Chapter 18

666 17 0
                                    

Chapter 18

" My mom text me . Gusto mo ng umuwi ?" napakagat ako ng labi tsaka tumango .

Hanggang ngayun ay hindi parin ako makatingin sa kanya sa kahihiyan. Hanggang ngayun ay hindi parin pumapasok sa utak ko kung bakit ganun ang reaction ko .

Wala akong makuhang sagot . Naguguluhan ako . Sobrang nainis lang talaga ako ng makita may kasama siyang iba kanina kaya nilabas ko lahat yun kaya napahiya ako sa harap niya .Malay ko bang kapatid niya lang pala yun ?


Nandito kami sa loob ng sasakyan niya . Pagkatapos mangyari yun ay nanghina ang mga tuhod ko . Inalalayan niya ako papasok ng sasakyan niya. Buong magdamag siyang nakayakap sakin at nakapalibot sa akin ang braso pero ako naman ay hindi makagalaw.


Hindi ko alam kong ano gagawin ko. Ilang beses ko siyang narinig na bumuntong hininga at ilang beses niya narin niya ako hinalikan sa gilid ng ulo ko . Mahigpit narin ang pagyakap niya sakin na parang mawawala ako sa tabi niya.


" Danvis ." bulong ko .


Bumuntong hininga siya at pinakawalan ako . Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto . Inalalayan niya ako pababa . Parang nakayakap siya sakin at hanggang makapasok ng Restaurant ay ganun parin ang ayos namin. Maraming nakatingin samin ang iba naman ay kinikilig .


Nang makapasok kami sa kwarto ay agad napatingin samin ang tatlo . Ang dalawang lalaki ay napataas ng kilay habang si Tita Elise ay kinikilig at kinukurot pa ang braso ni Tito Davis .

Ngayun ko rin lang napansin na magkalapit na pala talaga ang pangalan ng dalawa . Dapat ng magpakilala sakin si tito ay nanghinala na ako. Bakit hindi yun pumasok sa isip ko nung una ?


Lumapit kami kay dad.

" Are you okay ?" nag aalalang tanong niya sakin.

Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ng kamay ni Danvis sa aking tagiliran. Nakangiting tumango ako kay dad. Mas lalo akong hinapit si Danvis sa kanya. Nakita naman ni dad ang braso ni Danvis na nakapalibot sa aking beywang . Nakita kong may sumupil na ngiti sa kanyang labi.


" She's tired , tito . Ihahatid ko na po siya pauwi ." nakangiting tumango siya . Lumapit sakin si dad at niyakap ako binitawan naman ako ni Danvis upang bigyang laya si dad para yakapin ako . Niyakap ko rin siya pabalik.

" Kailan ka uuwi dad ?"

" Soon ... Sweetheart ." ngumiti ako . Atleast alam ko na ngayung uuwi siya. Hindi man ngayun pero uuwi siya . Uuwi ang dad ko !


Nang bumitiw si dad binalik ni Danvis ang kanyang braso at inilapit ulit niya ako sa kanya .

" Bye , dad ! See you soon ." tumango si dad at ginulo ang buhok ko.

Nang makalabas kami ng kwarto laking pasasalamat ko na wala na masyadong tao. Halos kay Danvis na ako kumuha ng lakas para makalakad pa patungo sa kanyang sasakyan . Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at mabilis na umikot . Pinaharurot agad ito pero sakto lang ang bilis.


Wala parin kaming imikan . I don't know how to start a conversation with him . Sa gitna ng pag iisip ko at dahil narin sa pagod ay nakatulog ako. Naramdaman ko nalang na tumigil na yung sasakyan at may dalawang matang nakatitig sakin. Hinayaan ko lang siya . Kahit gising na yung diwa ko ay hindi ko parin dinidilat ang mata ko .

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko pababa ng leeg ko .

" I love you ."

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon