Chapter 33

652 16 0
                                    

I miss you....

One month. One month na siyang hindi nagpaparamdam sakin. One month akong naghintay. Nawawalan na ako ng pag asa. Sa loob ng isang buwan hindi binibitawan yung cellphone baka tumawag siya kahit nasa banyo ako. Time and space lang yung hiningi ko pero sobrang espasyo ang binigay niya sakin. Sa sobrang lawak ng espasyo hindi ko na siya maabot ning hindi ko nga alam kung nasan siya.

Simula ng nabakasyon kami sa bahay nila kuya gin nasundan pa yun ng ibang gala. Lagi na rin kaming nagba- bar. Marami ring pinakilalang lalaki saakin si sheila pero wala tagala akong gana. So ang ending si sheila narin ang nagda- date sa kanila. Mali pala ako hindi anim yung boyfriend niya kundi higit sa sampu. Kung sinong lalaking nagugustuhan niya ay sinasagot niya agad. Buti hindi siya nahuhuli ng iba niyang boyfriend.

Mabilis lumipas ang araw pasukan na ulit nextweek. Nakapag enroll na kami kahapon. Sabay kami nina mhelanie. Speaking of her. Lagi ko rin siyang dinadalaw sa kanyang bahay niya. Minsan ako pa ang nagbabantay kay gino. Gwapo ang anak sigurado akong habulin yan ng mga babae paglaki tsaka may pagkasuplado rin.

Balak kong maglibot ng mall mamaya since hindi pa ako nakabili ng mga gamit ko sa school. Ngayun lang talaga ako nagkaroon ng time kasi palagi kong kasama sina sheila. Siya lagi ang pasimuno ng lahat. Lakad doon. Lakad dito. Ano ba talaga meron kay sheila. Boring batalaga siya sa buhay niya at pati kami ay dinadamay niya.

Pagising ko nagluto ako ng agahan. Pagkatapos kong kumain ay naglinis muna ako ng bahay. Pero nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng tumunog yung cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha pero bumagsak ang balikat ko ng makita ang pangalan ni sheila sa screen. Ano naman kaya ang kalukuhan nito ? Napabuntong hininga ako at sinagot yung tawag niya.

" Tam ! Birthday ko ngayun !" Bungad niya sakin. Umirap ako.

"Birthday mo rin kahapon." walang gana kong sagot.

" Yung aso ko ang may birthday kahapon ! Birthday ko ngayun !"

" Birthday ng aso mo may inuman ? Birthday rin ng ipis ko ngayun magpaparty rin ba ako ?" sarcasmo kong tanong.

" Great idea ! Magpaparty ka naman para sa mga ipis mo diyan !" sabi niya at humalakhak sa kabilang linya. Oh my god . Hindi ko na talaga mabasa kong anong laman ng utak niya.

Napabuntong hininga ako. " May pupuntahan ako shei ."

" Saan ?"

" Libing ng manok ko ngayun. Niluto ko kasi." pakikisakay ko sa kabaliwan niya.

" Talaga ? May inuman ba ? Sama !" napanganga ako at di makapaniwala. Seryuso ba siya ?

" May gagawin pa ako shei. Mamaya nalang uli . Bye."

" Tek---., " bago pa siya makapagreact ay pinatay ko na ang tawag. Araw- araw lumalala na yung kabaliwan niya.

Nagpatuloy nalang ako sa paglilinis. Actually pwede ko ng pabalikin yung kasambahay ko dito. Since gumana na lahat ng ATM's ko pero nasanay na rin lang naman akong mag isa atsaka kaya ko naman. Pero kahit may pera na ako hindi parin ako tumitigil sa pagkanta sa resto ni kuya gin. Masyado ko ng naenjoy ang pagkanta. Namalayan ko na lang na kumakanta ako hindi na dahil sa pera kundi dahil gusto ko na. Gusto ko na yung ginagawa ko.

Nagpahid ako ng pawis. Saktong katatapos ko lang maglinis ng tumunog uli yung cellphone ko. Napairap ako. Wala pa sana akong planong sagutin yun since alam kong si sheila lang yan nangungulit na naman pero hindi ito tumitigil sa pag ring. Walang gana kong kinuha at sinagot ang tawag niya kasi alam ko naman na siya lang ang tatawag sakin ngayun.

" May date ako ngayun." biglang lumabas yun sa bibig ko.

" Weeeehhh ? " sabi niya halatang di naniniwala sakin.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon