Chapter 31

671 11 0
                                    

Dark secret

Chapter 31

Mabilis kong kinuha ang cellphone kong tumutunog. Mabilis ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ang unregistered number. Napakagat ako ng ibang labi habang hinihintay magsalita ang kabilang linya.

" Hello ? Tam ?" napakunot ako ng noo.

" Si jay 'to kaibigan ni cristan !" bumagsak ang balikat ko at napaupo sa dulo ng kama. Bigla ako nawalan ng pag asa. Akala ko siya na.

" Oh ? Jay ? Napatawag ka ?" walang buhay kong tanong sakanya.

" Hiningi ko ang number mo kay cristan. May itatanong lang sana ako." Niloudspeaker ko yung cellphone since ako lang naman ang tao dito sa kwarto at nandun lahat sila sa baba. Kinuha ko yung nailcutter at pinutol ang kuko kong hindi pantay.

" Ano yun ?"

" Ahm... K- Kasama mo ba si s- sheila? Hindi ko kasi siya macontact eh." may pag aalala sa boses niya. Napakunot ako ng noo. Anong kailangan niya kay sheila ?

" Oo bakit ?"

" Nag aalala lang ako tam tsaka namiss ko rin siya." nabitawan ko yung nail cutter. What the !? " Tam ?
Nandiyan ka pa ba ? "

" O- Oo wait ! Ano m--., " bigla kong naalala crush na crush nga pala ni sheila si jay noon. Hiningi ko pa ang number ni jay kay cristan dahilan kung bakit kami nagkatampuhan noon. Don't tell me ?

" Ano kasi ... ahm... girlfriend ko na siya tam." napaawang ang labi ko. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko ay in- off ang loudspeaker.

" Nandyan ba siya ?"

" Nasa baba eh. Gusto mo tawagin ko?"

" Wag na . Pakisabi nalang na tumawag ako. Namiss ko na siya at ' i love you ' galing sakin." tumango- tango ako. Wow. Just wow .

Since last day namin ngayun napadesisyunan naming bumili ng mga pagkain na dito lang mabibili sa probinsya na pwede naming dalhin sa maynila. Plano naming mag ikot ikot sa kabilang bayan. Si sheila naman ay nagtalon- talon sa tuwa halatang excited. Ganun rin si alex dahil doon nakatira ang commander niya ang mga mata ng iba halos mangitim na at may nakikita na akong usok. Hindi ko alam kung napapansin yun ng mga babaeng kasama ko.

Kumain muna kami ng agahan bago umalis. Mahaba- haba rin kasi yung lalakarin namin. Pero sigurado akong hindi yun nakakapagod dahil na sulit yung tanawin na madadaanan namin.

Napatingin ako kay sheila na ngayun ay nilalantakan ang lutong manok ni Tita Gina na may pinya. Masarap nga yun. Matamis. First time kung makakain nito. Hindi ko nga alam na pwede palang lagyan ng pinya ang manok.

Tumikhim ako sa kanya nakuha ko naman ang atensyon niya. Tinaasan niya ako ng kilay. Ngumisi ako.

" Tumawag yung boyfriend mo." diretsa kong sabi. Naibuga niya yung tubig na iniinom niya kaya sabog ang ang kanyang plato. Yuck ! Napatingin sakanya ang lahat pati si travis na nasa harapan niya na ngayun ay nakataas ng kilay.

" Okay ka lang , shei ?" nag aalalang tanong sakanya ni mhel at hinagod ang kanyang likod. Tumango siya pero pulang- pula na ang kanyang mukha. Binigyan ko siya ng tissue.

" Anong nanyari sayo ?" tanong ko na nakangisi. Mabilis siyang umiling."Binanggit ko lang yung boyfriend mo nag ka ganyan kana ?" nanunuyong tiningnan ko siya. " Miss mo na siya noh ?" mas lalo akong napangisi ng maramdaman ko ang mga matang nakatitig.

" Oy ! May boyfriend kana pala sheila? Akala ko pa naman ?"si tita gina narinig niya rin pala. Kung sa bagay sinadya kong lakasan yun. Nagpabalik- balik ng tingin si Tita gina sa kanila ni travis.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon