TRD XXVI

8 3 0
                                    

Gale's POV

"Are you sure na ayos ka na? Wala na bang makati?" pangungulit sa akin ni Jameson. "Oo nga Gale, mamaya himatayin ka nanaman naku" dagdag pa ni Ren "Kaya mag mula ngayon, Di na ako magpapalate para naman mabantayan kita" mungkahi naman ni Stella

"I'm fine guys, really... Tularan niyo nalang itong si Ron oh, ang tahimik" Saad ko habang tinuturo si Ron sa unahan namin

Naglalakad na kami ngayon papuntang Auditorium kasi may announcement for our grade level daw

Marami narin ang mga tao pagdating namin, buti at naka hanap agad kami ng mapupwestuhan

Mukhang maya maya pa naman magsisimula kaya sumandal muna ako sa likod ng upuan ko.

"Hi Gale!" napalingon ako sa likuran ko to see one of my classmate, Josh

Katabi nito si Clint with his usual bored look while Josh was smiling na parang mapupunit na ang mga labi nito kakangiti.

"Hi Josh" bati ko rito pabalik nag pakita siya ng parang nagulat na itsura na may pataklob pa ng mga kamay niya sa bibig

Okay?

"Kilala mo ako? Hala! Kilala ako ni Gale dude!" pangungulit nito sa kaibigan niya

"I heard" iritadong sagot ni Clint sa kasama

"Hoy pangit, wag mo nga kulitin si Gale! Ang ingay mo e!" pagtataboy ni Ren na nasa kanan ko katabi si Ron na tahimik parin habang nasa kaliwa ko naman si Stella katabi si Jameson na mukhang tulog

"Aba-Hoy! Hindi ako pangit! Napaka gwapo ko kaya! Diba Clint? Diba? Diba?" pagtatanggol naman ni Josh sa sarili

Narinig ko nalang na nagbubungisngisan na yung mga nakakarinig kay Josh kaya naman mukhang nag tampo ito at sumandal nalang sa upuan niya kaya naman humarap na ulit kami sa unahan at eksaktong nakita namin na nandoon na ang speaker namin, which is ang main admin ng school namin aside sa principal.

"Good morning students" panimula nito kaya naman nagsitayuan ang lahat para bumati rin dito. "Thank you, you may take your seats" paalala nito sa lahat. Matapos magsiupuan ng lahat ay nagpatuloy na ito sa pagsasalita.

"I called you all here today to announce that a new sponsor of ours wants us to have an early field trip-" hindi pa natatapos sa pagsasalita ang admin nang magbulongan ang mga estudyante dahil sa anunsyo

"Settle down students" paalala nito ay naghupa naman ang ingay na dinulot ng mga estudyante. "As what I've said, Magkakaron tayo ng early field trip na para sa inyong grade level which is our Grade 12 students. Sagot na nila ang lahat and planado na ang lahat ng ito. Gaganapin ito sa darating na sabado kaya may ilang araw pa kayo para makapag handa. Dadaosin ito sa isang isla at mag tatagal tayo doon ng tatlong araw" putol nito sa pagsasalita

"Nice" dinig Kong bulong ng pinsan Kong magaling na nakikinig na pala sa announcement

"We already prepared the activities to be done while we're there. Pag balik niyo sa mga classroom ninyo ay ipapamahagi na ng inyong adviser ang mga waiver ninyo na kailangang pirmahan ng mga guardians niyo at ipasa kinabukasan, maliwanag ba?" tanong nito sa lahat kaya malakas na 'Oo' ang naging tugon ng karamihan

Nagsibalikan na ang lahat matapos ng announcement sa Auditorium at naglalakad na kami pabalik sa classroom namin

I'll call my parents later to inform them

Enjoy|Vote|Comment

The Royal DilemmaWhere stories live. Discover now