CHAPTER ELEVEN

644 16 0
                                    

CHAPTER ELEVEN💐





7 years ago...




After that night, mas lalong dumikit sa akin si Jungkook, hindi nya din ako pinapalapit sa ibang lalaki lalong-lalo na si Jun Ho. Wala na din syang pake kahit ipagtulakan ko pa sya para hindi malaman ang relasyon namin. Ni hindi na nga sya humihiwalay sa akin na syang dahilan ng maraming tsismis tungkol sa akin. Gusto ko syang itangi at umiwas na lang pero ayokong mangyari na naman ulit ang nangyari dati. Yung nangyari sa amin, aminado kaming mali yun pero wala kaming pinagsisisihan.

"Jungkook naman, paano kung malaman nila ang tungkol sa relasyon natin? Pano kong makarating sa mga fans mo? Hindi ka ba nag-aalala sa career mo?" Yamot na saad ko sa kanya. Kanina pa kasi sya nakadikit sa akin na parang butiki. Ang sama na tuloy ng tingin ng mga schoolmate ko sa akin, specially girls. At nasa cafeteria kami ng school kaya andaming nakatingin sa amin.

"Jagi, sinabi ko na sayo diba. I don't care. Kung masisira ang career ko edi mag-aaral nalang ako ng mabuti para magkatrabaho. Kasi malay natin may laman na yang tiyan mo?" Nakadantay ang ulo nya sa balikat habang nagsasalita. Naguluhan ako sa sinabi nya. May laman naman talaga ang tyan ko. Yung mga kinakain ko tas yung mga bituka ko.

"May laman naman talaga 'tong tyan ko." Kaswal na sagot ko sa kanya.

Bigla syang napatayo kaya nagulat ako. Pero mas grabeng gulat yung nakikita ko sa mukha nya. Agad nyang hinawakan ang kamay ko at hinigit ako patayo. Saka hinigit nya palabas ng cafeteria papunta sa hindi ko malamang direksyon.

"What the fvck are you doing Jeon Jungkook. Stop dragging me will you!" Pagpupumiglas ko sa hawak nya. Nagulat ako ng palabas na pala kami ng gate ng school kaya pilit kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

"Jeon Jungkook, ano ba! San ka ba pupunta?" Gigil na tanong ko

"H-hospital. W-we need to go to h-hospital." Parang wala sa sariling tugon nya.

Naguluhan na naman ako. Anong gagawin namin sa hospital? May sakit na syang hindi ko nalalaman?

"Anong gagawin natin sa hospital? M-may sakit ka ba?" Kinakabahang tanong ko. Paano kong may sakit pala si Jungkook? Tas malala na pala kaya may taning na ang buhay nya. Paano kong mamatay sya? Paano ako?

"Wala akong sakit. Ikaw! Ikaw yung kailangang dalhin sa hospital."

"E? May sakit ba ako?"

"Watda, you forgot? Kakasabi mo palang kanina."

"Wala naman akong sinabing may sakit ako kanina." Teka, ano bang problema ng kunehong to?

"You said you are pregnant! Sabi mo may laman na yang tiyan mo!" Hindi ko madescribe ang itsura nya. At hindi ko din alam kung tatawa na ako o magwawala.

"Gusto mong masapak Jeon Jungkook? It's just been 4 days pagkatapos ng may nangyari satin. Anong akala mo sa'kin mutant? Buntis agad? Gago ka ba?!"

Natatawa pa den ako kapag naaalala yung pinagsasabi ni Jungkook. Parang hindi nag-aaral ng science e. Pero mas lalo akong natatawa dahil pinandidilatan nya ako ng tingin.

"Stop laughing will you. It's your fault. Hindi mo kasi nilinaw ang sinasabi mo." Nakapout nyang sabi na ikinatawa ko ulit.

"Malay ko bang iba pala iniisip mo nun."

"At malay ko din bang masyadong literal yang isip mo. Seriously? Pagkain talaga at bituka yung inisip mong laman ng tyan mo?"

"E yun naman talaga ang laman ng tyan ko e. Isa pa, bobo ka ba? Pinag-aralan natin sa science kung paano at kelan nacreate ang baby. Hindi ka kasi nakikinig."

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now