Chapter 21

683 18 1
                                    

Hug

Chapter 21

" Tamara , may naghahanap sayo sa labas ." sabi ng baklang kaklase ko , tumango ako tsaka ngumiti. Lalabas na sana ako ng hinarangan niya ako kasama ng isa ko pang kaklase. Napailing ako. Dahil alam ko na kung ano ang gusto nila.

" Pwede pa selfie muna tam !" nakangiting tumango ako .Dali- dali naman silang pumuwesto at kumuha ng tatlo at agad silang pumindot sa kanilang cellphone. Napailing ako at agad na umalis sa harapan nila.

Agad nawala ang ngiti ko ng makita kung sino ang tatlong taong naghihintay sakin sa labas. Ang anghel na si sherlyn kasama ang mga palakang alimpores niya. Nandilim ang paningin ko at nag igting ang bagang ko.

Lumapit ako sa kanila. Pinatili kong kalmado ang itsura ko.

" Anong ginagawa niyo dito ?" malamig kong tanong.

" Hi tam !"

" Hi , tamara !" ngumiti ako sa mga estudyanting bumati sakin.

Hinintay ko maubos ang tao sa hallway bago humarap ulit sa kanila. Nanatiling matalim ang titig ko sa kanilang tatlo lalo na sa babaeng kaharap ko.

" Hindi kami pumunta dito para makipag away tam." tumaas ang kilay ko. So ? May balak silang makipag away sakin ? " G- Gusto ko sanang tanungin kong nasan si Cristan ? Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko ." muntik na akong matawa sa sinabi niya. Nakita kong tumaas ang kilay ng dalawang bakla na parang gusto na akong sugurin.

" Wala kaming balak manggulo tam."

" So ? Hindi kayo nanggugulo ?" nangilid ang luha niya. Napakunot ako ng noo. Bakit siya iiyak ? Inaano ko ba siya ? Maka arte siya parang siya yung kinakawawa ko.

" Ang kapal ng mukha mong pumunta pa dito at magpakita pa sa akin ? Wala ka nabang kahihiyan sa katawan mo ? Pagkatapos mong mangaliwa ikaw yung maghahabol?" tinapangan niya yung mukha niya at sinalubong ang mata ko.

" Hindi ko kailangan e-explain ang sarili ko sayo . Gusto ko lang malaman kong nasan siya. "

" Bakit pa ?" kumunot ang kanyang noo. " Tapos na siya sayo ." nakita ko ang galit ng bumalot sa kanya.

" Wala kang karapatan na sabihin sakin yan ! Wala kang alam ! Wala kang pakialam sa relasyon namin !" sabi niya habang tumutulo ang luha sa mata niya.

Tumawa ako. " Tama ba ang narinig ko ? Relasyon ? Are you kidding ? Nananaginip ka yata anghel . Baka gusto mong matulog muna ?" nagulat ako ng bigla akong tinulak ng isang bakla.

"William ! " pinigilan niya ito at humarap siya sakin. " Anong ibig mong sabihin ?."

" May nilinaw ba sayo si cristan kung anong meron kayo ?" natigilan siya mas lalong lumapad ang ngisi ko. "Wala naman pala eh . So bakit ka pa naghahabol e tapos na siya sayo . He's done playing with you . Nacurious lang siya sayo before kaya kanya pinatulan pero ngayung nagsawa na siya . Please lang lumayo kana... Wag kang magpadala sa pinapakita niya sayo . " lumapit ako sa kanya at sinuklay ang dulo ng buhok niya . Napangiti ako ng makitang hindi siya makapagsalita.

" Concern lang ako sayo kasi babae rin ako , alam ko yung nararamdaman mo. Kilala ko si Cristan mula ulo hanggang paa sinasabi ko lang sayo kung ano ang nakikita ng mga mata ko . Alam mong maganda ka kaya wag kang magpakatanga ng dahil sa isang lalaki."

" Mahal ako ni cristan..." mahinang sabi niya naparang kinukumbinsi niya nalang ang sarili niya. Napairap ako ng wala sa oras.

" Pathetic b*tch !"

Tinulak ako ng mga baklang kasama niya kaya napaupo ako sa sahig , susugurin nila sana ako ng pigilan niya ang mga kasama niya. Nakita ko ang mga estudyante sa gilid ang nagbubulungan , doon ko lang napansin na marami na palang nakatingin samin.

One-sided Love(Completed)Where stories live. Discover now