Chapter 24

605 17 0
                                    


Chapter 24 Confuse

" Danvis !" tawag ko sa kanya ng makita ko siyang naghihintay sa labas ng bahay. Nakapamulsang lumapit siya sakin. Hinawakan niya ako sa mukha at hinalikan ako sa ulo.

"See ? Sakin ka parin umuuwi ." nakangiting tumango ako. Oo na , Danvis sayo na ...

Sabay kaming pumasok ng bahay habang ang kamay niya ay nasa balikat ko. Pagpasok namin sa kusina ay nakahanda na yung pagkain . Napangiti ako.

Pinaghila niya ako ng upuan at siya rin naglagay ng kanin at ulam sa plato ko. Wow ! Ang sarap niyang magluto !

" Ang swerte ng mapapangasawa mo." biglang lumabas yun sa bibig ko. Huli na ng marealize ko kung ano yung sinabi ko. Sinulyapan ko siya pero saakin rin pala siya nakatingin. Umiwas ako sa kanya ng tingin. "I mean ---., "

" Ikaw lang naman ang gusto kong mapangasawa ." mabilis niyang sagot kaya napalunok ako ng wala sa oras muntik pa akong mabilaukan. Binigyan niya naman agad ako ng tubig.

"A- Ano ba yang s- sinasabi mo ?" hindi ko alam na yun na pala yung nasa isip niya ?! Ning hindi ko pa nga siya boyfriend ? Napatigil ako.

Ano ba yang iniisip mo tamara ? Naloloka ka lang ! Masamang biro yun !

" Are you okay ?" nag aalalang tanong niya at hinaplos ang likod ko. "I'm sorry..." bulong niya sa tenga ko.
Ngayun ko lang napansin sobrang lapit pala namin at hindi pala siya kumain .Ako lang yung kumakain.

Napasinghap ako ng yakapin niya ako patagilid ang braso niya ay nakapalibot sa baywang ko. Ipinatong niya pa ang ulo niya sa leeg ko.

" Ahm.. Danvis ...kumakain ako." Naiilang na sabi ko. Inilapit niya yung labi niya sa tenga ko rinig ko na ang kanyang hininga na nagpatayo ng mga balahibo ko.

" Don't mind me. Just eat ."

Pinagpatuloy ko lang yung pagkain pero hindi ko talaga malunok ang kinakain ko kahit anong nguya ko lalo na ng makita ko sa gilid ng mata ko ang matiim niyang titig sakin.

Bakit hindi siya kumakain ? Napabuntong hininga ako tsaka kumuha ng kanin at ulam at sinubuan siya. Napatigil siya nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha bago niya iyun isinubo. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya.

Pagkatapos naming kumain ay ako yung naghugas ng pinggan. Aagawin niya pa na sana sakin yun but i insist siya na ngayung nagluto. Siya pa yung maghuhugas. Nakakahiya naman.

Pagkatapos kung maghugas ay dumiretso ako sa likod ng bahay. Nakita ko agad siya sa tabi ng pool at malalim ang iniisip. Napakunot ako ng noo. Sa mga mata parang may bigat siyang problema na pinapasan. Hindi ko yun nakikita sa twing magkasama kami. Napairap ako. Pano mo nga pala yun makikita kung lagi kang umiiwas sa mga mata niya?

Hindi niya yata napansin na nasa tabi niya na ako kaya nagulat siya ng tapikin ko siya sa balikat nung nakaupo na ako sa tabi niya. Sumilay yung ngiti sa labi niya nung makita niya ako pero hindi iyun umabot sa mata niya. Napakunot ako ng noo.

" May problema ka ba ? Danvis ?" hinaplos ko yung mata niya kaya napapikit siya. Ang mga mata niya ay may pinaghalong lungkot at takot, bumaba yung daliri ko sa ilong niya at pababa sa mapupula niyang labi. Lihim akong napalunok at tumingin sa mata niya ng makitang nakapikit parin siya at bumalik uli ako sa labi niya.

" I love you.." he whispered

Bumilis ang tibok ng puso ko. Lihim kong hinawakan ang bandang dibdib ko. Hinanap niya ang isa kong kamay at iginaya papunta sa dibdib niya habang nakapikit pa ang mata niya.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon