Chapter 17

686 25 2
                                    

Chapter 17

Umuwi na nga ako ng maaga at natulog nalang buong araw kasi wala talaga akong gana samahan pa ng nakita ko kanina. Wala naman talaga akong pakialam dun. Naiinis lang ako dahil sa daanan ko pa talaga sila naghaharutan , so ? ang ending ako yung umiwas at nag iba ng landas.

Napadaan ako sa maraming tao panay tingin sa akin at ang iba ay gusto pa yatang harangan ako sa daan. Actually hindi ko pa talaga alam kong anong nangyayari . Natatakot akong magbukas ng social media account ko baka ano pa ang makita . Baka kung ano- anong masasakit na salita ang mabasa ko.

Initindi ko nalang ang mangyayari sa dinner mamaya . Nagprepared ako at umabot pa ako ng isang oras sa paghanap ng damit na susuotin ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong suotin sa dinner meeting nayun at kinakabahan talaga ako .


Inisip ko nalang na ang importante makita ko si dad at ligtas siya . Alas kwatro ng mag simula akong ayusin ang sarili ko. Simpleng make up lang ang ginamit ko and Offshoulder dress 3inches above the knee yung suot ko , at 3 inches lang rin ang heels ko since matangkad naman ako.


Saktong alas sais dumating ang itim na sasakyan na susundo sakin.

Hanggang makasakay ako ay marami paring gumugulo sa isip ko. Nagtataka parin talaga ako kung bakit nga ako kasama sa dinner nayun. Kinakabahan na talaga ako pakiramdam may kinalaman ako sa pag uusapan.


Thirty minutes yung byahe namin at tumigil kami sa isang high class na restaurant, nung makababa ako ay abot- abot ang kaba ko .Pinagbuksan ako ng pinto ng isang bakla.


" Any reservation mam ?" nakangiting tanong niya habang titig na titig sa mukha ko. Napakunot ako ng noo pero sumagot parin.


" Reservation for Mr. Jacob Wang ?" napangiwi ako kasi grabe talaga siyang makakatitig sakin. May dumi ba ako sa mukha.

" Ms. Tamara ?" nakangiting tanong niya kaya tumango ako.

" Follow me mam." habang nakasunod ako sa kanya ay panay lingon niya sakin. Okay , aukward.... May tumabi sa kanyang dalawang babae at tumingin rin sakin ang dalawa. Nang hindi ako makatiis ay nagtanong na ako sa kanila.


" Ahm...may dumi ba ako sa mukha?"

Mabilis silang umiling at tumigil sa paglalakad kaya napahinto narin ako. Nasa harapan ko na sila ngayun ang nagsisikuhan , ang ibang customer na dumadaan ay napapatingin sa kanila. Tinulak ng dalawang babae ang bakla sa harap ko.


Kumiding kinding siya na parang nahihiya namumula rin ang mga tenga niya.

" Bakit ?"

" Ms. Tamara pwedeng pa autograph? " napaawang ang labi ko.


Hindi pa ako nakapagsalita ng lumapit ang dalawang babae saamin at inilabas ang mga cellphone nila.

" Pa- picture narin po Ms. Tamara !" hindi pa ako naka react ng pumuwesto na sila sa tabi ko at kumuha na ng picture. Pakiramdam ko nakanganga ako dun sa kinuha nila pero masaya parin sila at nagtatalon pa ang dalawa.


Ang aukward talaga hanggang makarating kami sa VIP room ay panay parin kuha sakin ng litrato ng tatlo. Saglit kong nakalimutan yung dinner at nawala narin ang kaba ko ng dahil sa kanila. Pinagbuksan nila ako ng pinto at tatlong tao agad ang nakita ko . Kasama ni dad ang dalawang mag asawa mukang familiar nga ang mga mukha nila. Napatigil sila sa pag uusap nung dumating ako .


Tumayo si dad at sinalubong ako , nakangiting pumunta ako sa kanya at agad ko siyang niyakap. Tumayo rin ang dalawang mag asawa at pumunta sa harap ko nagbeso- beso ako sa kanila.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon