Chapter 27

592 11 0
                                    


Empty


Chapter 27

Nagising akong namamaga ang mata dahil sa pag iyak. Halos umaga na akong nakatulog nakatulala lang ako sa ceiling at paulit- ulit kung nakikita ang malungkot na mata ni Danvis tsaka uli bubuhos yung luha sumasakit yung dibdib ko.

Tinakpan ko ng make up yung sa ilalim ng mata ko kaya parang hindi masyadong halata pero may kaunti paring natitira. Binuhag- hag ko nalang yung buhok ko para hindi masyadong kita yung pamumutla ko.

" Tamara !" Lumingon ako sa tumawag sakin. Nakita kong tumatakbo yung tatlo papalapit sakin.

" Pupunta ka na ng resto ?" masiglang tanong ni alex sakin. Tumango nalang ako tsaka ngumiti.

" Sama kami !" kumapit siya sa braso ko. Napakunot ako ng noo. Bakit ang sigla niya ngayun ? Napailing nalang ang dalawa at sumunod nalang samin.

" Saan ka next week tam ?" excited na tanong ni sheila. Magtatanong sana ako kung anong mangyayari nextweek ng maalala ko sembreak na pala. Parang kailan lang ang bilis ng panahon. Nakibit balikat ako. Kasi totoo wala naman talaga akong plano. Noon buong sembreak kasama ko lang si cristan siya yung nagyayaya kung saan kami pupunta o saan magbabakasyon. Pero alam kong imposible na uli mangyari yun.

" Siguro matutulog buong araw." sabi ko habang nagkibit balikat. Di makapaniwalang tinitigan ako ni sheila.

" Seryuso ?" nanlalaking matang tanong niya. Biglang nagliwanag yung mukha niya. " Sama ka nalang samin ni isan ! Magbabakasyon kami sa probinsya nila !" nakita ko ang pag iwas ng tingin ni mhel at napakagat siya ng labi.

" Pag iisipan ko nalang. Baka may gagawin rin kasi ako." tumango- tango siya at bumaling kay alex.

" Ikaw alex pwede ka ?" mabilis siyang umiling.

" May gagawin rin kasi ako." napabuntong hininga siya at nagawi ang tingin kay mhelanie na tahimik.

" Ikaw mhel ?" natigilan siya.

" H- Ha ?" wala sa sariling tanong niya.

" Saan ka nextweek ?" nakangiting tanong ni sheila at kumapit pa sa braso niya. Umiwas siya ng tingin.

" May trabaho ako eh." napabitaw si sheila sa kanya at nagpapadyak.

" Ang boring ng bakasyon niyo !" napabusangot siya. Natatawang bumitaw naman sakin si alex at tumabi sa kanya at ginulo ang buhok niya.

" Ganun talaga ! Enjoy mo nalang bakasyon mo dun !"

Sumakay kami ng van ni sheila at tulad ng nakagawian ay si mhel ang nagdrive habang nasa byahe ay binuksan nila ang radyo at nakisabay sa kanta mula dito. Yung boses ni alex ang nangunguna sumabay rin sina mhel at sheila sa kanya ako naman ay napailing nalang pero sumasabay rin sa kanila.

Maingay ang buong byahe namin hanggang tumigil ang sasakyan sa harap ng Resto bar. Una akong bumaba since nasa pinto lang ako. Hanggang makababa ay maingay parin silang nagtatawanan. Sabay- sabay kaming pumasok at nang makapasok ay sabay- sabay rin silang tumahimik. Para silang dinaanan ng ipo-ipo at biglang naging maamo. Napataas ako ng kilay. Wow. Kanina lang wild nila ah? Anong meron ?

Tuluyan na kaming pumasok sa loob at agad naming nakita ang ZOOM na nagtatawanan. Nangunguna yung kambal mukang tinutukso nila si cavley.

" Hi guys !" kuha ko sa atensyon. Sabay silang lumingon sakin at ngumiti kinawayan pa ako ng kambal pero nung makita nila kung sino- sino yung mga nasa likod ko ay sabay- sabay rin silang natigilan ang magkambal pa ay nagtulakan. Nagpabalik- balik ako sa kanila ng tingin. Ano ba talagang meron ?

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon