TRD XXXV

6 3 0
                                    

Josh's POV


Nakarating na kami sa kasunod na Station at tama nga ang hinala ni Ron na ang ang ibig sabihin ng symbol ng Station na ito ay Egypt

"...Kailangan niyo lang tumagal ng 30 seconds bago namin kayo matatakan" paliwanag ng bantay ng Station Pharaoh

Ang naunang Station ay Station Poseidon kaya kami naglangoy sa dagat

"Three layers daw, since pito tayo, apat sa base, dalawa sa second layer and isa sa toktok" ani Jameson

"Okay, ganto nalang, Jameson, Me, Clint and josh sa base and dalawang babae sa second layer at si Ren sa toktok dahil magaan lang naman yan" ani Ron kaya naman nagsimula na kaming mag formation para bumuo ng human pyramid

Lumuhod kaming apat upang makaapak ang dalawang babae at makapagbalanse sila. Sumunod naman na umakyat ay si Ren na tukmol na tuwang tuwa sa taas habang nakaupo sa pinagdugsong na braso ng dalawang dalaga

Nagsimula na ang timer at Di nagtagal ay natapos na ang oras

Bababa na sana si Ren sa toktok ng makarinig kami ng kaluskos sa Di kalayuan

BANG!

Ngunit ganon nalang ang gulat namin na natumba si Gale kasabay ng tunog ng baril kaya naman nagulo ang formation at kumalabog kaming lahat

"Oh my gosh! Gale!" sigaw ni Stella kaya naman nataranta kaming lahat ganon narin ang kasabayang grupo namin at ang staff na nagbabantay

"She's bleeding!" sigaw ni Clint kaya naman binuhat siya agad nito at tumayo na kami at iika ika namang tumayo si Ren kaya naman nilapitan ko ito at ng kakambal upang alalayan kasi napasama ang bagsak nito

"Kaya na ako ni Josh panget, daluhan mo na si Gale" mungkahi ni tukmol kaya naman tinanguhan ito ng kakambal at sumunod na kila Jameson pala as ng gubat

Habang natakbo kami palabas ay ganon nalang ang gulat namin ng may marinig nanaman kami

Putok ng baril!

Napaluhod kaming lahat dahil baka tamaan kami

Kita namin sa Di kalayuan na nahihirapan na sila Jameson dahil hinimatay na yata si Gale

Agad kaming tumayo at nang makalapit kami ay may nagsilabasan na limang lalaki na armado

"W-What the heck" bulong ko dahil lahat sila may dalang baril

"Ma-maawa po kayo samin!" pagmamakaawa ni Stella habang naiiyak na sa takot kaya naman inalo namin ito

Kaming pito lang ang nandito for heavens sake!

Naiwan sa loob ang mga kasama namin kanina na ibang grupo

"Hand over the Princess" matigas na utos ng lalaking nasa gitna

Ito ang pinakang malaki sa kanila

Matatangkad kami pero mas matangkad sila at napaka buff ng katawan!

Tensyonado na kaming lahat dito lalo na at may tama si Gale sa may balikat nito

Kitang kita ang butas dulot ng tumagos na Bala sa bandang likuran ng balikat nito

"Who ordered you to come here?" matapang na tanong ni Ron habang nakaharang sa unahan nila Clint na buhat parin si Gale at inaalalayan ni Jameson

"We don't need to answer you! Hand us the princess now!" sigaw nito kaya naman lalo kaming natakot dito

"Wala kaming a-alam sa sinasabi ninyo! Pakawalan niyo na kami! Naghihirap na ang kaibigan namin dito!" sigaw naman na Stella kaya naman tinutukan ito ng kasamahan ng lalaking nasa gitna

"I'm asking you.... for the last time, who ordered you?" seryosong tanong ni Ron

"You've got yourself some mouth right there, in that case..." nagulat kami nang lahat sila ay tinutukan na kami ng mga baril nila kaya naman hinila namin si Stella at ganon din sila Jameson na hinarangan si Gale na wala paring malay

Please, save us

Enjoy|Vote|Comment

The Royal DilemmaWhere stories live. Discover now