Chapter 38

856 21 4
                                    

GO HOME ...

Chapter 38

Pinagmasdan ko ang mukha ni cristan habang natutulog siya. Mas lalo siyang pumayat ngayun at nalalagas narin ang buhok niya dahil sa epekto ng gamot na iniinom niya. Kailangman hindi ko naisip na magiging ganito siya kahina.

Hindi ko lubos maisip na mapupunta siya sa ganitong kagayan. Nakapikit ang kanyang mata at mabilis rin ang kanyang paghinga.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at kusang tumulo ang luha saking mata. Hinaplos ko ang kanyang mukha at napapikit. Yumuko ako at hinalikan ang kanyang kamay.

" Cristan lumaban ka ha. Uuwi pa tayo. Hinihintay ka niya cristan. Magpagaling ka. Itatama pa natin ang mga mali natin. Yung mga maling tinakasan nating dalawa ."

Napakagat ako ng ibabang labi. Nalasahan ko yung alat ng luha na nanggaling saking mata. Unti- unti niyang minulat ang mata niya. Kahit yung mata niya ay hindi na niya magawang idilat ng maayos.

Namumutla narin ang kanyang labi. Itinaas niya yung isa niyang kamay at pinahid yung luhang tumulo sa pisngi ko. Nakikita ko na ang pagod sa kanyang mata , sa kanyang katawan at sa kanyang paghinga.

Pero kahit mahina na siya nagagawa niya paring lumaban. Lumalaban parin siya sa sakit na ibinigay sa kanya.

" Pangit mo ."

Tumawa ako kaya napangiti siya. Pinilit kong maging maayos ang lahat. Na normal lang yung pakikitungo ko sa kanya at hindi ko siya kinakaawaan pero hindi maiwasang tumulo yung luha ko lalo na kapag natutulog siya at madalas niya akong nahuhuling umiiyak katulad ngayun.

" P- Pangit mo r- rin ."

Pinilit niyang magsalita kahit hindi niya na talaga kaya. Ngumiti ako. Unti- unting pumikit ang kanyang mata kaya bigla akong nataranta.

Ngumiti siya.

" M- Matutulog lang a- ako."

Nakahinga ako ng maayos. Ganito palaging nangyayari kapag natutulog siya di ako mapakali. Binabantayan ko siyang mabuti. Natatakot akong tumigil ang kanyang paghinga habang natutulog siya. Natatakot ako na baka hindi na siya magising at umuwi akong mag isa.

Mahigpit ang paghawak ko sa kanyang kamay at yumuko.

Narinig kong bumukas yung ang pintuan. Umangat ang tingin ko at nakita ko si Tita Cristy palapit sakin. Nakikita ko rin ang pagod sa kanya. Tumigil siya sa gilid ko at tumingin sa anak niya.

Nakita ko ang awa sa mata niya habang tinitigan si cristan. Hinaplos niya ang mukha nito. Hanggang ngayun ay hindi parin siya kinakausap ni cristan at galit parin ito sa kanya. Nakakapagbisita lang siya kapag tulog ito.

" Tita ."

" K- Kamusta siya ?" tanong niya. Paos rin ang kanyang boses.

" Wala parin pong pinagbago." malungkot na tumango siya .

" Magpahinga ka muna. Ako ng bahala sa kanya. "

Kahit nagdadalawang isip ay tumango ako. Kailangan ko rin siyang bigyan ng oras para makasama ang anak niya. Tumayo ako ay niyakap ang mommy ni cristan at lumabas na ng kwarto iniwan ko siya kasama ang anak niyang natutulog.

" Ate tamara ."

umingon ako sa batang tumawag ng pangalan ko. Siya yung batang galing sa malalang cancer pero gumagaling na. Pinay rin siya . Dahil sakanya hindi ako nawawalan ng pag asa na gagaling si cristan.

Because miracles happened all the time at nangyari iyun sa batang ito. Tumakbo siya palapit sakin habang hawak ang paintbrush niya. Tumigil siya sa harap ko. Ngumiti ako at lumuhod para magpantay kaming dalawa.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon