SPECIAL CHAPTER 02

724 21 6
                                    

SPECIAL CHAPTER 02💐






HINDI AKO komportable sa kinauupuan ko. Hindi dahil sa pangit ito o ano kung hindi dahil sa paminsan-minsang paghilab ng tiyan ko. Kabuwanan ko na ngayon at next week na daw ako manganganak sabi ng Doctor ko. Kaya kahit ayaw pumayag ni Jungkook ay napilit ko siyang hayaan akong pumunta sa concert niya. Yun nga lang ay narito lang ako sa gilid dahil hindi ako pwedeng makikipagsiksikan sa dami ng tao sa harapan.

"THANK YOU ARMYYYYYYYYYYYYY! I PURPLE YOUUUUUUU!!!!!" Sabay-sabay na sigaw ng BTS bilang hudyat na tapos na ang concert.

Panay sigawan at tilian ang narinig kong tugon ng mga fans nila habang nililisan ng pito ang stage. Habang ako naman ay inaalalayan ng isang staff papasok sa waiting room ng BTS.

Masaya ako kasi kilala na ako ng mundo bilang asawa ng isang Jeon Jungkook. Buong tapang akong ipinakilala at ipinagmalaki ni Jeon Jungkook sa buong mundo na buong tapang ko din namang hinarap. Hindi nawala ang mga bash at pangungutya pero hindi din naman nawala ang pagsuporta.

Sa ngayon ay mas pinipili ko nalang ipagsawalang-bahala ang mga bash na naririnig ko bagkos ay itinututok ko ang atensyon ko sa pamilya namin ni Jungkook at sa mga suportang natatanggap ko mula sa ibang fans ni Jungkook.

"Salamat..." Pagpapasalamat ko sa staff na tumulong sa akin ng makarating ako sa waiting room ng BTS. Ngumiti ito sa akin at nag-bow bago nagpaalam na umalis.

Imbes na maupo ay mas pinili kong tumayo at lumakad-lakad muna para maibsan ang hapdi ng paghilab ng tiyan ko. Hindi ko mapigilang kabahan. Saka ko naalala ang panganganak ko noon kay JC. Ipinanganak ko kasi siya two weeks earlier kaysa binigay na due na Doctor. Hindi kaya ganun din ang mangyari sa akin ngayon?

At mukhang tama nga ako dahil ramdam ko ang malakas na paghilab ng tiyan ko at ang pagdaloy ng likido sa mga hita ko. Napakapit ako sa isang couch habang nakakapit sa tiyan ko.

Yun ang naabutang posisyon ko ng BTS ng makapasok sila sa waiting room.

"Hala ka Rain, bakit ka umihi?" Tanong ni Taehyung na nakatitig sa basang dress ko.

"J-jungkook..." I'm straining myself not to scream kasi alam kong matatakot, magkakagulo at mawawala sa sarili ang lahat ng myembro ng BTS.

"Rain, bakit? May masakit ba sayo?" Dinaluhan ako ni Jungkook.

"I think I know what is happening." Singit ni Jin na pabalik-balik ang tingin sa mukha kong nakapinta ang sakit at sa hita kong basang-basa.

"Bakit hyung? Anong nangyayari?" Clueless na tanong ni Jhope.

"AHHHHH!!!" I screamed from the top of my lungs na ikinaigtad nila.

"M-manga-manganga-nganga-manak..." Nauutal na si Jin at hindi na makapagsalita ng maayos habang nakaturo sa akin.

Tangina naman! Wala bang nakakahalata na manganganak na ako? Kung kailan ba naman tatamaan ng pagkabobo at ngayon pa talaga?

"AHHHHH! TANGINA!!!!!" I gripped Jungkook arm tightly at halos bumaon na ang kuko ko sa balat niya dahil sa biglaang kirot na sumigid sa sistema ko.

"AHHHHHRAYYYYYY!" Sigaw din Jungkook, marahil ay dahil sa sakit ng pagkakahawak ko sa kanya.

"Mmmm-MANGANGANAK NA SIYA!!" Sa wakas ay nasabi na din ni Jin.

"M-manganganak..." Nanginig bigla si Jimin.

"Baby?" Takang-taka pa ding tanong ni Jhope.

"Hospital. Hospital. Hospital." Wala sa sariling nauusal ni RM.

"KOTSE!!!!!!" Agad na tumakbo palabas si Suga. Buti pa yon may naitutulong.

"Baby? Manganganak?" Narinig kong usal ni Jungkook sa sarili. At nagulat na lang ako ng humandusay siya sa sahig. Narinig ko pa ang tunog ng pagtama ng ulo ni Jungkook sa sahig.

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now