Chapter 35

792 18 0
                                    

Feeling

Chapter 35

Natigilan ako sa sinabi nila. Maraming tanong agad ang pumasok sa isip ko . Paano nangyari yun?

Hindi pweding ako yun. Alam ko kung gaano niya kamahal si sherlyn. Hindi niya sasayangin ang oras niya para makipaglaro lang. Hindi niya bibitawan lahat para sa wala.

Pinaglaban niya si sherlyn sa mga magulang niya tapos sasabihin niyang may iba siyang mahal ? Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa utak ni cristan ngayun. Alam kong may problema. Sana nga yun lang yun.

Pano kung higit pa dun ? Isa lang ang nasa isip ko ngayun. Kailangan ko siyang makausap.

" Ayos lang po ba kayo Ms. Tamara ?" tanong ng baklang ng mapansing nawala ako sa sarili ko. Wala sa sariling tumango ako.

Naramdaman kong humigpit ang paghawak ni Danvis sakin. Lumingon ako sa kanya. Sandaling nagkasalubong ang aming mga mata at umiwas siyang tingin. Nasa malayo ang kanyang tingin at kita ko ang paggalaw ng kanyang panga. Napakunot noo ako.

Anong problema niya ?

Hinawakan ko ang kamay niyang naka kuyom pero hindi niya parin ako binalingan.

" May problema ba ?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik. Hindi na siya nagsalita pa hanggang matapos ang interview.

Hanggang umalis na yung dalawa. Ako yung naghatid sa dalawa sa pintuan habang nandun parin siya nakaupo sa inuupuan namin kanina. Pinagmasdan ko siyang malayo ang tingin. Lumapit ako sa kanya.

" Danvis may problema ba ?" Umupo ako sa tabi niya. Hindi parin siya tumingin sakin.

Pinagmasdan ko kung pano tumaas baba ang adams apple niya at kung pano umigting ang kanyang panga . Parang nanunuyo yung lalamunan ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagbabago ng mood niya. May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan ? Okay naman kami kanina ah.

Nairita ba siya nung sinabi kong fiancé ko siya ? Eh bakit niya ako hinalikan sa harap ng dalawa ? Ano bang trip niya.

Napakagat ako ng labi ko at nangilid yung luha ko habang pinagmamasdan siya.

" Danvis s- sorry ." basag na yung boses ko.

Mas lalong gumalaw ang panga niya. Nakita ko ang pagkairita niya sa sinabi ko halatang hindi niya nagustuhan.

" Pagod ka na ba sakin ? Pwede muna akong bitawan." sa wakas ay tumingin siya sakin.

Namumula na ang kanyang mata. Umiwas uli siya ng tingin at yumuko. Ginulo niya ang buhok niya.

Sunod- sunod ng nagsilabasan ang mga luha ko. Pagod na ba talaga siya ? Susuko na ba ako? Pero mahal ko na siya ... Gusto ko dito lang siya sa tabi ko. Ayukong iwan niya ako. Natatakot ulit akong mag isa .

" D- Danvis naman ! Ano bang problema ?" hindi niya ako pinansin. Biglang kumirot ang dibdib ko. Bakit ba bigla nalang siyang nagkaganyan?

Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero umiwas siya. Parang pinipiga yung dibdib habang nakikita ko siyang nagkaganito. Pinahid yung luha ko .

" Danvis ! Kausapin mo naman ako .." hindi ako sanay na nagkakaganito siya.

"Just leave me alone ." I stilled. Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. Malamig ang kanyang boses. Sobrang lamig.

" Pinapaalis mo ako ?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

" Leave me alone. I want to be alone."

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon