Chapter 37

833 15 0
                                    

Let go...

Chapter 37

" Himala ! Nagyaya kang mag bar. First time to tam ha ? Ano meron ?"

Tiningnan ko lang si sheila at nilagok yung natirang tequila sa baso ko. Kumuha pa ako ng isa pa at inisang inom ko lang yun.

"Woah ?! May balak ka bang magpakalasing tamara ?" hindi ko siya sinagot.

" Anong bang nangyayari sa inyong lahat ? Cheer up guys ! Kung lalaki yung problema niyo marami ako."

Hindi ko siya pinansin at tiningnan ang dalawa sa harap ko. Si mhel ay tahimik rin at nakatulala ganun rin si alex na tahimik na umiinom sa tabi. Pareho kaming may malalim na iniisip tatlo habang si sheila ay pachill chill lang at nililibot ang mata sa buong bar.

Ibinaling ko nalang ang mata ko sa basong hawak ko at pinagmasdan ito na para bang ito ang sagot sa problema ko. Na para bang pag ininom ko ito mabubura lahat yun. Sabi nga nila diba. Alak ang sagot sa problema. Pero bakit walang epekto saakin iyun. Bakit hindi nagsasalita ang alak at hindi niya sinasagot ang problema ko ? Mapait akong ngumiti at inubos yung natitirang alak sa baso at pagbagsak na nilagay ang baso sa lamesa. Nanlalaking matang tiningnan ako ni sheila.

" Relax tam ? Baka mabasag mo. Lasing ka na yata. Wag kang magwala ah!"

Kinakabahang sabi niya. Tinawanan ko siya na parang may katuwa - tuwa sa sinabi niya. Umiling ako at sumandal sa upuan. Bakit kahit lasing ako naaalala ko parin lahat. Nakikita ko ngayun ang maamo niyang mukha. Ang malungkot niyang mata. I made a promised years ago. Hindi ko alam dahil sa pangakong yun masasaktan ako ng ganito. Masasaktan ko yung taong mahal ko dahil hindi siya yung pinili ko dahil nangako na ako sa ibang tao.

Tumingala ako para pigilang ang mga luhang nagbabadya na namang tumakas galing saking mata. Tila walang kapaguran paulit- ulit nalang. Kailan ba matatapos to. Kailan ba ulit ako sasaya ? Kailan ko ba sasabihin sa kanyang mahal ko na siya ? Mahal ko na si Danvis. Siya yung taong mahal ko pero hindi siya yung taong pinili ko. Ang gulo diba? Kahit ako naguguluhan. Bakit hindi nalang kami maging masaya. Dahil mahal naman namin ang isa't isa diba ? Bakit kailangan pa naming saktan ang mga sarili namin ? Napakasimple lang naman. Simple at komplikado dahil nandito si cristan. Hindi siya yung hadlang kundi siya yung tulay ang daan ko papunta kay Danvis.

Sana sa pagbalik ko ako parin. Sana sa pagbalik ko hinihintay niya parin ako. Sana sa pagbalik ko hindi pa huli ang lahat. Sana sa pagbalik ko ako parin yung mahal niya. Hihintayin ko yung araw na yun yung magiging malaya na kaming dalawa. Magiging masaya na kami sa isa't isa.

" Tam . Okay ka lang ba ?" tumango- tango ako.

" Diyan ka lang tam ha. Wag kang aalis hahanapin ko lang si alex. Nasan na ba yung babaeng yun?"

Tumayo si sheila at umalis. Tumingin ako kay mhelanie na ngayun ay nakayuko at pinagmamasdan ang kanyang baso. Hindi niya manlang napansin na may tumabi sa kanyang lalaki.

Nakita kong kinausap siya nito pero hindi niya ito pinansin. Nakatitig lang siya sa kanyang baso na parang may problema ito sa kanya. Tumaas ang kamay ng lalaki pero bago pa ito makaakbay sa kanya may kamay na pumigil dito. Napaangat siya ng tingin at napaawang ang kanyang labi.

Ako naman ay naningkit ang mata at nagpabalik- balik ng tingin sa kanila.

Namutla ang mukha ng lalaki na parang kilala nito si kuya gin. Umatras ito at lakad takbong umalis. Sumulyap muna siya sakin bago binalikan si mhelanie na ngayun ay di mapakali.

" Hatid ko na kayo."

Sabi niya at hinawakan ang braso ni mhelanie at inalalayan ito patayo. Bumaling siya sakin ngumiti lang ako sa kanya.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon