CHAPTER EIGHTEEN

602 8 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN💐






I was stunned at the moment when an arms wrapped around my waist and pulled me to stand up from sitting on the side of the street. Gulat kong tiningnan kung sino ang nagmamay-ari ng mga brasong yun. At natagpuan ko si Jungkook na punong-puno ng pag-aalala ang mga mata habang nakatingin sa akin. Saka ko lang narealize na matagal na pala akong nakatulala at nakasalampak labas ng gate at parang tangang umiiyak.

"What happened?"

"J-jungkook..."

I don't know what comes to my mind. I just threw myself to hug him tight and cry more on his shoulder.

"Shhh...calm down Rain...tell me what happened..."

Parang wala akong narinig at nanatiling nakayakap sa kanya. Narinig kong huminga muna siya ng malalim bago ako niyakap ng pabalik. Hay, I really need this. Sobrang bigat ng nararamdaman ko at kailangan ko ng karamay. Siguro naman...oras na para malaman ni Jungkook kung ano talaga ang tunay na rason ng paglayo ko.

Isang maliliit na mga braso naman ang yumakap sa mga hita ko na nagpabalik sa huwisyo ko. Biglang namula ang buong mukha ko at nanindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Tangina, para akong tangang umiiyak at talagang niyakap ko pa talaga siya. Bigla akong natauhan at naitulak siya.

"S-sorry..."

Mabilis akong pumasok sa kabahayan not minding his calling and JC's. Dumiretso ako sa kuwartong ginagamit ko at nilock ito. Agad kong kinalma ang sarili ko at pinahid ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko talaga mapigilan maging emosyonal pag naaalala ko ang totoong rason kung bakit mas pinili kong umalis sa bansang 'to at lumayo. Kung sana ganun lang kadali manatili at huwag magpadala sa pamba-blackmail ni Cheska; baka hindi ganito ang kinahantungan namin.

Hindi ko maiwasang alalahanin ang ginawang pagtatakwil ni Daddy sa akin noon. Mabuti nalang at naroon si auntie at tinanggap pa din niya ako sa bahay niya. Pero hindi din nagtagal ay mas pinili kung umalis ng bansa dahil lumala na talaga ang pamba-blackmail ni Cheska at talagang umabot pa sa parents ko. EunBi helped me to book a flight papunta sa Pilipinas at hindi ko inasahang makikita ko si Mommy as airport sa araw ng pag-alis ko. Hindi din niya din ako natiis e. When we arrived at the Philippines, tumuloy kami ni Mommy sa isang paupahang apartment. Habang nandoon ay nagtrabaho si Mommy para sa gastusin namin. Saka ko nalaman na iniwan pala niya si Daddy para lang sumama sa akin. My Dad was so mad at me. But miracle happened; when I gave birth to my son, si Daddy mismo ang pumunta sa Pilipinas para kausapin ako.

"Rain..."

Maya-maya ay isang katok ang gumising sa akin mula sa pag-alala sa nakaraan. It was Jungkook. Hindi ko alam kung bubuksan ko ang pinto o magbibingi-bingihan at magpapanggap na tulog. Hindi ako makapag-desisyon kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo o hindi. Pero paano kung hindi niya ako paniwalaan at mas lalo pa siyang magalit sa akin? I can risk it. Okay na naman kami. Siguro naman ay unti-unti na niya akong napapatawad. Maybe if he already forgiven me fully, saka ko na sasabihin. Wag muna siguro ngayon.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto. Oo nga pala, bahay niya 'to. Of course he has a key. Pero mas nagulat ako ng niyakap niya ako. Oo, siya mismo ang yumakap sa akin.

"Rain...tell me...what happened?"

"W-wala..."garagal na tugon ko.

"I don't believe you. Paanong wala e halos histerikal ka kanina ng maabutan ka namin sa labas ng bahay."

"Then don't believe me..."

"Rain..."

Pilit akong kumalas sa yakap niya at sinalubong ang mga mata niyang punong-puno pa din ng pag-aalala.

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now