Chapter 15

772 27 2
                                    


Chapter 15 Weird feeling

" Ano po kailangan nila ?" tanong ko sa lalaking naka suit na nasa labas ng gate namin parang nasa 40's na yung edad niya . Lumapit siya at nilahad yung kanyang kamay . Nagtatakang tinanggap ko ito.


" I'm Atty. Lucas Dimaala , Ms. Wang. I'm your family lawyer . Pinapunta ako dito ng dad mo ." nanlaki yung mata ko.

" Nasan po si dad ? Okay lang po ba siya ? Ano po bang nangyari ? " sunod-sunod na tanong ko. Hinawakan ko ang braso niya . " Ligtas naman siya diba ?" ngumiti si Atty. Lucas at tumango- tango.

" Don't worry Ms. Wang . Mr.Wang is perfectly fine . May pinapasabi lang si Mr. Wang sayo ." nakahinga ako ng maluwag .

" Sa loob nalang po tayo mag usap Atty." sabi ko at binuksan yung gate para makapasok siya.



Pinaupo ko muna siya sa sala at dumiretso sa kusina para kumuha ng juice . Nadatnan ko siyang nagbabasa ng dala niyang folder ng makitang bumalik na ako ay binitawan niya naman ito at ipinatong sa lamesa.

Binigay ko sa kanya ang juice." Thank you , Ms. Wang ." ngumiti ako.

" Ano po ang pinapasabi ni dad ? Ano po bang talagang nangyayari ?" naguguluhang tanong ko.

" And again your dad is okay. He know that you are worried kaya pinapunta niya ako dito ." he started." Alam kong marami kang tanong kaya nandito ako para sagutin lahat ng napansin mo sigurong hindi gumagana ang mga ATM's mo . Hinold ang lahat assets niyo last month dahil sa nangyaring food poisoning ng producto ng company niyo , dahil dun ay medyo tumagilid na ang company niyo ngayun . Samahan pa ng ilang pagnanakaw pagkatapos ng aksidenti na yun. Lahat ng board directors siya ang sinisisi , ang iba ay binibinta na nila ang kanilang mga shares ang ibang mga investors ay nagsipag atrasan na."


" Ano pong mangyayari ngayun attorney ? Makakabawi pa ba ang kompanya ? Pano po si daddy ?" halos buong buhay niya inalay niya para sa kompanyang yun .


" May handang mag invest sa company niyo worth fifty billions isang family friend ng mommy mo. Sapat na pera na yun upang makabangon ang company niyo. Pero may isa silang kondisyon."

" Ano po yun ?"

" You'll find it tomorrow night , Ms. Wang . Your dad wants you to prepared for dinner tomorrow. Doon nalang kayo magkita bukas. Ipapasundo ka niya by 6 P.M ." tumayo na siya at niligpit ang gamit niya pati narin ang dala niyang case. Tumayo narin ako para ihatid siya palabas.

" Thank you po , attorney."

" See you again , Ms. Wang ." pumasok na siya sa kanyang sasakyan.

Nakasunod parin sa papalayo niyang sasakyan ang mata ko . Hanggang ngayun hindi parin nagsi- sink in saakin ang nangyayari . Dinner for tomorrow ? Ba' t kasama ako ? Bigla akong kinabahan. It's my first time na isama ako ni dad sa kanyang business meeting. Bakit parang masama ang kutob ko dito ?


" Nag alala kami kagabi sayo, bigla kang umalis . Buti nalang sinabi ni fortune na may sumundo na sayo ? Sino yun tam ?" ngumiti si sheila ng may kahulugan . " Sino yun tam ? Manliligaw mo raw sabi ng kambal , si idan ba nanliligaw na sayo ?"


Bigla kong naalala ang nangyari nung gabing yun. He stole my first kiss ! Bigla kong kinagat ang ibabang labi ko . Nabitin ako dun ah ! Natigilan ako .

Wait ?! What !?

Bigla akong namula at napatakip ng mukha .

" Hey , okay kalang ? Nanliligaw na ba sayo si idan , tam ?" ulit niya pa. Wala sa sariling tumango ako ng hindi nag iisip.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon