Chapter 40

1.5K 21 1
                                    


Chapter 40

" WE DIDN'T KISSED !"

Tinaasan ko siya ng kilay. Bagsak ang kanyang balikat na parang may malaki siyang problema. Ginulo niya yung buhok niya at hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang magpabalik- balik sa harapan ko. Pinanuod lang namin siyang tatlo at napailing nalang . Yan kasi. Maraming nabiktima kaya nakarma.

Tumayo si alex at hinila siya paupo. Kinuha niya ang baso na may lamang beer ay inisang tungga niya lang ito. Hinilamos niya ang kanyang mukha.

" Ano bang problema mo ?" taas kilay kong tanong. Sinamaan niya ako ng tingin.

" Srsly ? Tam ? Tinatanong mo kung ano yung problema ko !?" pag iinarte niya. Umirap ako at tumingin kay mhelanie. Siya naman ay napailing nalang.

" So what ? Kung totoo o hindi yung pictures ? Bakit may magagalit ba ?" ngumiti ako ng nakakaloko. Lumunok siya. Tumawa naman ng malakas si alex.

" Syempre marami ! Mabibisto siya tang*na ! " kinuha ni sheila ang unan sa likod niya at ibinato kay alex na tumatawa.

" I don't care about them ! " sigaw niya. Tumaas ang kilay ko.

" Then you cared about who ?" napatigil siya. Ngumisi ako at nagkibit balikat. Sasagot pana sana siya ng bumukas ang pinto ng bahay niya. Pumasok sina cavley at travis. Diretso ang tingin ni travis kay sheila na natataranta tila hindi mapakali sa kanyang inuupuan. Nagpabalik- balik ako ng tingin sa kanila ng biglang tumawa si alex.

" Ah ? Alam na ! May something ! " tumingin siya kay sheila at ngumiti ng nakakaloko. " Oh ? Nasan na yung " the more you hate. the more you hate forever "? Kinain muna ? " matalim siyang tinitigan ni sheila.

" Shut up."

Tuluyan ng nakalapit ang dalawa samin. Mariin ang titig ni travis kay sheila. Ang isa naman ay umiwas ng tingin kunwari umiinom pero yung kamay ay nanginginig na.

" Anong ginagawa mo ?"

Umirap si sheila. " Hindi ba obvious ? I'm drinking." Nagtagis ang ngipin ni travis.

" Because of that guy huh ?" naningkit ang mata ko kay sheila na ngayun kinakagat ang kanyang labi. Hindi pa ba ito tapos ? Another one-sided huh ? Matapang na sinalubong ni sheila ang mata niya.

" Alam mo naman pala e. Ba't ka nagtatanong ?" Nagkatitigan silang dalawa na parang sila lang ang tao dito. Na parang may sarili silang mundo.Walang kumukurap walang nagpapatalo. Nagkatitigan kaming apat. Si mhel ay napailing . Si alex naman ay nakangisi tila may alam siya sa nangyayari. Si cavley ay lumapit sakin at umupo sa tabi ko. Nginitian ko siya.

" Kamusta ?" sasagot palang sana ako ng biglang sumigaw si sheila.

" Ano bang paki alam mo ?!"

" I'm your f*cking boyfriend for goddess 'sake ! " napaawang ang labi namin lahat. Parang may dumaang kuliglig sa sobrang katahimikan. Siniko ako ni alex at ngininguso ang likod. Nakuha ko naman kong anong ibig niyang sabihin. Isa isa kaming nagsitayuan at iniwan sila dun.

Pumasok sa kusina ang dalawa at ako naman ay naiwan kasama si cavley. Walang nagsasalita samin habang nakatingin sa langit. Siya yung unang bumasag ng katahimikan.

" Kamusta ka na tam. Bigla ka nalang umalis walang may alam kung saan ka pumunta." napabuntong hininga ako. Tama siya. Wala akong pinagsabihan na aalis ako kasama si cristan. Kahit sina sheila ay hindi alam. Sinagot ko nalang ang tawag nila sa video call. Napuno yung tenga ko ng mura nina sheila at alex si mhelanie naman ay tahimik lang sa tabi. Pero kahit ganun hindi ko parin sinabi sa kanila kung nasan ako. Hindi ko sinabing kasama ko si cristan. Hindi nila alam ang nangyari kay cristan. Walang may alam . Ako lang. Kahit mga kaibigan niya ay hindi alam ang nangyari sa kanya. Kahit si sherlyn. Speaking of her. Kamusta na kaya siya ? Sana hindi niya na hinintay si cristan. Tumingala ako.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon