CHAPTER SEVENTEEN

600 15 2
                                    

CHAPTER SEVENTEEN💐



MATAPOS ang ilang araw na pananatili sa hospital ay pinayagan na din si Jungkook na makalabas. Ilang araw na din muna nung makaalis ang buong BTS maliban sa kanya para sa kanilang reality show na Bon Voyage. Ngayon ay kasalukuyan kaming nakasakay sa taxi papunta sa sariling bahay ni Jungkook dito sa Busan. Well, hindi na ako nagulat ng malamang may bahay siya dito. I know he can pay any amount to build many houses as much as he wants. He's a popular and successful celebrity after all.

"Nandito na po tayo..."

Nauna na akong lumabas at kinuha ang mga gamit ni Jungkook na nasa trunk ng taxi. Inakay naman ni Jungkook si JC gamit ang walang pinsala niyang mga braso. Nauna na silang pumasok sa bahay. Hindi man ito ang unang pagkakataon na makita ko ang bahay na ito ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha. It's not a big house. The size was enough for a family. Dalawang floor siya. May terrace sa second floor at veranda naman sa first floor. Pumasok na din ako sa gate at nilibot ang paningin sa buong kabahayan. May mga hindi namumulaklak na halaman ang nakapalibot sa pader habang may mga hanging plants naman na nakalagay sa kung saan-saan pero elegante namang tingnan. Mayroong tatlong kuwarto na may banyo bawat isa. May entertainment room kung saan may malaking TV at malambot na couch. Naroon din ang ilang mga kagamitan sa pagtugtog. Ang sala ay may malaking espasyo. Habang ang dining at ang kitchen ay napapagitnaan lamang ng isang bubog na pader. Mayroon ding maliit na playroom para kay JC na kaka-renovate palang. Sadyang pinaghandaan ni Jungkook ang pag-stay ni JC sa bahay na 'to.

"Waah, your house is beautiful Daddy..." Manghang saad ng anak ko na ikinatawa ni Jungkook.

"It is not just my house. It's also yours. Let's go Little Guy, I'll show you your room."

Umakyat na sila sa pangalawang palapag ng bahay. Hindi na ako nag-abalang sumunod bagkos ay nagtungo na lamang ako sa kusina para maghanda ng makakain. Nakita ko na naman ang kwartong tinutukoy ni Jungkook na para kay JC nung nauna akong magpunta dito. Naisipan ko nalang na magluto na ng pananghalian dahil marahil ay gutom na din yung dalawa. Maya-maya pa ay natapos na akong maghanda at naghain na ako sa mesa. Hindi ko mapigilang magtaka dahil halos isang oras ang ginugol ko sa pagluluto pero hindi pa din sila bumababa. Wala akong choice kundi umakyat para pababain na sila. Pero nadatnan ko silang magkayakap na natutulog sa kama ni JC. Jungkook and JC is facing each other. Jungkook's injured arm was placed above JC's body while his other arm was under JC's head making it his pillows. While JC's arm was clasp around Jungkook's neck. And they are both sleeping soundly. I want to treasure this scene so much. I picked out my phone and took a picture of them bago ko sila ginising.

"Hey sleepyheads... Wake up..."

Sinabayan ko ng mahinang pagyugyog ang panggigising ko. Naunang nagmulat ng mga mata si Jungkook at agad na dumapo ang tingin niya sa akin.

"Pretty..."

Biglang nag-init ang pisngi ko sa mahinang turan niya. I can feel my heart beating so fast. Tangina, parang yun lang naghuhuramentado ka na. I tapped my chest where my heart is located. Bakit heart, sure ka bang ikaw ang tinutukoy niyan. I set aside those feelings and I cleared my throat.

"It's already lunch. Bumaba na tayo para makakain."

Dali-dali na akong lumabas not minding the confused stares from Jungkook. Ramdam ko ang init ng mga pisngi at ang patuloy na malalakas na pagkabog ng dibdib ko. Isinara ko ang pinto at doon ay sumandal ako. My right hand traveled unto my chest where my heart is. I relaxed myself by inhaling and exhaling. Masyado akong apektado. Sanay naman akong masabihan ng maganda pero iba talaga ang epekto kapag mula iyon kay Jungkook.

"JC, wake up. Nagluto na si Momma ng lunch. Kakain na tayo."

Narinig kong ginigising na niya ang anak nam--ko. Mabilis akong umalis sa pagkakasandal sa pinto at bumaba na papunta sa dining. Agad kong kinuha ang isang baso at nilagyan ito ng iced tea mula sa pitcher. And slowly, my heart and breathing became even. Sa wakas at kumalma na ako.

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now