CHAPTER SIX

733 14 0
                                    

CHAPTER SIX💐



~~~~~~~~~~~~~~~~

7 years ago...

Nakita ko ang excitement sa mga mata niya ng ihain ko ang niluto ko sa harap nya. Agad nyang kinuha ang kutsara at tinidor at parang bata na ngumiti.

"Tenkyu Jagi..."

"Eat well.."

Agad syang sumandok ng niluto ko. I cooked a sweet and sour chicken. Wala kasi akong maisip na lutuin. Kaya kung ano nalang ang nakita ko sa ref ang syang niluto ko. Tyaka masarap naman ang sweet and sour chicken. Kasing sarap ko😊.

"Hmmn, ang sarap..."

Napangiti ako reaksyon nya. He close his eyes and it seems that he is savoring the flavor of the food. And all i did is to stare him. I can see how handsome he is. So handsome that makes my heart beats so hard.

"Jagi, don't look at me like that. Natutunaw ako." Nakangisi nyang sabi.

Doon ako natauhan at agad na binato ang unang bagay na nadampot ko which is the table napkin.

"Sino bang may sabi na tinitignan kita. May amos ka kaya sa mukha."

Natawa ako ng agad nyang hinaplos ang mukha nya para malaman kung totoo ba yung sinabi ko.

"Wala naman e. Niloloko mo lang ata ako e. Aminin mo na kasi na tinititigan mo ako. Hindi naman ako magagalit."

"Gago." Asar na sikmat ko.

Natawa naman sya sa reaksyon ko saka tumayo at lumapit sa akin at niyakap ako.

"Biro lang Jagi. Alam mo namang ayaw na ayaw ko na nagagalit ka sa'kin. I love you..."

"Hmm, galit pa din ako sayo pero I love you too."

Mas lalo syang natawa at hinalikan ako sa noo. I sigh in contentment. Sana. Sana hindi na matapos 'to. Sana kami na hanggang sa huli.

"Mahal na mahal kita Rain. You are the best thing that happen to me. You are my inspiration. You inspire me to sing, to dance and to perform. Para sayo lahat ng ginagawa ko. To make you proud. Gusto kong ipagmalaki mo ako. Na ako, si Jeon Jungkook, member ng grupong BTS ay pag-aari mo. I love you so much. Very much Jagi..."

"Ang drama mo." Biglang imik ko at mahinang itinulak sya. Natawa ako ng sumimangot na naman sya at nagpout. Tatanggalin nya sana ang pagkakayakap sa akin ng hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"I love you too Jagi. And remember this, I'm always proud of you. Always. And you are my inspiration too." I said slowly and sweetly as I hug him tighter.

Naramdaman kong natigilan sya but eventually hugs me back. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang sandali ng biglang tumunog ang cellphone nya. Pero nakayakap pa din sya sa akin na ikinatawa ko.

"May tumatawag sayo oh. Bitiw na." at mahina ko syang itinulak.

"Ayoko, gusto ko ganito lang tayo. Forever and ever."

"Ang corny mo. Dali na, sagutin mo na yung phone mo."

"Hmp, sige na nga. Pero yakapin ulit kita mamaya pagkatapos nito ah." at dahan-dahan syang bumitiw at kinuha ang phone nya sa bulsa pero hindi umalis sa harap ko.

"Hello..."

"Oo. Busy ako."

"Kasama ko buhay ko. Hindi ako pupunta."

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now