CHAPTER NINETEEN

552 7 0
                                    

CHAPTER NINETEEN💐





Dahil sa pamimilit ni Jungkook, mas pinili nalang namin na lumipat sa Seoul at doon tumira. Para daw hindi na siya bumiyahe ng matagal papuntang Busan para makasama kami. At para na daw rin mas maraming oras na magkakasama kami dahil wala na talagang oras na bumiyahe pa siya ng malayo kasi sobrang busy niya.

"Are you going home tonight?" Malumanay kong tanong. Naisipan ko kasing magluto mamaya ng paborito niya kapag uuwi siya.

"Hindi siguro Rain, may guesting kami sa isang show and we are still working for our comeback kaya baka doon na din ako matulog sa apartment namin." Sagot niya habang nagsusuot ng sapatos.

Napayuko ako para hindi niya makita ang disappointment sa mukha ko, "ahh..."

I honestly don't know what to say kaya tumahimik nalang ako at pinanood siya. Nasa playroom si JC at mag-isang naglalaro. Gusto nga sana niyang sumama sa Daddy niya pero wala daw maiiwan sa akin dito kaya hindi pumayag si Jungkook. Maya-maya pa ay maayos na siya at paalis na.

"I'll be going..." Muli siya lumapit sa akin at hinalikan akong muli saka siya tuluyang lumabas ng bahay.

Napailing ako at umakyat na sa playroom ni JC. I have decided to go the grocery since we're almost out-of-stock. Binihisan ko muna si JC ng puting long sleeve na turtle neck at maong short na hanggang tuhod niya ang haba. Isinuot ko na sa kanya ang sapatos niya at bonnet na gray. Matapos ko siyang bihisan ay pumasok na din ako sa kwarto namin ni Jungkook--oo, nasa isang kwarto kami, hindi din naman kami masyadong nagtatabi kasi madalas siyang wala at kung nandito man siya ay doon din siya natutulog sa kwarto ni JC--para magbihis na din. I choose to wear a cotton white long sleeve at tinuck-in ko ito ng maong na skirt na hanggang gitna ng hita ko ang haba. Pinaresan ko din ito ng puting sneakers. Natawa ako sa napili kong damit na parehas na parehas ng sa anak ko. Ang cute namin.

"Tara na JC."

"Yes Momma!"

Mas nauna pa siyang lumabas ng bahay at siya na mismo ang nagbukas ng gate. Pumunta naman ako sa garage ng bahay upang kunin ang kotse ni Jungkook. Iniwan niya kasi ito dahil sinundo naman siya ng manager nila kanina. I maneuver the car hanggang sa makalabas ako ng gate. Sinara muna ito ni JC bago siya sumakay ng kotse.

"Thank you, baby..." I smiled at him.

He nodded and smiled back at me. Tuluyan ko ng pinaandar ang kotse hanggang sa makarating kami sa isang grocery store. Matapos kong mai-park ng maayos ang kotse ay magkahawak-kamay kaming pumasok ni JC. Kumuha ako ng push cart at nagtungo sa meat section. Pumili ako ng karne ng manok at baboy. Kumuha din ako ng mga gulay maging ang mga basic condiments para sa bahay.

"JC come on, let's pay this..." Sabi ko habang tinitingnan ang mga pinamili namin upang malaman kung mayroon akong nakalimutan.

"JC!" Ulit ko ng hindi sumagot si JC. Bigla akong napalingon sa gilid ko at nakitang wala rito ang anak ko.

"JC!" Nilibot ko ang paningin ko at napahinga ako ng maluwang ng matanaw ko siyang nasa shelves ng mga snacks at chocolates.

Agad akong lumapit sa kanya tulak-tulak ang mabigat na push cart.

"JC, haven't I told you to behave?" Galit na salubong ko sa kanya. Halos atakehin na ako sa puso kanina ng makita kong wala siya sa tabi ko. Buti nalang at wala akong sakit sa puso.

"Momma--"

"Rain?!" Napalingon ako ng may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

"Rain, ikaw nga!" That person squealed while running to me and throw herself to hug me.

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now