " tumawa siya ." Epic gurl ! " tumawa silang dalawa ako naman ay napataas ng kilay.


" Ang ARTE ! Narinig mo kung pano siya sumigaw ng makitang dumugo ang kamay ni papa crissy ? " humarap siya sa isang bakla at bumuka yung bibig may pahawak pa siya sa kanyang mukha . " Oh Em Geehh !! Cristan ! Your hand is bleeding !" arte niya , nagsi apiran sila atsaka tumawa ng malakas.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon