Epilogue

2.6K 40 8
                                    

Epilogue ...

" Hindi ko po papakasalan ang anak  niyo." Parehong napaawang ang labi nilang dalawa. Bumuntong hininga ako tsaka mapait na ngumiti sa kanila.

" Why hija ? I thought ? We already talked about this ?" Tanong ng mommy ni danvis.

" Hindi naman po ako pumayag sa engagement na to tita. Hindi po ako sang ayon sa gusto niyong mangyari. May sari- sarili po kaming buhay. Ayuko pong magpatali ng dahil lang sa pera. Never po akong pumayag sa marrage for convenience nato. Pangarap ko pong maikasal ng totoo. Hindi lang dahil sa business. Para po sakin sagrado yung salitang " Kasal" na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan at hindi po ito pweding negosyo. I'm sorry po tito , tita kung naiinsulto ko po kayo. Ang tanging gusto niyo lang naman po ay tulungan kami. Pero sana po kung gusto niyo po talagang tumulong yung magaan po sa kalooban yun at hindi humihingi ng kondisyon. Hindi po kasi ako selfish. Hindi ko po uunahin yung sarili ko. Bakit hindi niyo nalang po supportahan si danvis sa pangarap niya. Bakit niyo po siya pinipilit sa isang bagay na hindi niya naman gusto ? I'm sorry for questioning you tita. Sinasabi ko lang po kung anong nasa isip ko." napakagat ako ng labi. "Importante kasi sakin ang anak niyo. Gusto ko pong matupad niya yung pangarap niya. Ayuko pong may pagsisihan siya sa bandang huli."

Tumingin ako sa kanila akala ko magagalit sila pero ngumiti lang sila sakin. Hinawakan ni Tita Elise yung kamay ko.

" Do you love him ? Mahal mo ba ang anak ko hija ?" tiningnan ko silang dalawa. Parehong hinihintay nila ang sagot ko. Tumango ako.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon