Chapter 32

663 14 0
                                    

A lonely tear .

Chapter 32

" Ilan ang boyfriend mo sheila ?" curious kong tanong.

Inirapan niya lang ako. " Langhiya ka tam ! Wala kang utang na loob !" pagh- hysterical niya. Napakunot ako ng noo. " Pagkatapos kitang payuhan ng my sheila advice 101 ay ilalaglag mo ako !?"

" Anong sinasabi mo ?" inocente kong tanong.

Umismid siya . " Wala !" sabi niya at tumalikod. Napailing nalang ako.

Ngayun na yung uwi namin. Medyo bitin nga eh. Hindi pa talaga namin nalilibot ang buong bayan. Kaya lang may pupuntahan ang magpinsan. Ang aukward naman kapag nagpaiwan kami dito nakakahiya. Kaya nagdesisyunan naming umalis nalang since pwede rin naman namin ituloy ang bakasyon namin sa maynila o sa ibang lugar. Pero ako ? Wala talaga akong plano balak ko nalang matulog sa bahay buong bakasyon.

Alas singko palang bumyahe na kami. Medyo inaantok pa kami dahil gabi narin kami nakauwi kahapon. Naubos yung lakas namin doon muntik pa kaming matanghali ng gising. Kasama na namin ngayun si kuya gin sa loob ng van na kasalukuyang nagmamaneho ngayun at katabi niya si mhelanie na kahapon pa tahimik . Pinagmasdan ko siya parang may malalim siyang iniisip. May nangyari ba ?

Binaling ko nalang ang tingin ko sa bintana at pinagmasdan ang pagtaas ng araw at pag iiba ng kulay ng langit. Napapikit ako ng tumama na ng tuluyan ang liwanag saking mukha. Unti- unti akong dumilat at hinarang ko ang liwanag gamit ang aking kamay.

" I love you too."

Nagising ako ng marinig ko ang kakaibang boses ni sheila. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Tiningnan ko yung katabi ko na nagngingiti habang may hawak na cellphone at nakalapat sa kanyang tenga.

" Ikaw na ..." malambing na sabi niya sa kanyang kausap. Napakunot ako ng noo. Kaya pala kakaiba yung boses niya halos hindi ko na makilala.

" Ow sige na nga ..." pag ipit niya sa kanyang boses. " Oo na ito na papatayin ko na .. I miss you too. " sa wakas ay pinatay niya na ang tawag. Pero hindi parin nabura ang ngiti sa labi niya. Nagawi ang tingin niya sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay. " Buti sinagot mo na ang tawag ni Jay ?" umiling siya. Napakunot ako ng noo. " Hindi si Jay yun ? Sino yun si Rico ?" umiling uli siya.

" Si Ethan yun." di makapaniwalang tinitigan ko siya. Ganun kadami yung boyfriend niya ? Diba may asher pa siya ?

" Don't look at me like that tam. Uso yan ang mga ganyan. Try mo tam. Maganda ka naman , sure akong makalimutan mo yung stress mo kay cristan ." napailing ako. Ning minsan di sumagi sa isip ko gumanyan. Dalawa pa nga lang nababaliw na ako sa kakaisip kung sino yung gusto ko . Siya tatlo -,  hindi apat ? Ay hindi may tatlo pa eh. Bali anim ? Wow. Ilan ba puso niya ? Sampo ?

Tumabi siya kay alex na ngayun ay may katext. Tinusok- tusok niya ang tagiliran nito. Isa pa itong isa kanina pa din hindi makausap at hindi mapanis ang ngiti sa labi. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayun ? Bago kami umalis normal pa naman sila ah ? Pumunta lang naman kami sa probinsya nina kuya gin. Di kaya may masamang hangin silang nalanghap dun ? At pumasok sa mga utak nila ?

" Katext mo si commander noh ?" nakangiting tumango naman ang isa halatang kinikilig. Ano kaya ang nagustuhan ng babaeng to sa lalaking yun ? Well matured siyang tingnan halata talagang mas matanda siya samin ng ilang taon. Malaki rin yung katawan. Hindi rin maputla yung balat. Gwapo rin naman siya siguro magiging crush ko yun pagdating ko ng thirty.

" Ikaw yung naghingi ng number niya alex ?" taas kilay kong tanong.

" Hindi ah ! Si sheila yung nagbigay !" tumingin ako kay sheila.

" Pinsan siya ni Ethan." simpleng sagot niya. Nanliit yung mata ko.

" Actually i tried to used him to help alex pero nagustuhan ko yung company niya kaya." nagkibit balikat siya. Ngayun ko lang talaga nakita yung ganitong side ni sheila. I mean okay naman siya hindi naman siya nagbago samin pero di ko alam may madilim pala siyang secreto tungkol sa mga lalaki.

" May gusto ka bang lalaki sheila ?" biglang lumabas yun sa bibig ko. Nawala yung ngiti niya at sinalubong ang aking tingin. Nag iwas siya ng tingin. Tumango - tango ako. Alam ko na.

" Pagod ka na ba ?" napatingin ako sa harap namin. First time kung nakitang kinausap ni mhel si kuya gin.

Ngumuso si kuya parang pinipigilang sumupil ang ngiti sa labi. " You talked?" Inirapan siya ni mhelanie at bumaling nalang uli sa bintana.

Naningkit ang mata ko habang nakatingin sa isang kamay ni kuya gin nagmamaneho. Hinanap ko ang isa niya kamay. Nahuli kong gumagapang ito sa kamay ni mhelanie sa baba. Galawang ' Gin Villaester ' . Hanep ah !

Sumandal ako sa upuan ang tiningnan ang phone ko tsaka napabuntong hininga. Miss ko na siya ... sobra.

Pano kong di siya bumalik sakin ? Pano kong mawalan na siya ng gana? Pano kong marealized niya na hindi pala ako worth it na mahalin ? Pano yun ? Ako ang maghahabol sa kanya? Ano sasabihin ko ? Oy ! Danvis ! Kamusta !? Bumalik ka na ulit sakin! Mahal na pala kita ? Napailing ako. Parang napaka simple lang kung iisipin mahirap gawin. Sigurado akong mauutal na ako pagnakaharap ko siya.

Gabi na kami nakauwi at napagdesisyunan naming doon nalang matulog sa bahay ni sheila. Ayuko ko pa sanang pumayag dahil gusto kong umuwi at miss ko na yung bahay ko at baka nadun na siya pero mapilit si sheila. Kahit si mhelanie na sabik sa kanyang anak ay di nakatanggi.

Pagdating namin sa bahay niya ay nakatulog kami kaagad at tulad ng inaasahan ay tanghali kami nagising dahil sa pagod ng byahe namin kahapon. Wala yung mommy niya nagshopping raw sa Hongkong kaya ang mga katulong ang kasama niya ngayun. Nilibot ko ang tingin ko sa buong bahay niya.

" Ilan na ang lalaking dinala mo dito sheila ?"

" Wala pa." simpleng sabi niya. Nagkatinginan kami nina alex at mhel at tiningnan siya tila di makapaniwala.

" Totoo ?" tanong ko na di kumbinsido. Umirap siya at umiwas ng tingin. Pinaningkitan ko siya ng mata. Bakit ang dali niyang basahin ?

" Sino yun sheila ?"

" Pumunta dito si travis ng isang beses dahil may binigay siya sakin. Pinabigay ni kuya gin pero hindi ko siya niyaya at hindi ko siya dinala dito. Kusa siyang pumunta." diretsa niyang sabi. Nagkatinginan kaming tatlo at tumango- tango tila alam na namin ang iniisip ng bawat isa.

" Anong iniisip niyo ?" nakataas kilay niyang tanong.

" Kung ano ang iniisip mo." napaawang ang labi niya. Ngumisi ako.

" Wag mong sabihin. Tinatablan kana ng alindog ni Mr. Travis Yu ?"

Natulala siya pero sandali lang ay bigla siyang tumawa. Nakahawak pa siya sa kanyang tiyan at kunwari nagpupunas ng mata kahit walang luha. Tinapik niya ako sa balikat.

" Are you crazy !? No way ! Hindi kami talo !"

Ngumisi ako.

" Ow sige. Hihintayin ko nalang mangyari ang sinabi ni kuya gin sayo. "

I'll wait for that time sheila.



Pabagsak akong umupo sa kama ko. Walang buhay na humiga ako at tumingin uli sa aking cellphone. Ako ba ang unang magte- text sa kanya ? Napabuntong hininga ako at itinapon yung cellphone ko sa tabi.

A lonely tear escape from my eye. Niyakap ko yung unan sa tabi ko at sinubsob ang mukha ko dito. Di ko alam na mararanasan ko ulit to. Danvis ... nasan ka na ? Pagod ka na ba ? Napagod ba kita ? Uwi ka na sakin please ...







One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon