CHAPTER TEN

650 12 0
                                    

CHAPTER TEN💐





7 years ago...





"...Ano Rain, sasama ka ba?" Bumalik ako sa katinuan ng magsalita sa harap ko si Jun Ho. Wala ako sa sariling napatango. Nakita ko ang pagkamangha na bumalatay sa mukha nya.

"Talaga Rain? Sasama ka? Hindi ka tatanggi?" Tanong nya.

"Oo nga. Bat? Ayaw mo?"

"Syempre gusto. Gusto mo ba sunduin kita sa inyo?"

"Hindi na. Ako ng bahala sa sarili ko."

Masaya syang umalis sa harapan ko para ipaalam sa tropa nya ang pagsama ko. Matagal nya na akong iniimbitahan para sa birthday party nya na magaganap mamayang gabi na matagal ko na ring tinanggihan. Hindi ko alam kong ba't ako pumayag pero wala ako sa katinuan ko ngayon. Ikaw ba namang marinig ang jowa mong pumayag na mag-snack kasama ng ibang babae.

"Akala ko ba hindi ka sasama Rain? Sa buong klase, ikaw lang ang tumangging pumunta. Bat ngayon pumayag ka?" Naguguluhang tanong ni EunBi sa'ken.

"Gusto ko lang pumunta. Di ba pede yun?"

Nakita kong nagpout sya na ikinangiti ko. Ang kyeot nya talaga. Medyo nabawasan yung bigat ng loob ko. Pero masakit pa den.

"Pede naman? Nagulat lang ako." Parang bata nyang sabi na ikinangiti ko. Bumaling naman ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakatingin din sya sa akin. Nang makita nyang nakatingin ako sa kanya ay ibinaling nya ang tingin nya kay Hana na hanggang ngayon ay kinakausap--nilalandi sya. Umirap ako. Bwisit kang malanding kuneho ka. Wag na wag mo talaga akong kakausapin at baka kitilin ko yang buhay mo.

"Sabay tayong pupunta sa bahay nila Jun Ho ah. Puntahan kita sa inyo."

"Sige EunBi. Intayin kita mamaya. Bumalik ka na sa upuan mo at baka dumating na si sir. Papagalitan ka na naman nun." Nanguso ulit sya sa sinabi ko.

"Ang KJ talaga ng matandang yun. At ang laki--"

"Ang laki ng ano?" Natawa ako ng pandilatan nya ako ng mata. Ang kyut nya. Para syang kunehong inagawan ng pagkain.

"Ang laki ng galit sa'ken. Bat ang dumi ng utak mo."

"Eh malaki naman talaga e."

"Ang alin?"

"Nung ano nya?" Natatawa ako habang nagsasalita.

"Wag mong itutuloy yan Rain. Ihuhulog talaga kita sa bintana."

"Nang katawan nya. Ikaw pala yung madumi utak e." Napaaray ako ng kurutin nya ako. Sadista talaga neto.

"Hmp. Makabalik na nga ng upuan ko." Sinundan ko sya ng tingin hanggang makabalik sya sa upuan nya. Napabaling ulit ang tingin ko sa kanya na nakangiti pa habang nakikipag-usap kay Hana. Tangina mo Jeon Jungkook!

_________________



Mabilis kong inilibot ang mata ko sa buong bahay nina Jun Ho. Namamangha ako sa mga nakikita ko. Parang mansyon sya aa sobrang laki. Sabagay, mayaman naman talaga ang pamilya nila.

"Ang laki ng bahay nila Jun Ho." Narinig kong sambit ni EunBi ng may pagkamangha.

"Oo nga e." Pagsang-ayon ko naman.

"Tara, lumapit na tayo sa kanila. Ang dami naman nyang bisita. Buti nalang at madami din tayong mga kakilala dito." Halos lahat kasi ng kaklase namin ay nandito.

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now