TRD XXVII

10 2 0
                                    

Gale's POV

"Are you ready?" nilingon ko si Ron matapos ako niyong tanongin. "And quite excited" sagot ko rito habang itinatayo ko ang maleta ko sa sahig na kanina lang ay nasa higaan ko.

It's already Saturday and it's a good thing that Father let me join this trip, it was actually them that sponsored this whole trip and no one must know, even the whole school doesn't know about them, Father ordered someone to do so

"Magiingat kayo doon mga bata ha? Bantayan niyo yang si Gale nang mabuti" paalala ni uncle bago siya umalis pabalik sa bahay. Hinatid kami ni Uncle sa school kasi may mga bus na mag hahatid sa amin sa Airport para makapunta sa gaganapan ng field trip namin.

Two hours to get to the airport and another hour and a couple of minutes upon arriving to our destination which is Siquijor

I've looked it up on the Internet after school on the day it got announced and I must say that the island is beautiful.

"Okay Everyone, there won't be any seating arrangements so you can sit wherever you want, just make sure to behave alright?" paalala sa amin ng adviser namin at agad din kaming pumasok sa loob ng bus. Dahil wala pa namang na pwesto sa pinakang likuran ay doon ko na isipang pumwesto at sinundan naman ako nila Jameson

Bale katabi ako ng bintana sa bus sa kaliwa at katabi ko naman si Jameson na katabi si Ron na katabi si Stella at katabi si Ren.

Mukhang settled narin naman halos ang lahat nang bigla kaming maka rinig ng nasigaw mula sa labas kaya nagsitinginan kami upang matunghayan si Josh at Clint na nagmamadaling pumasok sa sasakyan para sa section namin.

"Phew! Buti nalang umabot pa tayo! Ang bagal mo kasi Clint!" panenermon ni Josh sa kasama habang naglalakad patungo dito sa likuran dahil punk na ang ibang seats

"Uh-hmm J-Josh, gusto niyo dito nalang kayo p-pumwesto?" dinig naming mungkahi ng isa naming kaklase na babae

"Ayos lang, doon nalang kami sa likuran, salamat sa alok mo" sagot ni Josh sa babae at tumabi na siya dito kay Ren

I don't feel to good about these two sitting by each other

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang panaglitang sulyap ni Clint sa banda namin ni Jameson kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana habang tumabi naman ito sa kaibigan niya kaya siya ang nasa may tabi ng bintana sa kanan

"Okay everyone, now that's all settled, magpahinga nalang muna kayo habang nabyahe okay?" paalala sa amin ni Sir Galvez at sumangayon nalang kami rito

Ang mga maleta namin ay nasa likod ng sasakyan kaya hindi masikip sa bus. Ibinaba ko ang backpack ko sa sahig sa harapan ko at kumuha ng makakain.

I'm just really craving for some snacks, that's all

"Ang dami niyan ah" sabi ni Jameson habang namamapak ng peppero na matcha flavor niya

"Hindi naman" sagot ko rito habang inilalagay sa binti ko ang mga kinuha ko sa backpack ko.

Oreo cookies, pic-a barbecue flavor, piatos na roadhouse bbq flavor, salted caramel and chocolates and chuckie

Di naman madami e

"Basta penge ako ha?" sabi niya habang namamapak parin ng peppero niya

Napansin ko naman na tulog na si Ron habang inaawat naman ni Stella sila Ren at Josh dahil nagbabangayan nanaman dahil yata sa pagkain. Si Clint naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana habang may nakasalpak na earphones sa tenga nito

This would be a long ride

Enjoy|Vote|Comment

The Royal DilemmaWhere stories live. Discover now