CHAPTER TWENTY-ONE

539 10 0
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE💐





PAGTAPAK na pagtapak ko pa lang sa labas ng airport ay agad na sumalubong sa akin ang mainit na klima at polusyon sa hangin. Nanibago akong bigla dahil na rin siguro ay nasanay ako sa klima sa Korea. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid upang maghanap ng pamilyar na mukha na siyang susundo sa akin.

"Rain!"

Napalingon ako sa isang babaeng kumakaway sa akin.

"Jeanry!" Agad akong lumapit sa kanya hila-hila ang maleta ko at maliit na shoulder bag.

"Na-miss kitang gaga ka! Napatagal ata ang bakasyon mo sa Korea ah." Matapos niya akong yakapin ay komento niya. Nginitian ko na lang bilang sagot.

"Siyanga pala. Bakit ikaw lang? Nasaan ang anak mo?"

"Ha? Ah, nasa Korea. N-nasa tatay niya." I stuttered.

"Awit, ang gara. Oppa pala ang Daddy ni baby JC. Kaya pala ampogi." Napangiti nalang ako sa sinabi. Ano pa kaya ang magiging reaksyon niya kapag malaman niyang isang sikat na Jeon Jungkook lang naman ang ama ng anak ko.

Jungkook...

Bigla tuloy bumalik sa alaala ko ang mga nangayari nung nasa Korea pa ako...

Pagkatapos kong lumabas ng kwarto ni JC ay agad kong pinagamot ang sugat. Nagtanong pa nga nurse kung saan nanggaling ang sugat ko pero nanatili lang akong walang kibo. Matapos kong magamot ay dumiretso ako ng uwi sa bahay ni Jungkook para kunin ang lahat ng damit at gamit na pag-aari ko. Then I travelled via train to Busan. Pero wala akong naabutang tao sa bahay ng magulang ko. Pumunta lang ako dun para personal na magpaalam. Hindi ako pwedeng mag-stay dun.

Nag-iwan na lang ako ng sulat at agad ding umalis. I choose to stay with my aunt sa Gwacheon habang nagpapagaling ng sugat ko at naghahanda ng pag-alis ko pabalik sa Pilipinas. Grabe pa ang pilitan ko sa tiyahin ko para hindi lang niya maipaalam sa mga magulang ko na sa kanya ako nagi-stay.

I stayed in Gwacheon for almost a month habang hinihintay ang pag-uwi ko ng walang traces na inaayos ng boss ko. He's influential enough para magawa yun.

Pagkatapos ipaalam ng boss ko na pwede na akong makauwi ay agad akong naghandang umalis. Gusto ko pa sanang kahit sa huling sandali ay makita ang anak ko ay hindi ko nalang ginawa. I won't take the risks. Alam kung nasa paligid lang si Cheska, may mga tauhang nagbabantay sa lahat ng galaw ko; kaya mas pinili ko nalang na panatilihin ang kaligtasan ng anak ko. Makikita ko pa naman siguro siya e. Matatagalan nga lang.

"Hoy tara na. Natulala ka na diyan." Sinabayan pa ng mahinang sabunot ni Jeanry sa akin.

"Aray naman!" Reklamo ko sabay haplos sa buhok kong sinabunutan niya.

"Ang arte mo, ang hina lang naman nun friend." Natatawa niyang sabi.

"Babalik ka ba agad sa trabaho?" Paglilipat niya ng usapan. Paalis na kami sa airport at siya na mismo ang nanghila ng maleta ko.

"Yeah, nakausap ko na si Boss about sa grupo na pupunta sa Masbate para sa one-month-documentary para sa isang article. Kasama ako sa grupong iyon." Pagki-kwento ko habang pasakay na kami sa kotse niya. Jeanry and I are both working on the same publishing company.

"Oh, kasama din ako sa grupong 'yun. Uwuu, magkasama tayo?" She said excitedly.

Pinalungkot ko ang mukha ko para ipakitang disappointed ako, "bakit kasama ka?" I playfully whined.

"Ang sama mo." She pouted.

"Hindi na naman matatahimik ang buhay ko nito." I continued playing disappointed.

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now