CHAPTER FIFTEEN

726 14 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN💐




AFTER a few days ay pinayagan na ng doktor na makauwi si JC. Sa mga araw din na nasa ospital pa siya ay hindi pumalya si Jungkook na bumisita. And I'm shock na wala siyang sinasabi sa anak ko at nirerespeto ang paghingi ko sa kanya ng ilang araw pa bago ko tuluyang ipakilala bilang ama kay JC.

"Baby, I have something to tell you."

Nasa kwarto ko kami ng anak ko at kasalukuyan kong pinapatuyo ang buhok niya. Ito ang pangatlo at huling araw ng palugit ni Jungkook upang magsabi sa anak ko tungkol sa kanya.

"What is it Momma? And about what?"

Inilapag ko sa kama ang towel na ginagamit kong pampunas sa buhok niya at kinarga ko siya upang humarap sa akin. Naglakbay ang mga mata ko sa buong bahagi ng mukha niya na halos kamukha ni Jungkook. I cupped his face. Hindi ko mapigilang magtampo at magtanong. I bear him inside me for nine months pero ni isang feature ay wala talaga siyang namana sa akin. Sobrang lakas ata ng dugo ng ama niya.

"About your Uncle Jungkook, baby..."

"Oh, Uncle Jungkook? Is he coming over here today Momma?"

"Ah--m-maybe he is. You wanna see him again?"

"Oumph" he nodded.

"Do you like him, baby?"

"Oumph." He nodded again, "I really like him, Momma. He is so cool. He can sing, dance and rap. And he is so popular too. I want to be like him someday." He looked so excited while talking about him. At sobrang sakit nun para sa akin.

"Really? You want to be like him?"

Tumango-tango ulit siya, "And he is kind and handsome too, Momma. He bought me an iron Man toy, and banana milk, and cheesecake, and marshmallows, and chocolates, and many more foods when I was still on the hospital. He bought me many things Momma. I like it."

Natawa ako sa sinabi ng anak ko. It seems like he only like his father's presents and not him. Batang-bata pa, user na.

"It seems like you only like his presents."

Nawala ang ngiti at excitement sa mukha ng anak ko at sumilay ang hiya at awkward na ngiti niya. Namula din ang pisngi at dulo ng ilong nito na mas lalong nagpatawa sa akin.

"Am I too obvious Momma?"

Napahalakhak na ako ng malakas. Kawawang Jungkook.

"You are baby. Pero bad yun. Don't be a user."

"I was just kidding Momma. Anyway, what are you going to tell me? What about Uncle Jungkook?"

Parang bumalik lahat ng kaba ko. I think it's not a good thing na wala si Jungkook dito. I need him here to help me to explain to our son. Pero hindi ko din mapigilan isipin na baka sumama lang ako sa tingin ng anak ko pag si Jungkook ang nagsalita. I don't want my son to get mad at me. I can't afford that.

"Do you want to meet your Dad, baby?"

Nakita ko ang gulat sa inosente niyang mukha ng tumingin siya sa akin.

"Malaki na po ba ako Momma?"

Bigla akong nasaktan sa tinuran niya. Everytime he asks about his Dad, I'm always saying na kapag malaki na siya, saka niya pa lang makikita ang Daddy niya.

"No. You are still baby. My baby."

"Pero sabi niyo mami-meet ko lang siya pag big na ako."

"Why, ayaw mo bang mameet ang Daddy mo kahit baby ka pa?"

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now